8: On the brighter side, may maganda rin naman sa high school!

80 2 0
                                    

 “To be yourself in a world that is constantly trying to make you something else is the greatest accomplishment.”  ― Ralph Waldo Emerson

                                            Chapter 8

                                    On the brighter side,

                     may maganda rin naman sa high school!

Natigil siya sa pagtatalak nang mapansing pinanoonod siya ng lahat. Nagsibalikan sa ginagawa ang lahat ng titigan niya ng masama ang mga ito. Ilang minuto pa ay tumunog ang bell. Nagtaka siya nang magsitayuan ang mga kaklase niya.

“Teka, saan kayo pupunta?” Naalala niya ang schedule at agad iyong kinuha sa bag niya. “2nd period ang PE? Umagang-umaga, magpapapawis kaagad ako? Teka, saan ako magpapalit? Wala rin akong PE uniform.”

“Kailan pa naging ganito ka-difficult maging highschooler?” Bago pa siya tuluyang mag-panic ay may isang anghel na lumapit sa kanya.

“May maitutulong ba ako?”

Gulat na gulat si Sabine nang paglingon niya ay isang mukha ang sumalubong sa kanya. Napaatras siya. Ramdam pa ni Sabine ang pagtatama ng ilong nila. “Kulang na lang mag-lips to lips kami!”

“Pasensya na, nagulat kita.” Apologetic na sabi ng lalaki. Ngayong nawala na ang gulat ni Sabine ay tuluyan niyang namasdan ang kanyang “angel”.

And get this! Siya iyong cute guy na ngumiti sa kanya kanina sa gate!

“Okay ka lang ba?” Lalapit sana ito sa kanya.

“Wait! Stop, diyan ka lang!” Exaj na sabi ni Sabine. “Kakalma muna ako. Ayaw ko pang mamatay sa heart attack! Lagi na lang nag-tutugs-tugs ang puso ko sa batang‘to!” Bakit kasi halos idikit nito ang mukha sa mukha niya?

“I’m really sorry. Sabine Morgan, right?” Ngumiti ito sa kanya. “I’m Darius Montero. But you can call me Dare.”

“A-a-a-ko, uhm, Sab-Sab na lang ang itawag mo sa akin.”

“Sab-Sab?” natatawang ulit nito sa pangalan niya.

“Sab! Bingi ka ba?” inis na sabi niya.

“Okay. Sab. Sab. Pasensya na. So, I take it na wala pang nagvo-volunteer na i-tour ka sa campus?”

Tumango si Sab bago pa makapagsalita na naman na mataas ang boses. Hindi niya iyon maiwasan.

Nasanay na kasi siya. Kapag ninenerbiyos siya, natatakot, nagpapanic o nakokorner, nagiging ganun siya. Isang babaeng nag-aapoy ang dila at boses. Parang bulkan siyang nag-aalburuto.

“Wala akong P.E. uniform.” Nasabi rin niya sa wakas.

“Ah. Ang school na ang magpo-provide niyon. Samahan kita para kunin iyon?”

Parang robot na tumango siya. “Ahm, hindi ko rin alam kung saan ang locker room at gym.”

Ngumiti uli sa kanya si Dare. “Sasamahan rin kita roon. Teka, bakit hindi na lang ako ang maging tour guide mo dito sa academy?”

Tumaas ang kilay niya. “Talaga?”

“Talaga.” Pagkumpirma nito. “Let’s go?”

“Okay. At salamat rin.” Nakangiting sabi ni Sabine. Kasabay niyon ay naramdaman niya ang pag-iinit ng kanyang mukha.

Whaaattt???? Nagbaba-blush siya! Never pa itong nangyari!

__________________________________________

Sa wakas, na-meet nyo na ang cute na si... Darius!!!

HS Cutie-SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon