Chapter VIII

47 3 0
                                    

CHAPTER VIII

Makiko's POV

Lumabas kami ng cafe at nakasalubong ko si Ivory. "Makiko!" Yinakap niya ako bigla na ikinagulat ko.

Napatingin lang ako kay tanda na merong 'Sino yan?' na tanong sa mukha niya.

"I-Ivory" sabi ko.  

"Kumusta? Nagtapat kana ba sa kanya kanina? Anong nangyari sa paguusap niyo?" Kinikilig niyang pagtatanong sakin.

"Wala...walang nangyari sa paguusap namin. Inamin ko lang sa kanya na nagseselos ako at tumakbo na ako papuntang bus stop." Sagot ko sa kanya.

"Ano!? So, hindi niya pa din alam na may gusto ko sa kanya!?" Sigaw ni Ivory.

"Ano ka ba, wag ka ngang sumigaw. Wala akong dapat aminin at lalong wala akong gusto sa kanya." Mahinahon kong sagot.

"Ayy! Ewan ko sayo. Ang gulo mong tao. Nagseselos ka pero hindi mo gusto? Nasasaktan ka pero hindi mo pa din gusto?" She said as she laughs sarcastically at me.

"At least nakasakay ako nun sa last bus." I fake a smile.

Nakita kong gusto ng umuwi ni tanda kaya bago pa magdaldal ulit si Ivory nagpaalam na ako sa kanya.

"Uwi na ako ha?" Sabi ko sa kanya. 

"Ah, sige sige." Sagot niya at nagba-bye na.

Naglakad na kami ni tanda at pumasok naman ng cafe si Ivory. May hihintayin kaya siya dun? Kikitaing tao? Kaibigan? Hmm, sa bagay mukha namang maraming kaibigan si Ivory hindi kagaya ko.

"Sino yun?" Tanong ni tanda, habang naglalakad kami pauwi.

"Ah, si Ivory yun. Kaibigan ko. Kakakilala ko lang din sa kanya." Sagot ko.

"Ahh" tumango si tanda. Patuloy lang kaming naglakad. 

Habang naglalakad kami di ko maiwasang magtanong kay tanda. 

"Tingin mo ba talagang in love na ako?" Tumingin ako sa kanya.

"Kay Chaos?" Tanong niya, na para bang nangaasar. 

"Oo, kanino pa ba?" Sarcastiko kong sagot.

"Yup" Ambilis at ang casual ng pagsagot niya. Nagulat ako, kaya naman napatigil ako sa paglalakad ko.

"Sir Shion...dapat ko bang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko?" Isang tanong na napakadaling sagutin kung tutuusin. Siguro kung iba ako, kung nasa ibang katauhan ako, agad agad ko ng nasabi ang nararamdaman ko para kay Chaos. "Natatakot kasi ako." 

"Saan ka naman natatakot? At anong dapat katakutan?" He asks.

"Sa love" Mabilis kong sagot. At sabay bumagsak ang maliliit na patak ng ulan.

"Makiko, do not fear love, for its essence is pure. If you truly love someone then you should not fear loving or being loved by that person."

Natawa ako sa sinabi niya, di ko alam bakit, pero yun lang talaga ang naging reaksyon ko. Wala nakong nasabi pa. 

Hindi ko na namalayan ang pagdating namin sa apartment building at ang pagpasok ko sa apartment ko. Sa dami ng pinagsasabi ni Sir. Shion sa akin habang pauwi kami, ni isa wala akong matandaan. Tila, wala ako sa sarili ko buong hapon. At ngayong gabi palagay ko nakalutang pa rin ang kaluluha ko, lumalangoy sa iniwang kaisipan sa akin ni Sir. Shion. Ibinato ko ang bag ko sa couch at pumasok sa kuwarto ko at humiga na sa kama ko. Nagpagulong gulong pa ako sa kama ko. Pero, mukhang wala namang naitulong ang paggulong gulong ko dahil lalo lang gumulo ang utak ko. Bumaliktad ata ang utak ko kakagulong.

'Do not fear love, for its essence is pure. If you truly love someone then you should not fear loving or being loved by that person.'

Bakit hindi matanggap ng puso ko ang mga sinabi niya. Wala naman akong makitang mali, pero wala rin akong makitang tama sa mga sinabi niya. I don't even know why i feel like this or what's making me feel like this. Pero bakit ba nagrerely ako sa sagot ng iba? Sa opinion ng iba? Sa pananaw ng iba? Bakit hindi ko tinatanong ang sarili ko? Bakit hindi ko matanong ang sarili ko? 

"Mahal ko ba talaga si Chaos?" I throw my favorite pillow.

"Mahal ko ba talaga siya? Kaya ko bang panindigan ang mahalin siya? Kung masasabi ko sa kanya na mahal ko siya, patunay na ba yun na talaga ngang mahal ko siya?" Tinatanong ko ang sarili ko ng mga bagay na di ko nagawang itanong sa sarili ko dati noong minahal ko si Leigh. Siguro kung si Chaos ang first love ko at hindi si Leigh, hindi na ako mahihirapan ng ganito. 

My first love was reckless. I was reckless. I was so young that i wasn't as wise as i am now, nor was i mature like i am now. I am not sure if i will still be able to be that young girl who was reckless and threw herself into the man she loved. I am not sure if i can still go back into that youthful time when all i could ever think of was being in a relationship with the man i loved. I am uncertain that i can still love the way i loved before. Dahil sa mga oras na ito, alam kong hindi ko na kayang ibigay pa ang lahat sa muli para lamang masaktan ulit. Alam ko namang kapag nagmahal ka ay masasaktan at masasaktan ka. That's the price we all pay for eating love and satisfying our hunger for it. But, i think for now, my heart does not hunger for love. Its still filled up with all the pain that Leigh has caused. I still feel that pain from my first love like it was just yesterday. I still see the old me who was weak but loved with all the strength that she had, hoping that she will be loved back, but she wasn't. She was rejected. Her feelings were dejected. I was dumped. I got dumped even before i was able to tell the man i loved how much i love him personally. Kaya paano pa ako susugal ulit ngayon? Paano ko sasabihing mahal ko si Chaos kung hindi ko man lang kayang isugal ang puso ko para sa kanya? 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 24, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Rainy DaysWhere stories live. Discover now