PLANO

8 0 0
                                    

Janna Sayson

Hindi ako makatulog kakaisip kay Clyde. Alagang alaga talaga mga eyebags ko. Haaaay, bakit ba napakahirap ang mainlove? Hindi ba pwedeng mainlove ka na lang ng mainlove? Yung walang nagpapakumplikado sa lahat. Yung hindi ako magiging ganito. Nakakabaliw kaya minsan! -___-



Huling kita namin ay yung pumunta siya dito sa bahay at ayun, hindi ko na napigil at nagtapat na ako sa kanya. Nag-away kami at hanggang ngayon, wala na kaming pansinan. Umiiwas na rin ako.



Palagi ko na ring kasama si Alex pero bilang kaibigan lang at alam niya na rin na si Clyde ang gusto ko at tawa nang tawa pa siya naang sabihin ko sa kanya yun. Wala naman daw siyang gusto talaga sa akin. Ginagawa niya lang yun para daw makarealize si Clyde sa nararamdaman niya rin daw para sa akin na lagi niya lang dinideny. Alam niyo na, yung mga sinasabi ni Alex na gusto sin daw ako ni Clyde kahit hindi naman. Haaay.




Sa kakatanga ko sa kisame, nakuha na lang ng cellphone ko ang aking atensyon. Sino bang tatawag ng ganitong oras? Haaaaay.....




*ring.....ring.....ring...."





*ring......*




"Hello?"





"Ateeee! Salamat naman at gising ka pa o nagising kita? Sorry ate, ah. Kailangan ka kasi ngayon ni Kuya. Hindi ko na alam kung anong gagawin sa kanya Ate. Tulungan mo namn ako Ate, please?"





Si Jade pala itong tumatawag sa akin. Pero ano kayang nangyari kay Clyde? Kinakabahan na ako. Kaya bumangon na agad ako at naghanap ng damit kasi pupuntahan ko talaga sila kung nasaan man sila ngayon. Kahit hindi kami okay ni Clyde ngayon, ayoko pa ring may mangyaring masama sa kanya. Mahal ko pa rin siya.





"Ha?! Ano bang nangyari kay Clyde? Nasaan ba kayo?!"





Taranta at panic kong tanong kay Jade. Ayy, parang pareho lang naman yang taranta at panic nu? Kita niyo na. Tss.






"Nasa Shunga Bar kami Ate. Nagpapakalasing kasi si Kuya."





Shunga Bar?? Pumupunta lang naman si Clyde dun kapag may problema siya ah? Naaapektuhan kaya siya sa mga sinabi ko? Ay malamang sa malamang nu?






"Sige punta na ako dyan. Hintayin mo ko ha? Bye."






Dinirekta ko nang pinindut ang end button. Gusto ko na silang makita. Gusto ko mang makita si Clyde. Napakapraning pa naman nun kapag nalalasing. Haaay.






Habang nasa daan ako, wala akong ibang inisip kundi paano ako makakapunta dun agad agad. Clyde..... Clyde..... Bakit ka ba nagpakalasing na naman? -.-





After mga 15 minutes siguro, nakarating na ko sa Shunga Bar. Pagkapasok ko dun, sila Clyde at Jade kaagad ang hinahanap ng mga mata ko. Tingin dun, tingin dyan. Hanap dun, hanap dyan. Halos mabali na ang liig ko kakalinga kahit saan.






At nang makita ko na sila, agad akong tumakbo papunta kung saan sila. Halos matawa na nga ako sa itsura ni Jade kasi halatang halata na napapagod at naiinis na siya. Ang cute talaga kahit kailan ng batang to. Pero si Clyde...... Yun, tulog!







"Ate! Thank God, nandito ka na. Tingnan mo nga yang si kuya oh. Nagdadrama."







Tiningnan ko kaagad si Clyde matapos kami magbesohan ni Jade. Hindi ko na nga lang pinansin ang sinabi ni Jade na nagdadrama si Clyde kahit gustong gusto kong tanungin sa kanya kung bakit. Siguro mamaya na lang pag-uwi namin. Nilapitan ko kaagad si Clyde at tinapik tapik siya.







Tragic...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon