Another BS Character

21 0 0
                                    


                                                   

"Ang lalim ng iniisip mo, ah." Ang nakangiting si Dare ang namulatan ni Sabine. Umupo ito sa tabi niya. "Okay ka lang ba?"

Tumango si Sabine. Hawak niya ang ice bag sa kamay niyang nakapatong sa kanyang lap. Hindi niya alam kung kelan niya tinanggal iyon sa kanyang mata.

"May I?" tanong ni Dare at bago pa siya makapagtanong ay kinuha niya ang ice bag sa kanyang kamay. "Maghintay ka rito. Papalitan ko lang ang laman nito, mukhang kanina pa natunaw ang laman nitong mga yelo."

Nang makabalik si Dare ay tahimik lang niyang pinanood nang kusang ilagay nito iyon sa kaliwang mata niya. "Napalakas ang pagkakapalo ni Aya sa bola. Pagpasensiyahan mo sana siya."

Nakakuha ng pansin niya ang pagtawag nito sa pangala ni Ayesha. Aya, ang pangalang ayaw ni Ayesha na itawag niya rito. Pero parang natural lang na lumabas sa bibig ni Dare.

"Salamat pero kaya ko na 'to." Kinuha niya ang ice bag sa bahay ni Dare. "Bakit nandito ka? May kailangan ka ba?"

Ngumiti si Dare at umiling. "Naaawa lang ako sa'yo."

Bumuntung-hininga si Sabine. "Salamat dahil naawa ka sa akin. Ikaw lang ang nagtangkang lumapit sa akin matapos gawin iyon ni Ayesha. Sa naging reaksyon ng lahat, napakadaling malaman na isang kinatatakutang estudyante si Ayesha at dahil kalaban niya ako, nilalayuan ako ng lahat."

Gumuhit ang awa sa mukha ni Dare. "Gusto mo bang malaman kung sino si Aya?"

Natigilan si Sabine. "Kung ganoon mo siya kakilala..."

"Hindi ko siya gaanong kilala..." umiling si Dare. "Pero popular siya sa school na ito. Kahit sino dito ay alam na ang mga sasabihin ko sa iyo." Sabi ni Dare. "Hindi sa sinusubukan kong maawa ka kay Ayesha pero ang totoo ay..."

***

Mahigit na kumuyom ang mga kamao ni Sharina habang pinapanood ang dalawang parehang nakaupo sa isang bench.

"Ang weird talaga ng taste ni Dare. Noong una, si Ayesha ang pinagtutuunan niya ng pansin. Ngayon naman ay ang transferee na iyan ang kausap niya." Sabi ni Dara sa tabi niya na nakikisilip rin. "He never talked to you that long, Shari, right? Kahit magkababata kayo. Ikaw pa naman ang presidente ng fan club ni Dare pero ni hindi mo pa siya nakakausap ng ganyan katagal."

"No. Kapag nandito kami sa school, invinsible ako sa paningin niya. At naiinis ako!"

"Anong gagawin natin ngayon, Shari?"

"Pinag-iisipan ko pa." Sagot niya. "Kailangan ko munang malaman kung bakit pinagaaksayahan niya ng laway ang babaeng iyon. Kung si Ayesha ang katabi niya ngayon at kinakausap, maiintindihan ko pero ang isang iyan..." Hindi niya maiwasang maguluhan. Ano ang espesyal kay Sabine Morgan? Unang araw pa lang ay nakuha na niya ang atensyon ng dalawa sa popular na estudyante ng SBA.

"Magagalit kaya si Dare kung paglalaruan natin ang isang iyan? He told us to stay away from Ayesha... gagawin rin kaya niya iyon pag si Sabine na ang-"

"Bakit naman siya magagalit?" putol ni Sharina sa pagsasalita ni Dara. "Sigurado akong naaawa lang si Dare sa babaeng iyan. Hindi magtatagal, magsasawa rin siya."

Lumapad ang ngiti ni Dara. "Talaga? Hmmm, excited na ako! Matagal-tagal na rin tayong walang ginagawa! Akala ko mabubuwag na ang DMFC! Ngayon, may bagong activity na tayong mapagkakaabalahan. Magpapawatawag ako ng meeting!"

Ngumiti si Sharina. Dama rin niya ang kaparehong excitement. Walang ibang nakapagpapasaya sa kanya kundi ang ilagay sa tamang lugar ang mga babaeng katulad ni Sabine. "Akin si Dare!"

Sisiguruhin niyang pahihirapan ng mga kaibigan niya ang transferee na iyon! Sa sobrang hirap, aalis ito sa SBA!

- to be continued

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HS Cutie-SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon