5: Sa Batchoy-an ni Aling Kiring

90 2 2
                                    

There'll always be serendipity involved in discovery. - Jeff Bezos 

A few days ago, I was with a friend. Sinamahan ko siyang ipa-judge ang niluto niyang siopao. According to the 'judge' hindi raw ordinary ang siopao na nagawa ng friend ko. According to my friend, hindi raw nya sinadya na 'ganoon' ang kalabasan ng siopao. 'Serendipity' iyon ang sabi ni kuya judge. A pleasant surprise, a happy accident. Congrats, friend. This is dedicated to you, MAster MEntor :) Keep up the good work, genius!

                                      Chapter 5

                    Sa Batchoy-an ni Aling Kiring

After  fifteen minutes...

Huminto sila sa harap ng isang kainan.

Nakangangang binasa ni Sabine ang karatula: Batchoy-an ni Aling Kiring. Saka niya tiningnan ang malaki, astig at mamahaling motor sa tabi niya.  “Waa... distance, distance. Ang laki ng distansya!”

“Anong gagawin natin dito?”

“Magba-bonding.” Simpleng sagot nito. “Ah, Marco na lang ang itawag mo sa akin, Sabine. First step para sa pagkakasundo nating dalawa.”

“Bonding? Ano tayo, bffs? Or father and daughter?” tanong ni Sabine.

“Nakakatawa talaga ang mga lumalabas sa bibig mo. Tara na.” Nagulat si Sabine sa ngiting ibinigay nito sa kanya. Bahagyang rumelaks ang mukha nito dahil doon. At... ehem... mas gumuwapo.

Sumunod siya sa loob. At natural, batchoy ang inorder nila.

“Istrikto akong boss pero gusto ko ring kasundo ko ang mga kasamahan ko.” Sabi ni Marco habang humihigop ito ng sabaw. “At kabaligtaran ng akala mo, mas mabait ako lalo na sa mga babae. Kahit pulis pa ang babaeng iyon. O kaya... tigresa.” Kinindatan siya ni Marco sa huling sinabing iyon.

Hindi napigil ni Sabine na ngumiti.

“Hindi lang ako natuwa doon sa nangyari sa nakaraang operasyon. Pero sabi nga nila, let bygones be bygones. Kalilimutan ko na iyon at magko-concentrate na lang sa kaso. Sisiguraduhin ko ang pagkahuli ng Armageddon na iyon!” Aastig-astig na sabi ni Sabine.

“Mabuti. Alam kong isang kang asset sa grupo, Sabine.” Sang-ayon ni Marco.

“Pero seriously, highschooler? Ewan ko lang ha, pero parang di ko kaya iyon. Nagawa ko nang magpanggap na magbabalot, metro aid, lola, nanay... pero teenager?” Umiling si Sabine. “Paano ko gagawin iyon, eh, I am 24 na? Matanda na ako, noh!”

“Why not? Hindi ka naman halatang 24. Kung magbibihis teenager ka, hindi mahahalata ang  edad mo. Isa pa, maganda ka.”

Natigilan sila pareho sa huling sinabi ni Marco. Anong konek ng maganda sa  usapan? Puwede kang maging maganda pero hindi mukhang bata!

Tumikhim lang si Marco upang basagin ang katahimikan. “Ang ibig kong sabihin, bakit hindi natin palabasing 18 ka? Na huminto ka ng 2 years sa pag-aaral dahil sa isang problema? Siguro naman, sasang-ayon ka kung magpapanggap kang 18 year old highschooler at hindi 16?”

Tumango na lang si Sabine.

Matapos niyon ay tila naubusan na sila ng mapag-uusapan. O mas tama sigurong nagkaroon ng awkwardness sa pagitan nila dahil sa sinabi kanina ni Marco. Hindi makalimutan ni Sabine ang sinabi ni Marco.

“Maganda ako.” Napangiti siya. Hindi sa iniisip niyang pangit siya pero aaminin niyang parang imposibleng masabihan siyang maganda ng isang lalaking may hitsura tulad nito. Alam niyang simple lang ang hitsura niya. Makinis ang balat niya, maputi pero hindi kakaiba ang kanyang mukha. Hindi siya artistahin o pang-beauty queen. Kung makukuha man siya sa t.v. commercial, pang-bareta lang ang beauty niya. Ganun.

“You and Rico... magkasintahan ba kayo?” untag ni Marco sa abalang isipan niya.

“Ha? Naku, hindi. Magkaibigan lang talaga kami. Magkapitbahay rin. Childhood friends. Bakit mo naitanong?”

“Nothing.” Itinukod nito ang dalawang siko sa mesa, pinagsalikop ang dalawang braso at tila nahulog sa isang malalim na pag-iisip. “Napansin ko lang ang closesness ninyo.”

Ngumiti si Sabine. “Komportable lang talaga kami sa isa’t isa. Kulang na lang yata, parehong nanay namin para masabing magkapatid kami. Pero mas matanda siya sa akin ng tatlong taon.”

Tumango-tango si Marco, ina-absorb sa isipan ang mga sinabi niya. Pagkatapos ay tiningnan nito ang relo nito.

“Matagal na pala tayo rito.” Sabi nito sa kanya.

Bigla ang pagdagsa ng disappointment kay Sabine. Hindi niya maintindihan kung bakit gusto niyang hindi muna matapos ang bonding nila. Alam na niya kung ano ang susunod na sasabihin nito.

“Inaasahan ko ang 100% na atensyon mo sa kaso, Sabine. And it is nice meeting you.”

Ngumiti si Sabine at tinanggap ang pakikipagkamay ni Marco.

“Makakaasa po kayo, Sir.”

HS Cutie-SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon