Pinayagan ako nina Mama na mag-dorm este Condo. Kahit 3 months na lang. Kasi di ba? May sasalihan kaming Battle of the Band. Kaya baka late na rin ako lagi makakauwi kaya naisipan kong mag-condo na lang muna. Buti na lang kakilala ni Mama yung may ari ng Condo malapit sa may school. Kaya ayun. May discount ako.
Malaki rin yung binigay saking room. Parang kasya ang limang katao dito. Para lang ah. Habang nag-aayos ako ng mga gamit. Eh bigla namang dumating mga kaibigan ko. Sabi nila tutulungan daw nila akong mag-ayos. Pero syempre hindi nila gagagwin yun. Baka mang-gulo lang ‘to.
“Hoy. Hindot kang Elden ka” sabay bato ko sakanya ng libro ko.
“A-Aray! Inaano ba kita?”
“Bakit mo sinabi na may Crush ako kay Chael? Nakakahiya tuloy!”
“Eh? Bakit naman? Totoo naman di ba?”
“OO. PEro dapat hindi ka na nangingialam sa ganun. Keri ko namang umamin dun eh”
“Tch. Ang lalandi niyo.” Sabi ni Mele na nag-la-laptop.
“ALAM KO!” sabay sabi naming ni Elden.
Habang ako nagaayos ng mga gamit ko eh. Sila naman nanunuod ng Hansel & Gretel. Mga 6 na sila umalis. Pumunta lang ata sila dito para makinuod eh. Tapos magkalat. Tch. Ganyan talaga mga tunay na kaibigan eh.
After kong mag-ayos. Gumawa na muna ako ng Website. Kasi kelangan na rin naman matapos ‘to eh. Sa Wednesday na pasahan. Saturday na ngayon. Sa 5 pinapagawa samin 3 palang nagagawa ko. Kaya kelangan kong magpakapuyat dito.
--
Nagising ako ng 3 ng Hapon. Waah. Gan’to yung gusto kong buhay. Yung matutulog ka ng 3 ng umaga tapos gigising ka ng 3 ng hapon. Bumangon na muna ako este nagmuni muni pala muna ako. Saka bumangon. Nakakapanibago din pala ang mag-isa. Walang magluluto ng pagkain ko (Masamang Konsensya : Ginusto mo yan eh!)
Bumili na lang ako ng pagkain sa labas tapos kumain. Mukhang Dinner ko na ata ‘tong kinakain ko imbes na Almusal. HAHA. After kong kumain pinagpatuloy ko na lang yung pag-gawa ko ng Website. Mga 7 na ata nung natapos ko yung ginagawa ko.
Sumayaw na ako ng CHARAN..
I AM THE BEST – 2NE1
Opo. Alam kong sayawin yan. Favorite Group ko ang 2NE1 e. Tska BIgbang and f(x) ^^.
Feel na Feel ko ang pagsayaw eh. Dun na ako sa part ni Minzy na gumigiling sa may sahig.
*BOOOOGHS*
(Biglang bumukas ng Pinto. Anak ng Hindi ko pala nasara yun. Tss.)
“Naks. Ang galing talaga sumayaw ni Janna” sabi ni Melezer
“Thanks. Alam ko. Bakit napadalaw ka?”
“Wala. Bakit masama bang puntahan ang kaibigan dito?”
“Hindi naman”
“Yun naman pala eh. Anong pagkain mo dito?” sabay bukas ng Ref
“Wala kang makikita dyan. Hindi pa ako nakakapamili” sabi ko sakanya habang pinagpapatuloy ko parin ang pagsayaw
“Bayan. Walang kwenta” sabay sarado ng ref. “Tara. Kain na lang tayo sa Mcdo” pagyaya niya sakin
“Sige. Tapos samahan mo na rin ako mamili” pumayag naman siya.
BINABASA MO ANG
My Secret Love
General Fiction[with major Editing] Si Janna. Isang Babaeng Boyish. Pero malandi lalo na kapag sa mga Crushes niya. Hindi naman siya kagandahan at hindi rin naman kapangitan. Siya ay tantanannn~ SEXY, ROCKISTA. SIMPLE lang. Wish niyang mapansin siya ng mga Crush...