Pakilala~

1.2K 13 14
                                    

Ako si Janna Corpuz . Second Year College.

Boyish ako. Hindi ako mahilig magpa-Cute. Pero minsan OO lalo na sa mga Crush.

I prefer wearing sneakers than wearing High Heels.

I prefer wearing Shirts than Sleeveless.

BOYISH TYPE pero MALANDI AKO. Totoo yan Promise.

Pero may isang bagay akong maipagmamalaki. Sexy ako. 

Hindi naman Hipon. Cute naman ako eh/

Mahilig ako sa Chinito. Cute. Simple lang pero ang lakas ng dating.

Unang araw sa eskwela ngayon. At syempre kelangan maaga. At masarap pumasok kapag First day (Minsan) kasi bago lahat. Bago Ballpen. G-Tech 0.3 at Filler. Kapag First Year ka ganyan talaga.

Pero kapag nagsecond year ka na. Lumang Ballpen ang gagamitin mo.

Kung may tira pa yung G-Tech 0.3 mo. Yun na gamitin mo. Wag ka ng Choosy. Ang mahal kaya nyan. P70. OverPrice na Ballpen no? Pero Keri lang. Ang ganda kaya ng sulat ko kapag G-Tech ang gamit ko :3 .

Imbis na Filler ang gamitin ko. Bumili na lang ako ng Cattleya NoteBook. Kasi for sure hindi rin naman ako magsusulat eh. Puro drawing, pirma at pangalan or codename ng Crush ko ang nakalagay dun sa likod ng Notebook ko.Mas marami pa ngang sulat yung likod ng page ng notebook ko kesa sa mga Lectures eh.

Well. Ganyan talaga kapag College na.Aminin sa mga College Student dyan

Unang araw ng Eskwela ko. Syempre hindi ako pumasok. For sure. Wala na namang Klase at wala pang Prof yun.Sayang lang pamasahe. Ang mahal kaya ng pamasahe ko. P94. Balikan na lahat yan. Pamasahe sa Jeep. P14 tapos sa FX naman papuntang Morayta P40. P200 lang yung baon ko. 100 pamasahe at 100 sa pagkain. Blah Blah.

Eto lang maganda kapag pumapasok eh. Yung mag BoyHunt. Hectic ang Sched ko tuwing MWF 9:30-6:00. Kada isang subject Break. Tuwing Vacant naming. Tumatambay kami sa Lobby o kaya naman sa PlayGround. Dami ding mga Boylet dun na tumatambay eh. Lalo na si Kuya Chael. Third Year na siya. Second Year palang ako. Classmate ko siya sa Webpage.

Ang Gwapo niya. Ang Gwapo niya at ang Gwapo niya.

(Ganda ng Description ko no? Pero totoo. Gwapo talaga siya)

Kaso

ang Sama ng Ugali niya.

Pala-Mura.Nag-Yoyosi.Mahilig mag-Party. Basta ang Bad Boy niya. Swagger pero maamo ang mukha niya.

Pero Secret Love ko siya.

Wala ako masyadong Friends sa mga Subject ko. I-reg kasi ako. Shy type ako. Pero once na maging close tayo. Humanda ka. Dahil madaldal ako.

Pero hindi nag laon. Nagkaruon ako ng mga New Friends. Hindi man Group of Friends. Pero masasabi mo parin na Friends.

Lahat ng Subject ko may Crush ako.

Nakatambay kami sa Looby. Tapos may nakita akong Cute. Mukhang First Year to ah. Fresh pa masyado ang mukha. Pero for sure. Kapag nag third year na yan. Haggard na yan.

“TEEEEEEH~ May papakita ako sayo. Ang Cute. Crush ko na siya. Pero wait. Wag ka munang lilingon. Basta yung kulay Orange yung buhok”

Sinunod naman ni Gelli. Para hindi kami mahalata. Bumilang ako ng 1 to 5. Tapos lumingon na siya.

“Oo nga. TEH. HAHHAA”

“Ngeek. Ang pangit naman ng Ipin eh. Mukhang Bugs Bunny”- Sabi ni Melissa.

“Bakit Ngipin ba yung papakasalan ko?”

O shet. Napahawak ako sa bibig ko. Kasi naman. Dapat ang sasabihin ko eh

“Bakit Ngipin ba yung gagawin kong Crush?”

Kaso yun na yung nasabi ko. Kaya ang Codename ko sakanya eh

“Lalaking papakasalan ko” in Short “Yung Groom ko” masyado kasing mahaba kapag Lalaking papakasalan ko ang sasabihin ko kapag makikita ko siya. Siguro kung magkakasalubong kami. Bago ko pa matapos yung Codename niya eh nakadaan na siya sakin.

Tumawa naman sila Gelli at Melissa. Abnoy din ‘tong mga to eh.

Meron pa akong Crush. Si Kuya Paulo. Grabe. Ang Hot niya. Ang Cute ng Smile niya. Ang Sexy niya. Magaling pang mag-guitara. Where ka pa. Eh di to him na. HAHAHA

Lagi naming siyang nakikita ni Gelli. Crush din kasi ni Gelli yun eh.

Siguro sa isip isip ni Kuya Paulo.

“Taena. Sino kaya ‘tong dalawang ‘to. At lagi kong nakikita. Tingin pa ng Tingin.Ang sarap ipa-Salvage.”

Kahit na marami akong Crush eh syempre isa lang ang natatanging nagpapatibok ng Puso ko. Si Kuya Chael lang or minsan si Joshua.

Isa lang daw. Pero dalawa ang boylet ko.

*insert Song title here* + * insert SNAP after saying the word*

Sana dalawa ang puso ko. *snap*

Di na sana nalilito.

Kung sino sa inyo

Pero paano kaya kung dalawang lalaking Mahal ko eh magkagusto sakin?

OMG. I’m so Assuming Right Fans? Just kidding.

Kahit sino sa kanilang dalawa maging First Boyfriend ko, Keri lang :D

My Secret LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon