CHAPTER 13
"For once, I would like to thank my ate."
Yan yung mga unang salitang sinabi ng kapatid ko. Nandito kami ngayon sa hotel na pagmamay-ari ng napangasawa nya. Dito ginanap yung reception para sa kasal nila.
"Kundi dahil sa'yo, baka hindi ako naging better person to be a better half of Alwyn", ngumiti sya sa asawa nya.
Inagaw naman ni Alwyn ag mic "Well you're no better, you're the best, and the only"' kinilig naman ang lahat. Nagtilian ang mga abay at pinatunog naman ng mga kalalakihan ang mga baso gamit ang mga kutsara nila.
The newlyweds kissed each other as people requested.
"Akin na nga yan", binawi na ni Jean yung mic. "Mukhang nagkatotoo yung sinasabi mo sa akin noon na ipapakasala mo ako sa isang lalaking mayaman na .. wait! Pero yung part na di ko mahal ay hindi nagkatotoo, in fact", tumingin sya uli sa asawa nya. " I'm the luckiest woman that I already found the one who will complete my life."
Kinilig na naman ang lahat. Napuno naman ng tao ang view ko, nagsitayuan silang lahat at parang nagpart sa gitna.
"Guys, guys easy. I still have few words to say", nagsalita uit si Jean sa mic.
"Jean, dali! Gutom na ako eh!", biglang sabak ni Epi. Nagtawanan ang lahat. Nagbabatukan ang mga boys. Parang mga bata. Napailing na lang ako.
"Ate", baling ulit sa akin ni Jean. " Now that I'm fine with my life, because I listened to you and I owe you a big, big thing, my life, my love, with you my family. Sana this time", medyo sumeryoso sya at bumaba ang tono nya. " Sana sa amin ka naman making, give yourself a chance, give yourself a chance to be happy, with him."
Tumingin si Jean sa likod ko na parang may itinuturo.
Faster than ever.
I can't explain pero parang ayaw kong lumingon sa likod ko.
I looked at my sister with a big what's-it-face. Tinanguan na lang nya ako. Assuring me that eerything's gonna be alright.
Nagtatalo ang isip ko na lumingon and what I saw is ...
END
^Dearest Readers: Endings= Beginnings
The Next Part . bk2 the other side