CHAPTER 12
I'm Back...
Umaga na akong nakauwi ..
Junior/ Senior Prom ng highschool na dati kong pinapasukan. They invited me to come over kasi nagvolunteer na din lang din naman daw akong mag-ayos ng venue. Pumayag naman ako dahil wala din namana akong gagawin.
*knock*knock*
Bago pa lang ako nakakahiga may iistorbo na agad sa tulog ko. Tinatamad ako pero pinilit ko pa ring bumangon.
Hndi na ako nagulat kung sino ang magaling na istorbo, wlang iba kundi ang bunso kong kapatid. Manghihiram na naman sya na kung ano-ano sa akin. Pinapasok ko na lang sya at hinayaan na mangalikot ng mga gamit ko. Wala ako sa mood makipagbangayan.
Nagising ako at inaasahan ko na, gulong-gulo ang gamit ko. Haaay, 1 of my 101 million reasons kung bakit nakakainis magkaroon ng kapatid.
Kahit medyo antok pa ako pinilit kong ayusin ang kwarto ko. Hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili kong lumuluha.
Flashbacks. I hate flashbacks. Pinapaiyak lang nila ako. Pinapabigat. Pinapaalalang nagging napakalungkot ko simula nung araw na yun. Mag-isa, hindi ko alam kung hanggang kalian ko kayang mag-isa, siguro kung pinilit ko lang noon na, haaay .. tama na nga. Nagseself-pity na naman ako. May 4 years ka pa para maging masaya. Hindi dito natatapos ang lahat. Malay naman natin baka 'di ko pa 'to time. Hindi ko pa ito oras.
*knock*knock*
Pumasok yung isa kong kapatid. Yung sumunod sa akin. Nakangiti syang lumapit habang pinapakita yung kamay nya.
May singsing doon.
Singsing?
Napatitig ako sa kapatid ko. Ang bilis lumipas ng panahon. Samantalang dati ayaw pa nyang mag-college, tinatakot ko syang iaarrange-marriage ko sya sa isang mayamang lalaki na hindi nya mahal. At ngayon hindi ko naman maitatanggi, malaki ang nagging pagbabago nya, mas lalo syang naging mas maganda ang buhay nya. Maximized nya ang lahat ng talents nya. Masaya syang naging trabaho nya rin ang hilig nya. Naging kilala syang cartoonist at naging writer din sya. Mahusay na writer. At ngayon engaged na sya sa isang lalaking alam kong mahal nya at mahal din sya.
Lahat ata halos ng ikasasaya ng isang tao nasa kanya na. Ako nakuntento na lang sa araw-araw na paulit-ulit lang na nangyayari sa buhay ko.
Bahay.
School.
Bahay.
Super odd.
Masaya naman akong natupad ko ang pangarap kong maging teacher. God knows how dedicated I am. But not that determined in my life. I'm being hopeless sometimes ...
***
"Don't worry I'm back."