AFTER TWO WEEKS.......
Clyde Reyes
"Kuya! Bakit ka ba nagpapakalunod dyan sa alak ha? Ano bang problema mo?! Kanina pa tawag ng tawag si Mama sa akin dahil hinahanap ka, nandito ka lang pala! Ano ba, kuya?!"
Nandito ako ngayon sa Shunga Bar. Ewan ko ba kung bakit ito yung pangalan ng bar na to. Nakakashunga, ayyyy. Hahaha. Eto namang si Jade, sumisigaw. Hindi niya ba alam na nag-aaway kami ni Janna? Hindi niya ba alam na pinagtatabuyan na ako ni Janna dahil sa lecheng pag-ibig na nararamdaman niya para sa akin? Dalawang linggo na simula nang nagtapat siya sa akin pero parang kahapon lang yun. Hindi na kami nag cocomunicate simula noon. Talagang iniiwasan niya na ako.
"Bakit kailangan pang umabot kami sa ganito? Bakit niya pa naramdaman yun sa akin? Bakit ba Jade?!"
"Sino ba kasi yang tinutukoy mo kuya? Buti pa umuwi na lang tayo at mag pahinga ka na lang. Ikaw talaga kuya. Puro ka na lang kasi babae, eh. Tingnan mo, dahil sa babae ka rin nasasaktan."
"Ahhhh......."
Sasagot pa sana ako ng nagtanong na naman si Jade. Tsk! Bakit ba ang daming tanong nitong batang to?
"Siyanga pala kuya, nasaan nga pala si Ate Janna? Bakit wala siya ngayon sa pagdadrama mo? Siya lang naman nakakatiis sa iyo kapag ganito ka, eh."
"Wala siya rito kasi siya ang dahilan kung bakit ako ganito. Bwisit!"
Sabay laguk ko sa isang basong alak. Wala na akong pake, hindi ako yung mga pabebe girls sa tv pero wala talaga akong pake. Kahit maubos ko pa lahat ng alak sa mundo, mawala lang itong pagkainis ko.
"Kuya ang oa mo ha? Anong nangyari ba sa inyo ni ate Janna? Ano bang drama yan? At parang bago ah."
"Pinagloloko mo ba ako Jade?"
Kita niyo tong batang to. Heto na nga't hindi ko na alam ang gagawin ko, nakuha pang magloko.
"Hindi kuya. Nagtatanong lang naman ako. Ang seryoso medyo."
"Mahal niya raw ako. Sobra pa sa kaibigan."
"Sus. Ano ba namang problema ang meron kayo kuya? Ang hirap naman niyan eh solve! Haaaay."
"Kailangan mo bang pilosopohin ako ha? Jade? Pwede ba, kahit sa gabing ito maging matino ka naman!"
Nakakainis na talaga. Bakit ba kasi sa lahat ng tatawagan ni Mama na ipahanap ako, si Jade pa. Pwede namang si Jan...... Tsk!
"Eh kasi kuyaaaaaaaaaa, ano bang issue mo sa nararamdaman ni ate Janna sa iyo? May gusto ka rin naman sa kanya, ah!"
Nabuga ko na lang ang alak na ininom ko at sinamaan siya ng tingin. Hayy, walang kwenta talaga kausap itong si Jade. Bakit ba naging kapatid ko pa ito? Hindi na lang ako sumagot kasi the more na sumagot ako the more lang akong mawiwindang sa kanya. More pa more! Hahahahahahaha lasing na yata ako.
"Alam mo kuya, obvious na obvious naman kasi na may pagtingin kayo sa isa't-isa eh. Buti pa nga si ate Janna kasi nakaya niya na aminin sa iyo pero ikaw, heto't nagpapakalasing dahil pilit mo dine'deny na hindi mo mahal si ate Janna ng sobra pa sa kaibigan. Hanggang kailan ka ba magiging ganyan kuya? Kapag pumuti na ang uwak o kapag hindi na ikaw ang mahal ni ate Janna? Mamili ka lang kuya. Baka dahil dyan sa pagdedeny mo, magising ka na lang isang araw at na realize mo na tama pala talaga ako na mahal mo rin si ate Janna pero huli na ang lahat. Huli na kasi na realize na rin ni ate Janna na ang tanga niya at tanga ka rin. Diba ang saya? Hahahahaha"
Natulala na lang ako sa lahat ng sinabi ni Jade sa akin. Saan niya ba nakuha ang lahat ng yan? Sa kakanood ba niya ng It's Showtime at ang pag-iidolo niya ni Vice Ganda a.k.a Madam Bertud. Hahahaha. Parang nababakla na ako dito ah. Pero yung mga sinasabi ni Jade sa akin, hindi ko alam kung naaapektuhan ba ako dun o lasing lang talaga ako. Siguro nga, lasing lang ako.
"Hindi mo naman kasi makukuha lahat ng mga sinasabi ko kuya eh kasi lasing ka na. Nagsasayang lang ako ng laway kakausap sa iyo. Haaay. Kuyaaa, uwi na tayo. Malapit nang mag 12 am oh. Lagot ka na talaga kay Mama ngayon!"
Ayan, nagmamaktul na siya. Sayaaaaaa! Hahahahaha
Jade Reyes
"Kuya! Hoy kuya!"
Nakatulog na talaga si kuya dahil sa kalasingan niya. Bakit ba kasi nagpapaka-oa pa ito? Klarong klaro naman talaga kasi na gusto niya rin si Ate Janna, eh. Na stuck pa kasi sila sa bestfriend bestfriend chuva ek ek na yan. May mga drama pang ganyan talaga. Nakuuu! Pero paano ko na dadalhin si Kuya sa bahay? Ang bigat kaya nito.
"Kuya maawa ka naman sa akin oh. Gising na nga! Uwi na tayoooo."
Para akong timang dito, nakikipag-usap sa isang lasing na tulog. Haaaaay.
TING!
Alam ko na, tatawagan ko na lang si Ate Janna. Tama!
Pero bago pa ako maka-dial sa number ni Ate Janna..... Nagdrama pa si Kuya. Haaaaay -_____-
"Janna, kailangan kita...... Wag ganito.... Wag..... k..a na... magtampo..... Balik na tayo sa dati.... Ja...nna...."
DENY PA MORE KA KASI KUYA! Ayan napala mo at sinama mo pa ako sa ka oa'han mo. Tss! Lakas maka-broken hart hart eh. >_< Tatawagan ko na nga si Ate Janna. Hmp.
*ring.....ring.....ring...."
*ring......*
"Hello?"
"Ateeee! Salamat naman at gising ka pa o nagising kita? Sorry ate, ah. Kailangan ka kasi ngayon ni Kuya. Hindi ko na alam kung anong gagawin sa kanya Ate. Tulungan mo namn ako Ate, please?"
Sila lang ba ang pwede mag drama? Hah! Ako rin kaya nu? Makikita nila, magiging best actress ako pagdating ng araw at buwan. Bwahahahaha.
"Ha? Ano bang nangyari kay Clyde? Nasaan ba kayo?!"
Parang nagpapanic na nga si Ate Janna. Pag-ibig nga naman, oo.
"Nasa Shunga Bar kami Ate. Nagpapakalasing kasi si Kuya."
"Sige punta na ako dyan. Hintayin mo ko ha? Bye."
*toot....toooot"
Wow, hindi man lang ako pinagsabi ng babye. Panic na panic talaga, eh. Tss. Pero hindi pa rin pala talaga tapos ang drama ni Kuya. Naaawa na ako kay Kuya. Bakit ba kasi nagpapakatorpe pa? Heto, last banat niya. -___-
"J....anna.... Ka....i..la...ngan K...it...a.... Janna...."
A/N: Nakakatawa tung part na to, para sa akin. Hahahaha. Sa inyo ba? Nakakatawa din? Comment naman dyan. Hihihi. Salamat ulit sa patuloy na pagbabasa. Mwa :-* Mahal ko kayo! Kaway kaway hahahaha.
BINABASA MO ANG
Tragic...
Short StoryIsang matalik na kaibigan. Parang kuya at bunso. Aso't pusa kung magbangayan. Away bati. Pero maari ba silang mas higit pa sa magkaibigan o hindi. Parang nung mga cliche na storya na nu? Pero iba. Iba si Janna at Clyde.