Janna Sayson
"Janna.... Janna... Bumangon ka na nga dyan. Anong oras na kaya oh?"
"Hayyy. Mama talaga. Opo, babangon na ako ma."
Ang sarap sana ng tulog ko eh. Tsk. Kaya bumangon ako pero saglit lang naman yun at bumalik na rin ako sa paghiga. Hahahahaha. Nakakatamad eh.
"Ma, sabado naman ngayon. Mamaya na ako babangon. Hindi ko pa kaya."
Pagmamaktol ko. Ayoko pa kayang bumangon.
"Hala ang oa mo ha? Bumangon ka na kasi may bisita ka. Hindi ka man lang nahiya. Halos mag tatanghali na tapos natutulog ka pa dyan. Hay nako, Janna."
Sabay crossed arms ni mama. Nag-iinarte na naman. Haha. Pero sino kaya ang naghihintay sakin? -_- Disturbo siya. Matanong nga si mama.
"Sino ba kasi ang bisita ko ma? Wala naman akong naalala na nagsabi sa aking bibisitahin ako ngayon at tsaka wala ring nagsasabing bibisitahin ako."
"Si Clyde yung bisita mo."
"Ay, si Cl------. Si Clyde mama?!"
Bigla ako nag panic. Eh panu ba naman, hindi pa kami ganun mag ka ayos ni Clyde para bisitahin niya ako. At palagi ko pa ring naaalala ang tinext niya sa akin kagabi na pang report sa TV Patrol dahil sa haba nito.
Flashback
Pagdating ko sa bahay galing skwelahan, wala akong ibang ginawa kundi ang kumain at tsaka manuod ng tv. Kinakausap rin ako nina Mama at Papa, tinatanong kung bakit hindi ako hinatid ni Clyde ngayon. Nagrarason na lang ako na may gagawin siyang importante, project kumbaga.Wala rin ako sa sarili ko ngayon kasi si Clyde ang palagi kong iniisip, yung away namin kanina at ang mga sinabi sa akin ni Alex. Hindi kasi mawala sa utak ko yung mga sinbi ni Alex sa akin kanina,eh. Paano nga kaya nu, kung may gusto sa ak--- Hay, hindi naman talaga ako magugustuhan nun eh. Buti pa matutulog na lang ako.
Pagpasok ko sa kwarto, biglang nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko naman yun agad sa bulsa ko at nagulat ako nung nabasa ko kung sino yung nag text sa akin.
From: Clyde
Baby Ko...... Sorry na sa inasta ko kanina ha? Ayoko lang masaktan ka. May narinig kasi ako na playboy daw yung Alex na yun. Alam mo naman ako Baby Ko diba? Basta pagdating sayo talagang napaka'strikto ko. Sorry na. Wag ka nang magtampo sakin Baby Ko. Please. Nakita ko kayo kanina ni Alex. Ang saya saya mo nga, eh. Gusto mo ba siya? Kung talagang gusto mo siya Baby Ko, hindi na kita pipigilan. Mag-ingat ka lang ha? Mahal na mahal kita Baby Ko. :-* Wag na magtampo, ok? :-)
Yan! Yan ang text ni Clyde sa akin. Sanay na rin akong sinasabi niya sa akin na mahal niya ako. Alam ko bilang bestfriend lang yun. Pero hindi pa rin mawala ang tampo ko sa kanya. Bakit kailangan pa niyang eh brought up si Alex? Hindi ko naman talaga gusto yun, eh. Tsk! -_-
"Hindi mo pa ba ako pinapatawad Baby Ko?"
Narinig ko na lang yan bigla. Kanina pa pala nakalabas si mama. Pano ba naman eh lutang na lutang ang isip ko dahil kay Clyde at ngayon ay may lakas pa siyang pumasok sa kwar-----
"Clyde! Paano ka nakapasok dito?!"
"Bakit ka ba sumisigaw? Syempre, sa pintuan ako dumaan. Alangan namang sa bintana? Hahahahaha"
"--------" Hindi na lang ako sumagot. Pinagtritripan lang ba ako ng lahat? Haaaay. Buhay parang life!
"Baby Ko...." Tawag ni Clyde sa akin. Basta ganito siya, naglalambing na yan at hindi ko na ma resist to. -_-
"Oh?"
"Sorry na. Wag ka na magtampo Baby Ko. Babawi ako. Labas tayo!"
"Saan naman tayo pupunta?"
"Saan mo ba gusto?"
"Ayokong lumabas kasama ka!" Uso kayang mag pa HARD TO GET minsan. Hahahaha
"Baby Ko talaga oh.. Sorry na nga eh."
"Wag ka ngang mag pout dyan! Hindi bagay sayo."
"Na cucute'tan ka lang sakin Baby Ko, eh. Hahahaha"
"Hindi ah! Kahit kailan hindi ka naging cute sa paningin ko."
Dahil gwapong gwapo ka sa kanya? HINDI! Buysit namang isip to -____-
"Aray naman Baby Ko." Sabi niya sabay hawak sa dibdib niya na para bang nasasaktan. Tss!
"Alam mo Clyde? Sobrang oa mo na ha? Tumigil ka nga dyan!"
"Patawarin mo na kasi ako. Baby Ko naman. Hindi mo na ba ako mahal?"
Hindi ko na kaya to.... Gusto ko nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko pero hindi ko alam kung paano. Takot akong matapos ang pagkakaibigan namin pero nahihirapan na rin ako sa ganito. Yun bang mga pinaggagawa niya na parang wala lang sa kanya pero ang laki na ng halaga nun sa akin. :-(
"Baby Ko....."
"Tama na nga Clyde! Please, tama na!"
Bigla na lang tumulo ang luha ko. Hindi ko na napigilan. Nasasaktan na ako ng sobra. Nakikita ko naman sa mukha ni Clyde na nabigla siya, nabigla siya dahil umiiyak na ako.
"Ganyan ba talaga kagrabe ang nagawa ko sayo Janna? Hindi mo na ba ako mapapatawad ha? Gusto lang naman kitang protektahan. Mali na ba ang protekta---"
"Hindi mo ba talaga nakikita Clyde, ha? O talagang ang manhid mo lang?"
"Ano bang pinagsasabi mo Janna? Naguguluhan na ako sayo."
"Kung naguguluhan ka na sa akin, mas naguguluhan na rin ako sayo. Mahal kita Clyde! Mahal na mahal. Sobra pa sa kaibigan. Mahal kita, noon pa. At nahihirapan na ako ngayon sa sitwasyon na ito. Nahihirapan ako kasi araw araw kitang nakakasama at araw araw ko ring tinatago sa sarili ko ang nararamdaman kong ito. Araw araw kong sinasabi sa sarili ko na kahit kailan ay hindi tayo magiging mas sobra pa sa kaibigan. Palagi na lang akong nagpapantasya na sana, sana Clyde kahit isang araw lang makasama kita bilang iba, hindi kaibigan pero wala eh. Wala talaga. Sa pagpapantasya ko lang nagagawa yun. Hindi ko na kaya ito. Gusto ko nang lumayo ka sa akin. Gusto kong........ Umalis ka na Clyde! Umalis ka na sa buhay ko..."
Patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko na para bang nag-uunahan sila. Ilang segundo hindi nakapagsalita si Clyde. Alam kong nabigla siya, pero bahala na. Ewan!
"Janna....."
"Please Clyde, umuwi ka na."
"Sige. Kausapin mo lang ako kung hindi ka na galit sa akin."
Yun lang ang sinabi ni Clyde at tsaka umalis na sa kwarto ko. Ayoko nang makipag-usap pa sa kanya. Ayoko na. Ayoko na talaga! Balang araw, mawawala din ang nararamdaman kong ito. Balang araw.........
BINABASA MO ANG
Tragic...
Short StoryIsang matalik na kaibigan. Parang kuya at bunso. Aso't pusa kung magbangayan. Away bati. Pero maari ba silang mas higit pa sa magkaibigan o hindi. Parang nung mga cliche na storya na nu? Pero iba. Iba si Janna at Clyde.