Chapter VI: The Rain that brought both a friend and a jealous heart

36 3 0
                                    

CHAPTER VI

Makiko's POV

"Chaos!" Tinawag ko siya. Nakatayo siya sa may rooftop sa kabilang building, nakasilip ako ngayon sa binatana ng library dito sa kaharap na building lang ng rooftop na kinatatayuan ni Chaos. Tumingin siya sakin at ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya pero biglang merong dumating na babae. Hindi ko kilala. Sinubukan kong tanawin pa ng mas mabuti pero hindi ko talaga makilala kung sino yung babae. Pero medyo pamilyar sakin ang i-style ng buhok niya. Mukhang hindi naman siya dito nagaaral dahil iba ang suot niyang uniform. Lumapit yung babae kay Chaos at kinalabit ito. Magkatabi na sila ngayong nakatayo sa rooftop. Naguusap sila, pero syempre hindi ko naririnig. Sinusubukan kong kunin ang atensyon ni Chaos pero napansin kong his eyes are locked on the girl he's talking with. For a slight moment there, i felt a striking pain in my chest. I put my hand on my chest. I still try to get his attention, shouting and waving and jumping up and down. But, he still doesn't notice. The striking pain in my chest feels like its digging deep inside my heart. 

"Alam mo may tawag sa mga katulad mo eh, teka uhm, ano nga ba yun..." Lumapit sa tabi ko ang isang matangkad na babae, pero hindi ko siya kilala. Tinignan ko lang siya. "Ma-ma-masochist! Yun, yun ang tawag sa mga kagaya mo." Sabi niya at sabay tumawa ng malakas. Natatawa ako sa tawa niya kaya naman napangiti niya ako despite sa tumutusok na karayom sa puso ko. "Uhm, sino ka ba?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sakin at di ko maipinta ang expression ng mukha niya. "May problema ba?" Umiling siya at bigla nalang tumawa. "Wala, wala." Sagot niya. "Grabe ngumingiti ka pala!" Sobrang gulat na pagkakasabi niya. Tumango lang ako sa kanya. "Mmm" sabi ko sa kanya. "Ah ako nga pala si Ivory!" Pakilala niya sa sarili niya. She smiled at me and offered a handshake. I didn't smile back at her, but i shook hands with her and introduced myself as well, "I'm Makiko." She laughed and said "Alam ko, kilala ka kaya dito. Hindi mo ba alam kung gaano ka kasikat?" Umiling ako at tumawa. "HIndi eh." Sagot ko sa kanya. Tinignan niya ako na para bang kaawa awa ako, at umiling siya. "Tsk, tsk, tsk, kalat na kalat sa buong school ang titulo mo. "Ice flirt" kilala ka bilang ang snoberang malandi dito sa campus. Nilandi mo 'daw' kasi yon, yung lalaking yun," tinuro niya si Chaos, napatingin ako at nakitang naguusap pa rin sila nung babae. Mas naaalala ng isipan ko yung itsura nung babae, pero i really can't remember her name. "Hindi ko nilalandi si Chaos. Magkaibigan lang kami. Pero wala akong pakelam sa opinion niyo o sa sinasabi niyo. Sa totoo lang, ngayon lang ako nakakilala ng lalaking katulad niya na napakabuti magmahal. He loves so much, i can't afford to take that kind of love. Kaya wala akong balak na agawin siya sa kahit na sinong babae." Sabi ko kay Ivory habang nakatingin kila Chaos at sa babaeng kasama niya. Hindi na nagsalita yung babae. Tinalikuran ko na sina Chaos at naglakad papalabas ng library, "Si Thea pala ang kausap niya." Sa wakas, naalala ko din kung sino yung babaeng kausap niya. Lumabas ako ng library at pumuntang clinic. 

Pagdating ko sa clinic, binuksan ko ang pinto at hinanap ang nurse. Looks like, the school nurse's absent again. Humiga lang ako sa isa sa mga kama. I covered my eyes with my hands. I feel a bit cold kaya nagkumot na din ako at tinakpan ulit ang mga mata ko. Sa isip ko, inulit-ulit ko ang mga katagang, 'Darating, hindi darating. Darating, hindi darating.' Ilang beses ko ding inulit yan sa isipan ko, umaasang sa bilang ng thirty-seconds nandito na siya. Bubuksan ang pinto at sasabihin ang pangalan ko. Umaasa akong hahanapin niya ako, dahil tinawag ko siya kanina. Pero, mukhang may iba siyang pinagkaabalahan. Dahil pag-gising ko, walang dumating na Chaos. Walang Chaos sa tabi ko. 

Bumangon na ako ng kama at lumabas ng clinic. Pumunta ako sa classroom at kinuha ang bag ko. Bago ako makalabas, sumalubong sa pintuan ng classroom namin si Ivory. I blinked twice dahil sa pagkagulat ko sa biglaan niyang pagsulpot. "Hi!" She's so energetic. "May sulat palang iniwan si Chaos sa table mo kanina, kinuha ko dahil parang gustong lamunin nung mga iba nateng kaklase eh!" Sabi niya at sabay tawa. Ngumiti lang ako. "Ah ganun ba." Maikli kong sagot. Ni hindi ko na kinuha yung papel sa kanya. Isip isip ko kasi, ano namang gagawin ko sa isang papel hindi ba? Hindi yun ang kailangan ko, kundi siya. 

Naglalakad na ako papunta sa bus stop. Kung saan nag-lo-load at unload ang mga bus ng mga passengers nila. Nagulat ako ng biglang sumulpot nanaman si Ivory. "Hi! Dito din pala ang daan mo pauwi?" Hyper pa din siya. Tumango lang ako. Nang dumating ang bus sumakay na kami. Ikinagulat ko pa lalo nung tinabihan niya ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Sa loob loob ko nararamdaman kong natutuwa ako dahil may kumakausap sakin. At babae pa siya! Pero nag-aalangan din ako. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan. 

"Anong phone number mo?" She asks me, holding her phone.

I look at her. 

"Wala ka bang cellphone?" Natatawa niyang tanong. Minamata niya ata ako.

"I have a phone, i just don't know if there's any sense of giving you my number." I answered her coldly.

"Kaya walang kumakausap sayo sa school eh. Englishera kana, emotionless ka pa!" 

"Bulag din ako..." Nagulat ako sa mga salitang lumabas sa bibig ko kaya naman napatakip ako ng bibig bigla.

"Ah, a-ano bang mga pinagsasasabi ko." I pretended that i accidentally blurted out something irrelevant in our conversation. If talking like that with her can be considered as a conversation.

She laughed and said, "Number mo nalang. Matutuwa pa ako."

I don't know what's the sense of her having my number, but it doesn't seem like that much of a big deal, so i agreed and got my phone.

"Here." I gave her my phone and let her input my number on her phone.

Kinuha niya ang phone ko at agad na nilagay yung number ko sa phone niya. Nakita kong nilagay din niya ang number niya sa phone ko. Binalik niya sakin ang phone ko at sinabing, "Friends na tayo ah!?" Napatango nalang ako sa sinabi niya. 

I look out the window and see raindrops falling...

"May problema ka ba?" Ivory asked. She's looking at me so intently. I feel like she's seeing through me.

"Wala." I answered very shortly.

"Meron eh. Pwede mo namang i-share sakin. Friends na nga tayo diba?" Hearing this from her...made me feel like its okay to tell her the feeling i don't know. Because maybe she knows.

"Kapag nakikita kong may kasamang ibang babae si Chaos...may masikip na feeling sa dibdib ko at pakiramdam ko may karayom na tumutusok sa puso ko. Pero hindi ko maintindihan kung bakit." I told her, trying not to sound that i know of what i was feeling.

"Selos yan girl!" Tinawanan niya ako ng malakas, na napatingin yung mga nakatayo sa bus sa amin. "Gusto mo pala si Chaos eh! Sabi ko na nga ba! Obvious na obvious kase, wag na nating i-deny pa!" Sabi niya at tumatawa pa din. 

"Hindi totoo yan." Dineny ko pa din.

"Bulag ka ba? Nasasaktan ka kapag may kasama siyang ibang babae dahil nagseselos ka! Tapos sasabihin mo hindi mo siya gusto? Teh! wag na nga tayong maglokohan." Sabi niya at tumawa nanaman. Hindi ko na alam kung may nakakatawa pa. 

"Sana nga bulag nalang ako..." Yan nalang ang nasabi ko. Sana bulag nalang ako para hindi ko nakikita ang mga bagay na ayaw kong makita. Para hindi ko nababasa ang mga bagay na ayaw kong mabasa. Para hindi malaman ng mga mata ko ang mga pangyayaring hindi naman makakabuti sakin kung malaman ko pa. Sana, sana talaga literal nalang akong bulag. 

I got off the bus at station 1. I admit that i had fun talking to Ivory. She was energetic, lively and fun. She kind of lessened the heaviness i feel in my chest. But once i started thinking of Chaos and his girl that night, i felt dizzy and just lay down. I didn't even eat dinner. I guess my stomach was unhappy. 

My last thought that night? 

I want to be blind, so i won't have to see him anymore. So, i won't have to feel this way anymore.

My Rainy DaysWhere stories live. Discover now