SANA

16 0 0
                                    

Janna Sayson

Kriiiiingg.... Kriiiiingg....

"Okay. Class dismissed."

Haaaaay, salamat naman at natapos din ang klase. Sobrang bored na kaya ako kanina. Math kasi yung subject tapos ang hina pa naman ng utak ko dun. Tsk!


"Hoooooy! Janna, anong nangyari dyan sa mukha mo? Ang epic. Hahahaha"


"Bakit ka ba nangingi'alam ha? Math kaya tsaka ang tagal mo pa naman. Di ba sabi ko, kailangan pag labas ko nandito ka na naghihintay sakin? Hindi yung ako ang pinaghihintay mo. Hay! Nakakabawas ng ganda, eh." -____-


"Woooow. Ang ingay mo talaga. Halika na nga! Dami pang satsat eh"


At ayun, hinila na ako ng lokong to. Hahahahaha. Lakas ko kasi makadrama, eh. :-D Siyanga pala, siya si Clyde. Clyde Reyes. Kaibigan/parang kuya ko na/guwardiya/maid/tagapayo/basta lahat lahat na. Matagal na kaming magkaibigan nyan. Napagkakamalan na nga kaming may relasyon eh dahil halos araw-araw kaming magkakasama. Parehas lang kasi kami ng school na pinag-aralan. Simula pa High School hanggang ngayong 2nd year College na kami. Palagi kasi akong hatid sundo nito eh. May kotse kasi, RICH KID. Pero napaka-humble, minsan. Minsan lang naman. Hahahahaha.


"Jan?"


"Bakit?!" Nagtatampo kuno ako hahaha.


"Galit ka ba sakin? May pinagawa kasi sakin si Mrs. Cruz kaya hindi kita agad napuntahan kanina. Sorry na Jan. Sorry na Baby Ko." ^_^


Oo. Tama yang nabasa nyo. Baby Ko talaga tawag nyan sakin kapag nagpapacute. Kapag humihingi ng sorry. Sanay na nga ako, eh.


"Sa susunod kasi, sabihin mo na lang sakin kung may gagawin ka pa. Para naman hindi ako magbabakasali lang na baka hindi mo na ako pupuntahan. Pero okay lang yun. Nagdadrama lang naman ako eh. Hahahaha. Bleeeh"


"Alam ko nu! Ikaw pa? Kilalang kilala na kaya kita. Pero saan mo ba gustong kumain ngayon? 3pm pa naman sunod nating klase eh."


"Ikaw? Sa dating gawi na lang kaya." ;-)


"Tara! Kay Manang Esang! Tama!"


"Shunga ka talaga minsan Clyde. Hahahaha. Tara na nga."


Habang naglalakad kami palabas, sa may hallway, may biglang tumawag sa akin. Parang si Alex eh. Yung nagkagusto sakin last sem. Pero hindi ko siya gusto, bilang kaibigan siguro, oo kasi ang bait niya eh.


"Janna! Kumusta?"


"Uy, Alex. Okay lang naman."


"Ah. May gusto sana akong itanong sa iyo Janna, eh."


"Oh, ano?"


"Free ka ba ngayon? Sabay na tayong mag lunch."


Pagtingin ko kay Clyde, ganito talaga itsura niya >_< Eh, panu ba naman? Napaka over protective nyan pagdating sa akin. Wala nga nangliligaw sa akin kasi hinaharangan nya kaagad. Si Alex lang talaga ang hindi takot sa kanya kaya itong Clyde na to ay inis na inis sa kanya. Hahahahaha.


"Sorry Alex ha? Kami kasi ni Clyde ang kasamang mag lu-lunch ngayon."


"Palagi namang tayo ang magkasama kapag lunch eh. Kahit hindi lunch, palagi tayong magkasama. Araw-araw." :-3


Kita nyo na? Hahahaha. Clyde talaga!


"Sige Janna. Sabihin mo lang sakin kung kailan ka okay na samahan AKO mag lunch" Talagang diniinan nya pa ang AKO. Parang mga tanga to, oh.


Tragic...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon