George's POV
“Louissssssssssssss! Saglit lang. Hintayin mo naman ako oh.” Sabi ko.
Grabe, natatapilok pa ako rito.
Dapat hindi na lang ako nagheels. Huhuhu. Malay ko ba sa Lusyong ‘to. Ba’t ba ako pinaglalakad. Urgh!
“Ang kupad mo talaga. Dalian mo na nga diyan.” Sabi naman ni Louis habang patuloy na naglalakad at hindi lumilingon sa’kin.
“Bagalan mo kase paglalakad mo. Parang yaya mo naman ang kasama mo eh.”
“Bakit hindi ba?”
Ang galing! Napakagaling. By the sound of it, mukhang inaasar niya ako. And yeah, he got what he wanted. Naiinis ako sa kaniya!
“Ako? Yaya? *ssh*l*!” Inis na inis kong sabi sa kaniya.
Tuloy pa rin siya sa paglalakad. Parang walang narinig. Naiinis naman ako sa mga nadadaanan niyang babae, ang lagkit kung makatingin. Excuse me, miss’es. Akin na po ‘yan. Get off his way. Naiinis ako.
Ayun ang layo na niya. Ang haba kase ng legs, ang hirap habulin. Titigil na muna ako. Nagpapaltos na nga ‘yong paa ko eh.
Ang sakit na talaga. Magdate na lang siyang mag-isa. ‘Di ko na kaya maglakad.
Umupo ako sa may available seat sa harap ng isang bakeshop. Tinignan ko ‘yong paa ko. Ayan, sugat na siya. I hate this!
‘Di ko na talaga kayang maglakad. Etong si Louis naman, kinalimutan na ako. ‘Di ko na siya matanaw. Bahala siya! Wala pa naman din akong dalang extra slippers. Whatamigonnadonow?
Naghintay ako dun for about five minutes at wala pang bumabalik na Louis. Chineck ko ‘yung phone ko, wala ring text. Iniinis ba niya talaga ako?! I turned off my iphone. Maglalakad na lang ako kahit naka-paa. I really should go home now. Mukha na akong timang dito kung mapapansin mo ‘ko. Pero buti na lang medyo maraming tao dito ngayon, walang nakatingin sa paa ko. Dinalian ko nang maglakad.
Eh ang kaso, sobrang init ng sementong nilalakaran ko. So, ang nangyari bumalik ulet ako dun sa inupuan ko kanina.
“Napaka-iresponsableng boyfriend! Iwan ba naman ako. Ba’t ko pa ba ‘yon sinagot.” ‘Yan ang sabi ko at hindi ko namalayang pumapatak na pala ang luha mula sa’king mga mata.
Ayokong mapansin ako ng mga tao. Nakakahiya.
Tapos naramdaman ko na lang na may biglang humawak sa paa ko at nilagyan ng band-aid ‘yung paltos ko.
“Look whose back. Nakalimutan mo yatang kasama mo ang girlfriend mo. Oops, yaya mo nga pala. Sorry ha!”
Pinunasan ko nang mabilis ‘yung luha ko. Tapos umiwas sa tingin niya. Inaayos pa rin niya yung band-aid sa paa ko.
“Hoy, Ms. Drama Queen. Umiiyak ka na naman. Tara na nga.” ‘Yan ang sabi niya habang nakakunot ang noo.
Aba! At siya pa ang may ganang mainis.
Hinawakan niya ‘yung wrist ko para maitayo niya ako pero inalis ko ‘yon.
“Kasalanan mo ‘to eh!” Sabi ko sa kaniya nang hindi tumitingin sa kaniyang mga mata.
Bigla siyang may inihagis sa may lap ko.
“Isuot mo na ‘yan!” ‘Yung boses niya, parang galit.
Kinuha naman niya ‘yung heels ko at nagsimula na siyang maglakad. Pagtingin ko dun sa inihagis niya, isang pink pouch na manipis lang.
Isusuot? Baliw ba ‘yon? Baka naman dapat eh ‘gamitin’.
BINABASA MO ANG
Something Undeniable
Teen FictionMasungit/mayabang ‘yong lalaki; malambing ‘yong babae. Pero sa huli, matututunan pa rin nilang mahalin ang isa’t isa, even with the flaws in. Yep, you’ve read it right. Cliché ang story na ‘to. Don’t say you haven’t been warned.