Chapter VII: She can't be in love with him

47 3 2
                                    

CHAPTER VII

Makiko's POV

Umuulan ng napakalakas ngayon...sa sobrang lakas ng ulan halos hindi ko na marinig ang sinasabi ng teacher sa harapan. Pero ramdam ko ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Simula pa kaninang umaga wala kaming imikan ni Chaos. Hindi ko siya magawang kausapin...o tignan man lang. Pakiramdam ko pag tinitignan ko siya luluha ang mga mata ko. Bakit kaya? Totoo bang nagseselos ako? Pero bakit? Pano? Umiling ako. Hindi pwede ito. Kaibigan ko lang si Chaos. At alam kong kaibigan lang din ang tingin niya sa akin. Imposible namang magkagusto ako sa kanya, at imposible ding ipagpalit niya si Thea para sakin. Tama, tama. Imposible talaga. 

"Hindi mo siya matignan noh?" Nagulat ako sa bulong sakin ni Ivory na ngayon ay nakaupo sa harap ko. Nasa harapan ko lang pala siya nakaupo? Ngayon ko lang nakita at napansin...

Umiling ako. "Hi-hindi ah..." Yumuko ako. 

"Sinungaling ka talaga" sabi niya at umiling, "Tsk, tsk, tsk, kung hindi mo aaminin sa sarili mo ang nararamdaman mo mahihirapan ka lang." Mas malakas na pagkakasabi niya ngayon.

"Ms. De Guzman!" Sinigaw ng teacher ang apelyido ni Ivory. "Stop talking! Bakit hindi mo gayahin si Ms. Sy, tumahimik ka." Ang pagleleksyon sa kanya ng teacher.

Sumimangot naman si Ivory. Tumingin at bumulong pa din siya sakin, "Masochista ka talaga."

Ang kulit talaga nitong babaeng ito. Bumalik sa pagtuturo ang teacher. Bigla namang may papel na inilagay si Chaos sa far right ng table ko. Binuksan ko yung papel...

'May nagawa ba ako?' 

Nagulat ako ng nabasa ko yun at mas naramdaman kong hindi tama ang ina-akto ko sa kanya ngayon. Pumilas ako ng kapirasong papel sa notebook ko at nagsulat din. 

'Wala, sorry kung ganito ako.' I-finold ko yung piraso ng papel at inilagay sa lamesa niya.

Maya maya, may papel nanaman sa lamesa ko. Binuksan ko ito.

'Okay lang, pero bakit ka nagkakaganyan?'

Pumunit ulit ako at sumulat ng sagot ko sa piraso ng papel.

'Wag mo na akong alalahanin. ^ __ ^ Intindihin mo nalang si Thea. :)' I-finold ko ulit yung papel at nilagay sa lamesa niya.

Matagal akong naghintay ng papel sa lamesa ko pero walang dumating na reply nun galing sa kanya. Matutulog nalang sana ako nang biglang may papel na na lumapag sa lamesa ko. Pero hindi na sya piraso lang ng papel...isang buong pilas na ng notebook. Nagulat ako at medyo natawa. Inisip ko kasi na nobela ata ang reply niya sakin at kaya din siguro ganoon siya katagal bago nakapaglagay ulit ng papel sa lamesa ko.

"Si Thea? Anong kinalaman niya dito? sayo? At bakit siya ang iintindihin ko? Wala namang dapat intindihin sa kanya. Ikaw. Ikaw ang gusto kong intindihin. Ano bang problema? Kung wala akong nagawa, may nangyari ba sayo at nagkakaganyan ka? Kung may problema ka Makiko nandito lang ako. Tutulungan kita, makikinig ako sayo. Sige na, sabihin mo na kung ano mang gumugulo diyan sa isip mo." 

Nang mabasa ko yun pakiramdam ko ang sama ko dahil nasasaktan ko si Chaos sa pananahimik ko samantalang wala naman akong karapatan in the first place na magselos. Isa pa, ni hindi ko nga alam kung ano yung mga nangyari sa kanya...sa kanila nung araw na yun. Ang inabutan ko lang ay ang paguusap nila. Hay! Ang tanga tanga mo Makiko Mari Sy! Ginulo ko ang buhok ko "Aish!"

Madali akong nagsulat sa naiwang space sa papel na binigay niya at nagsulat doon.

"Usap tayo mamaya." At nilapag ko na sa desk nya yung papel.

Natapos nang magturo ang teacher at nagring na ang bell. Ibig sabihin nito tapos na ang classes at uwian na. Hindi ako tumayo sa upuan ko at ganun din siya. Nakaalis na ang mga iba naming kaklase...hanggang sa kaming dalawa nalang ang naiwan doon. Nararamdaman kong namamawis ang mga kamay ko. Hindi na ako makagalaw masyado. I squeeze my hands and press it on my thighs. He's looking at me...waiting for what i am going to say. Pero ni hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. A couple of minutes pass. I feel sweat dripping from my face. My hands are getting numb. 

My Rainy DaysWhere stories live. Discover now