kung ako nalang kasi

139 4 0
                                    

"Inaantok pa ako eh. Mamaya nalang."

Siniksik ako ng bunso kong kapatid sa kama ko.Ginigising nya ako. May bisita daw ako? Ano ba naman yun ?

Wala naman akong inaasahang manliligaw eh... Aray ! Ang malas naman.

Nauntog pa ako sa altar -_-..Sorry na po God.. Di na po uulit.. .

Naman ! Ginising ako ni bunso dahil lang sa brokenhearted na ito? Alam nyo naman si Boy Of My Dreams yan. Hayy.. Hindi daw kasi nagtetext yung girlfriend nya. Hayy .. ipaproblema ba naman sa akin ang lovelife nya?

 But still I ended up here, sa tapat ng bahay nung girlfriend nya. Ayy hikab na ako ng hikab dito, sobrang hinayang kong sana namamaluktot na lang sana ako habang nasa dreamland. Pero eto, mukha kaming tanga dito, mukhang wala namang tao. Inaya ko na syang umuwi pero hindi sya sumasagot.

 Madilim ang mukha nya, umupo sya sa kabilang side ng gate sa tapat ko at tumungo. Kilala ko sya, eto na yung puntong gagawin nya kung anong maisipan nya.

  At heto nga, gabi na pero nag-aantay pa rin kami sa wala.

 Pero parang mas nadurog pa ang puso ko sa mga sumunod na nangyari.

 Sa wakas, dumating din ang magaling na babae. Galing sya sa kotdeng nakaparada sa kabilang side ng kalsada. Yung girlfriend nya, kasama lang naman ang pinakasikat na lalaki sa school namin..

 Hinila na lang nya ako at nagmamadaling umalis sa lugar na yun. Di na lang ako umangal dahil alam kong kahit nasa likod nya lang ako at hila-hila nya, dama kong lubos-lubos, sobra-sobra ang sakit na nararamdaman nya ngayon.

_:((

wala na ata ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon