Marami ng lumipas na panahon .
Pero naiwan ng panahon itong simpleng paghanga sa pudso ko na nabuo dahil sa isang sulat .
Malalaki na kami pareho . Lumaki kaming di maliwanag sa akin yung nangyari. Binigyan nya ako ng sulat pero ni minsan di nya ako kinausap o kaya'y nilapitan . Lumipas ang panahon at sa mga panahong lumipas na yun e minahal mula sa malayo , patanaw-tanaw kung titingnan din nya ako .
Sa a isang sulok ay umaasang masisilayan ko ang ngiti nya na para sa akin , yung tingin na sakin nya iuukol .. O kaya'y marinig man lang ang boses nya bigkasin ang pangalan ko ..
Nasa highschool na kami , nagkahiwalay kami ng school na lalong nagpalabo sa natitirang pag-asa ko na makasama sya . Siguro nga talagang mapagbiro ang tadhana. Lalo nya kong chinachallenge sa kung ano nga ba tunay kong nararamdaman para sa kanya . Pero hindi, hindi totoong nawawala ang pag-ibig pag hindi mo na sya nakikita araw-araw . Sa totoo lang lumalim pa ito at sa tingin ko ayokong nang pigilan pa ang sarili ko sa nararamdaman ko .. Pag-ibig na nga ata ito .