"Lilipat na kami ng bahay, pakisabi na lang sa ate mo."
Nung marinig ko yun, lumabas na ako, nagtatago kasi ako sa likod ng pinto.
Kinurot nya yung pisngi ko na lagi nya namang ginagawa. Naiinis nga ako e, para kasi akong bata kung ituring nya. -_-
Lilipat daw sila kasi sa ibang lugar sya magkacollege. Malungkot, na masakit, na magulo. Masakit kasi wala na akong kasama pag lalaboy, pag mag-a-ice cream.
Oo na.. Malungkot kasi mawawala na siya.
Masakit kasi mawawala na siya..
Magulo kasi mawawala na siya.
Isa lang naman ang dahilan eh, yung nagpapatakbo sa dull kong mundo, siya.. Aalis sya ng hindi malinaw ang lahat.
Ano ba talaga kami?
o may kami ba?
Aray !-____-
May lumipad na UFO sa ulo ko!
Mali ! ___=
Sya pala.. Nakalabibt lang naman ng malakasang ulo ko. Ano??hmm. Ang saya. -____-
Natutulala na naman daw ako..
Hayy.. kung alam nya lang, sya lang naman ang dahilan kung bakit ako natutulala, kung bakit naguguluhan ako, kung bakit nasasaktan ako ng walang sapat na dahilan, nasasaktan kahit wala naman akong karapatan.
Naramdaman ko na lamang na himahaplos nya ang buhok ko. Huwag daw akong mag-alala kasi may cellphone naman. Hindi naman daw nya ako malilimutang itext.
Sa loob-loob ko lang, sana nga yun lang yung problema ko eh. Pero din naman yun eh,
Ano ba talaga? Ano ba talaga tayo?
Gusto kong itanong sa kanya, lahat ng gumugulo sa isip ko.
Pero...
Hindi ko magawa. Hindi ko kaya.