Seven

165 3 0
                                    

"Uyy. Bespren. Anong magandang Hairstyle dito? " Tanong ko sakanya.

"Hmm. Bet ko itechiwa" sabay turo sa buhok ni Minzy Gong

"Oh? Sige. Eto na lang" turo ko sa ibang hair style ni Minzy

Ganyan yun Hairstyle na pinagupit ko ---->

Ganun talaga ako. Kapag pinapapili kita. Tapos kung ano yung pinili mo yun yung hindi ko pipiliin. HAHA

"Gora The. Samahan mo ko mag pa-gupit. Dun tayo sa Gastam. Text mo na lang si Mele"

So, Ito. Andito kami sa tapat ng Mary Jo. As usuall hindi na naman ako pumasok. Inatake na naman ng Katam. HEEHOO~

"OH. Bakit andito ka? Hindi ka na naman pumasok no?" Bunggad saking tanong ni Mele

"HAHHAA. Oo eh. Gora na. Papagupit ako ^___^" pagyaya ko sakanila.

"WOW. Himala yata papagupit ka? Huling pagupit mo yata eh nung 1st Year High School pa tayo eh" sabay tawa niya

"Eh kasi. Gusto niyang mapansin siya ni Chael no"

"HAHAHA. Oo. Tama si Elden. Simula ng maging close kami. Naging conscious na ako sarili ko mga Te eh. Inlababo ako :">" pagmimi-landi kong sabi

Dito na kami sa Parlor or Salon? Huwaiit. Ano bang pinagkaibahan ng Salon sa Parlor? Basta ayun na

"Wat do U what to do wit yo hair Beybe?" sabi nung babae

"Hmm. Papagan'to po akong hairstyle tsaka papakulay na rin po. Hmm. Yung Brown po" sabay abot sakanya ng Phone ko

"AHH. KPOP ka Te?" sabi ni Ate'y

"HAHA. Slight lang po. Pero mahilig po ako sa Banda"

"AHH. Sabagay. Astigin ka rin eh. Hmm. Laki ng pwet mo ah. Taray. " Wow. Pati yun pinapansin? -___-

"Ngeek. Oo nga po eh" Syempre sinakyan ko na lang si Ate'y.

Gupit Gupit Gupit.

TENNNNNNNNNNNENNN~

*CURTAIN"S DOWN*

"Oyy, Mga Te. Tulo na laway niyo oh" sabi ko.

"Ay Teh. Bongga ka na. Hindi ka na Boyish tignan mapapansin ka na ni Chael. Ayyie :">"

"Oo nga Janna. Bagay sa'yo ^___^" sabi ni Mele

Tumingin ako sa salamin. And my Reaction is

-______- >>>> 0___________________0

Oo. Nanlaki ang singkit kong mata.

Nagbayad na ako at umalis na kami. Kumain kami sa Mcdo.

Habang umoorder ako. Napalinggon ako sa Side ng mga babae. Tage UE din.Nakita ko pinipicturan nila ako

Este yung

SAPATOS KO!

Umiwas ako ng tingin. At sila din. Kasi nakita nilang nakatingin ako eh. Tapos napakagat-labi na lang ako. Kasi natatawa ako. AHHAHA.

"Wow. Bigtime ka na SHOES. May 3 Fans ka na. " sabi ko.

Bumalik na ako sa table namin. At dinaldal ko na ulit sila.

"Uyy. Mga Te sikat na yung Shoes ko na binili natin sa Divisoria oh!" sabay taas ng paa ko " May nagpi-picture sa Shoes ko. Oh. Bongga diba?"

"HAHAHA. Baka yung balakang mo ang pinipicuturan"

"Tongeekks. Hindi no. Tara na nga. Kumain na tayo." Habang kumakain daldalan pa rin kami ng daldalan

"Dapat mag-skirt ka na ulit. Para kita ang Sexy Curve mo" sabi ni Mele

"Okey lang sakin.Kaso umaangat yung Skit ko eh. Tapos kapag umaakyat ako. Kita na ang Short ko T___T"

"Oo nga Te. Keri yan. Kapag may nagbastos sayo. Suntukin mo. Di ba Astigin ka?"

"HAHAHA. Okey sige. Hindi ako magco-college Shirt bukas. Magsk-skirt na lang ako"

After naming kumain. Umuwi na kami. PAgdating naming ni Mele sa SMF. Kumain ulit kami sa BURGER KING~

PAgdating ko sa bahay

"ARF ARF ARF ARF" Anak ng tahol ng tahol si Maru

"Maru. Tsu TSu tsu~" pag-aamo ko sakanya, Pero tahol parin ng tahol

"HOY! SINO KA?" Bunggad sakin agad ng tatay ko. PEro syempre halata namang binibiro ako eh.

"Tse. Sino ka dyan. Suntukin kita eh" sabi ko sa tatay ko.

"Wow. Si Janna. Teka. Babae ka na ba? Bakit ganyan na itsura mo?"

"Babae na ako matagal na. Kayo lang naman nagi-isip na Tomboy ako eh" Tss. Umalis na ako tapos pumunta kay Mama para mag-mano.

"Oh. Ganda naman ni Janna ah. May Boyfriend ka na?"

"Wow! Ma. Porket nagpa-gupit may syota na agad? Anuba naman kayo. TSS." Umalis na ako at umakyat sa kwarto. Grabe naman. Nagpagupit lang may syota agad? Di ba pwedeng lumalandi lang muna ako? 

Gumawa muna ako ng Assignment sa ibang subject at nag-review. At saka na ako natulog. Pero hindi pala ako makatulog. Naiisip ko yung Girlfriend ni Kuya Chael. Ang ganda. Wala parin akong panama sakanya, Ang lamang ko lang e mas sexy ako. Maganda at maputi lang siya eh. Tss.

My Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon