BABAWIIN

6 0 0
                                    

AFTER 4 DAYS.....






Clyde Reyes


Apat na araw na simula nung nagtapat na ako sa nararamdaman ko para kay Janna. Pag nagkakasalubong naman kami sa skwelahan, parang di niya ko kilala. Hindi niya ako pinapansin. Ni tingin nga ay hindi niya maibigay sa akin. Ang sakit sa puso. Alam ko naman na kasalanan ko, eh. Pero bakit kailangan pa kaming maging ganito? Nagtapat na rin nga ako diba? Ano na naman ang problema niya? Dahil ba mas gusto na niya si Alex ngayon? Dahil ba si Alex na ang palagi niyang kasama? Parang hindi na nga siya ang Janna na nakilala ko noon, eh. :((((


"Kuya...."


At isa pa tong batang to! Palagi na lang nangungulit at nang-iinis. Ewan ko sa mga babaeng ito! Aish!


"Ano na naman Jade? Mang-iinis ka na naman ba?! Umalis ka na lang. Please lang!"


"Bakit ba ang highblood mo na lang lagi kuya? Ganyan ba talaga kapag na basted? Hahahaha"


Kita niyo na! Haaay. Hindi na lang ako sumagot at humiga na lang ako sa kama ko. Nakatingala lang ako sa kisame kung saan nandun ang malaking picture namin ni Janna. Yun yung time na umiiyak pa si Janna dahil bagsak siya sa math. Hahaha. Nakakatawa isipin yung mukha niyang yun. Kaya para mawala ang lungkot niya, binilhan ko siya ng ice cream nun dahil alam ko yun ang pampawala stress niya daw at ayun, okay na siya agad agad. Kaya nag pa picture pa kami sa nagtitinda ng ice cream dahil wala lang, gusto ko lang magkapicture kami nung time na yun. Ang saya namin noon, pero ngayon.... Haaay.


"Isan tanong, isang sagot. Mahal mo ba talaga si ate Janna kuya?"


Bigla na lang tanong ni Jade sa akin niyan. Pero bakit pa niya ba tinatanong? Hindi pa ba obvious? Tsk. Sasabayan ko na lang to kung anong trip nito.


"Oo."


"Yun naman pala eh. Bakit nakatunganga ka lang dito? Bakit palagi ka lang nag-eemote dito? Hay nako kuya! Kilos kilos nga kasi minsan, eh. Nagpapadala ka masyado sa emosyon mo! Wala namang maitutulong yan. Bawiin mo si ate Janna. Kumilos ka!"


"At ano bang gusto mong gawin ko? Ewan ko. Hindi ko alam Jade. Paano ko babawiin ang taong hindi naman gusto magpabawi? Baka si Alex na talaga gusto niya."


"Shunga ka na talaga kuya kakapunta mo dun sa Shunga Bar! Hay. Kasalanan mo naman kasi kuya eh. Kung hindi ka pa nagpakatorpe edi masaya na sana lablayp niyo ngayon. At tanga ka ba kuya? Anong pinagsasabi mong hindi mo siya mababawi? Wala ka pa ngang ginagawa, nag co-conclude ka na ng mga bagay dyan. At hello? Earth to Clyde Reyes! Yuhooooo! Gumising ka kasi galing dyan sa pag ka nega mo! Si Alex ang gusto ni ate Janna? Eh ilang taon ka ngang mahal ni ate Janna tapos ngayon yan ng sasabihin mo? Ewan ko lang kuya ha? Pero yang pag dadrama mo, walang maidudulot na maganda yan sa buhay mo. Bahala ka na nga diyan!"


Ang haba ng sinasabi tapos aalis rin naman. Pero tama si Jade. Lagi naman talaga siyang tama eh. May silbi talaga din pala. Kasalanan ko ito kaya gagawa ako ng lahat na maging magawa ko para ma solusyunan at mabawi ko si Janna. Siguro kahit ilang beses ako eechappwerahin ni Janna basta hindi ako susuko sa kanya. Bahala na si Pareng Batman! Let's get it on Baby Ko! ;)))














Janna Sayson



Nandito ako ngayon sa Alipatoy's Coffee & Bread Haven. Ang sarap kasi ng kape nila dito, eh. Kita niyo naman sa panglan pa lang diba? Parang ang sarap na. Tapos nakakawala pa to ng stress. Napakaganda kasi sa atmosphere dito. Parang ang tahimik kahit ang rami namang tao. Ay basta, hindi ko ma explain. Hinihintay ko kasi si Alex eh kasi may pag-aaralan kami. Kung tatanungin niyo naman ako kung kasama pa ba to sa plano na sinasabi ni Jade nun, ay hindi na. Pero hindi ibig sabihin na gusto ko si Alex ha? Magkaibigan lang talaga kami at may gerlpren na yun no? Lumalablayp na! Hahahahaha. Sa ngayon kasi, hindi ko na masyado iniisip ang nararamdam ko kay Clyde. Ang sa----



"Hoy Janna! Ang lalim ng iniisip natin, ah?!"



Nandito na pala si Alex. Lakas makasira ng moment nito. -_-



"Nandito ka na pala lex."



"Ay wala pa Janna, wala pa. Anino ko lang to, anino. Hahahahahaha."



"Abnormal ka talaga!"



Ang pilosopo kahit kailan. Tss! Parang si Jade lang tong kaharap ko ngayon eh.



"Janna, nakita ko si Clyde kanina."



"Ha? Talaga? Saan?"



"Wow. Hyper natin ate! Hahahaha. Dun sa kanto. May kasamang babae. Ang sweet nga nila eh. Magka holding hands pa tapos ang saya saya nila. Ang ganda nung babae, grabe!"



Pagkarinig ko sa sinabi ni Alex, parang pinukpok ng isang sakong martilyo ang puso ko. Ganun ba talaga ka bilis makahanap ni Clyde ng bago? Kakatapat niya lang sakin nung isang isang isang araw pa tapos may ka holding hands na agad siya? Wow. Parang gusto kong pumatay ng ta----



"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHABAHAHAHAHAHAHAHAHA."



Bigla na lang tumawa nang malakas si Alex. May nakakatawa ba? Bwisit!



"Anong nakakatawa ha?!"



"Mukha mo kasi eh. Hahahaha. Epic! Parang sinakluban ka ng langit at lupa! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA"



"Pinagtitripan mo na naman ba ako ha? Alex Garcia?!!!!!"



"Oo. HAHAHAHAHA. Hindi ko nakita talaga si Clyde. Haha-aray! Janna tama na! Sorry na! Aray!"



Yan! Tama yan sayo! Kulang pa nga eh. Hinahampas ko lang naman siya nitong bag ko. Nakakainis talaga! Bwisit! Nakuha pang lokohin ako. Ang sakit pa naman sa puso yung mga sinabi niyang kalokohan lang pala! Bwisit talaga!



"Nakakainis ka talaga Alex! Magtino ka nga!"



"Ikaw kasi eh! Nag papa ka hard to get ka pa kay Clyde eh mahal niyo naman ang isa't isa. Nagtapat na nga si Clyde sayo diba? Ano pa bang gusto mong mangyare?"



"Ewan ko. Siguro naghihintay lang ako ng tamang oras at tamang panahon. Hindi ko rin kasi alam eh. Ewan, pati ako naguguluhan sa sarili ko."



"Hay. Bahala ka na kung yan talaga ang desisyon mo pero sana hindi mahuli ang lahat Janna. Kasi kita mo, ang lalaking matagal mo nang minamahal ay nagtapat na rin na mahal ka niya pero ikaw nag-iinarte ka pa! Hindi ka naman maganda! Hahahaha."



"Malapit na akong mapuno sayo ha?! Bwisit ka!"



"Ano ba kasing gusto mo pang mangyare ha? Janna?"



"Gusto ko kasi ipakita ni Clyde sakin kung gaano niya ako kamahal. Natatakot kasi ako baka hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya, Alex eh. Baka nasabi niya lang yun, na mahal niya rin ako kasi naawa lang siya sa akin, diba? Alam ko nag o'overthink na ako sa mga bagay pero hindi naman masama manigurado diba?"



"So may doubt ka sa nararamdaman ni Clyde para sayo? Ganun ba yun?"



"Parang. Ewan ko."



"Sus. Ang oa naman nito. Ewan ko rin sa iyo ui. Tsk! Mag-aral na nga lang tayo. May date pa ako mamaya."



"Edi ikaw na may lablayp!"



"HAHAHAHA"




Haaaaay, Clyde. Miss na kita!




















Clyde Reyes



Nandito ako malapit sa Alipatoy's Coffee & Bread Haven kung nasaan sina Alex at Janna na nagtatawanan. Ang saya saya nga nila eh. Pero bahala na. Babawiin pa kita Janna. Akin ka lang naman kasi eh. Kaya babawiin kita! Magkamatayan man!



























A/N: Oyyyyyy. Okay lang ba ito? Nakakatakot na minsan. Baka hindi niyo na nagustuhan itong daloy ng storya ko. :( Sorry po. Comment na lang po kayo kung ano. Salamat po sa patuloy na pagbabasa. Labyuuuuu :*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tragic...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon