Hello guys! Tignan natin kung ano ang nangyari noon; kung pa’no nagsimula ang lahat. So, here’s my/our story.
George’s POV
Nasaan na kaya ‘yung mouse ko? Si Lee talaga, hindi binabalik nang maayos ang mga gamit ko. Lumabas ako sa kwarto ko.
“Ma, sa’n si Lee?” I said while looking around.
“Na kila Lola Mercy. Honey, tawagin mo na nga siya. Lunch time na.” Sabi naman ni mommy habang piniprepare ‘yung dining table.
“Okay. Wait lang po.”
Kinuha ko yung payong ko. Tumigil ako saglit sa may balcony namin.
Eeeeh! Ang init. Tignan niyo naman ‘yung bubong ng kapitbahay, ‘yung usok parang nagbo-boil ka ng water.
Parang tinatamad na’kong lumabas.
Papasok na ulet ako sa loob ng bahay. Uupo na sana ako sa sofa nang…
“George, nakaalis ka na ba? Tawagin mo na si Lee!” Sigaw naman ni Mommy sa’kin.
“Yes, ma. Paalis na ‘ko.”
Sabi ko nga eh, aalis na ‘ko. Mapapasabak tayo sa init ng araw neto. Fighting! Summer po kase ngayon, if you wanna know. Nasa 32 degrees Celcius ata ‘yung init n panahon. Naiinis talaga ako ‘pag ganto ang weather! Parang masusunog ‘yung uncovered skin ko. Waaaaaah! No no no no way! Naka-bluegreen racerback pa naman ako, and white shorts. Naka-pony na rin. O’diba, hot din ang peg. LOL. Kidding.
Nagsimula na akong maglakad.
Malapit lang naman bahay ni Lola Mercy. Kapitbahay lang namin sila eh. As in magkatabi lang ‘yung houses namin.
Nakalabas na ako ng gate namin.
“Hi George. Sa’n punta mo?”
“Diyan lang kila Lola Mercy. Susunduin ko si Lee.” Sagot sa kaniya, pretending I’m cool with it.
Author’s POV
Teka, pasingit muna. Since wala akong tiwala kay George sa pagpapakilala sa mga main chars. (alam niyo na baka biased), I’ll be doing it. Unahin natin si Sean. Here’s his profile:
Name: Sean (si-yan) Louis Quintans Torres
Age: 16
Birthday: November 7
Address: 10 houses away from George’s house :D
Social Status: Mayaman (Definitely! Only son ng kaniyang parents na both gov’t lawyers.)
Intellectual Status: He graduated as their hs batch’s salutatorian. Define that!
Physical Features:
1. 5’8” (height)
2. Maputi
3. Short hair (Like that of Patrick Louie Sugui’s hair. Don’t know him? Google it.)
4. Hindi mataba. Hindi payat. In short, sakto lang.
Other facts:
1. Habulin ng babae. He did have 6 girlfriends.
2. Gusto niya sa babae: maganda, simple
3. Magaling magbake
4. A basketball athlete
5. Friendly
‘Yan na muna. Get to know him better as you read this story. ‘Yung ibang main chars., sooner or later pa. Watch out. For now, adios!
![](https://img.wattpad.com/cover/5464805-288-k434723.jpg)
BINABASA MO ANG
Something Undeniable
Teen FictionMasungit/mayabang ‘yong lalaki; malambing ‘yong babae. Pero sa huli, matututunan pa rin nilang mahalin ang isa’t isa, even with the flaws in. Yep, you’ve read it right. Cliché ang story na ‘to. Don’t say you haven’t been warned.