ALAK

7 0 0
                                    

Clyde Reyes

Nagising ako dahil sa sobrang sakit ng ulo. Bwisit! Walang katapusang hang over to, ah. Leche talaga!

"Anong oras na ba?"

Pagtingin ko sa relo na nakasabit sa dingding dito sa kwarto, halos mag te-10 am na. Maaga pa naman pala eh. Tulog muna ako.

Babalik na sana ako sa pagtulog nang makarinig ako ng mga babaeng nagtatawanan sa baba. Alam ko naman na nandito sina Mama at Jade kasi syempre dito bahay namin, eh pero bakit parang tatlo sila ngayong nagtatawanan? May bisita ba sila? Ang lakas naman masyado ng tawanan nila, parang wala nang bukas. Haaay, mga babae talaga!

*gruuuukkks* *gruuuuukks*

Hala! Narinig niyo yun? Ano kaya yun?

*gruuuuukkks*

Ahhhhh, tiyan ko lang pala. Nagugutom na pala mga alaga ko hahahaha. Bababa na lang ako para makapag breakfast. Alam niyo kasi hindi ako pwede magutom ng matagal kasi nagiging red ang mukha ko at violet na ewan hahahaha. Joke lang naman. Pero bago ako bababa, maliligo muna ako para mawalawala naman ang sakit sa ulo ko. Bubuhusan ko to ng malamig na tubig. :-D Para na akong baliw dito hahaha. Kumuha na ako ng towel, at toothbrush saka pumasok sa banyo.

Pagpasok na pagpasok ko sa banyo, ini-on ko agad yung stereo na nandito mismo sa loob ng banyo ko. Hanep diba? Ito kasi yung talagang gusto kong mangyari sa banyo ko. Yung parang naliligo ka na may malakas na music tapos patuloy na umaagos yung tubig sa katawan mo? Haaay. HEAVEN! Minsan nga, napapagalitan ako ni Mama dahil palagi akong nalele-late kasi nga ang tagal ko makaligo. Ang saya kasi eh! Yung sumasayaw ka, kumakanta kasabay ng kanta. Hay gulo! Basta yun na yun. Hahaha.

Habang naliligo ako nang sumasayaw kasi yung kanta ay yung 'Sugar by: Maroon 5" nang bigla kong naalala ang nangyare kagabi. Diba nasa Shunga Bar ako? Naglalasing dahil hindi pa ako nakarecover sa away namin ni Janna tapos pinuntahan ako ni Jade tapos....... Nakatulog na ba ako? Eh, bakit parang may naalala akong pumunta din si Janna kagabi? Tama! Pinuntahan talaga ako ni Janna at hinatid dito sa bahay. Lasing lang ako pero hindi ako yung klase ng lasing na nakakalimutan na lahat ng nangyare. Baka si Janna yung kasabay nila Mama sa pagtatawanan sa baba? Bakit ba hindi ko naisip kaagad yun?

Binilisan ko na ang pagligo para makita ko na kung sino talaga yung kasama nila Mama sa baba. Sana si Janna talaga. Sana..... Gustong gusto ko na siyang makita. Miss na miss ko na siya.

Nang matapos na ako maligo at magbihis, dalidali kong tinahak ang hagdanan pababa. Alangan namang nasa taas ako tapos tatahakin ko pa yun pataas? Ang baliw ko naman kung ganun. Tsk. Kayo talaga! Hahahaha.

Pumunta kaagad ako sa kusina kung saan naririnig ko pa rin silang magtawanan. Hindi ba sila napapagod kakatawa? Ako kasi napapagod sa ginagawa nila, eh. Baka nababaliw na to sila?

"Good morning. Bakit ang saya niyo? Kanina pa kayo ha?"

Yan agad ang sinabi ko pagdating ko sa kusina sabay beso kay Mama. At tama nga ako, si Janna talaga yung kasama nila. Hindi na lang ako nagpapahalata na wala akong alam para naman hindi ako mapahiya diba? Alam ko na pinuntahan ako ni Janna kagabi sa bar at alam ko rin na hinatid niya ako dito sa bahay pero ang hindi ko alam ay kung ano ang mga pinanggagawa at mga pinagsasabi ko kagabi. Tsaka parang nag-iba na kasi lahat simula nung nagtapat si Janna sa akin na may nararamdaman siya para sa akin. Hindi bilang kaibigan kundi iba. Simula kasi nun, hindi na kaibigan ang tingin ko kay Janna. Parang babae na..... Ay basta. Alam ko na parang agad agad ang pag change ng feelings ko. Parang nung una, naiinis ako sa kanya dahil sa pinagtapat niya sa akin pero sa mga sinabi kasi ni Jade nung gabing yun, parang natauhan na ako. Mahal ko rin pala siya. Sobra pa sa mahal. Kaya pala..... Kaya pala.....

Tragic...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon