ang kape. Bow !

131 4 0
                                    

 Napakapait. Ang pait-pait ng kape ko ngayon.

 Kanina kasi sa tambayan, magkakasama nga kami peropara naman akong tanga! Kaya umuwi nalang ako. Nagcommute akong mag-isa. At ngayon para akong tangang nag-uusap dito ng mag-isa! Hayy! Nagkape pa ako ng di oras eh kailangan ko pang matulog mamaya kasi may exam pa bukas !

*******

 Uwian na  naman. Salamat! Tapos na ang paghihirap ko. Sana man lang makapasa ko lalo na yan sa math na yan. Nakita ko sya sa waiting shed at himala ! Wala syang kasama. Hindi ko na sya pinuntahan. Pumara ako ng trike para pumunta sa sakayan. bag may biglang sumakay. Sus! Nagcommute nga ako para di sya makasabay, sinundan pa yata ako. (assume lang naman).. Di ko na  lang sya pinansin. Daldal sya ng daldal. Pero di ko na lang inintindi. Nakakainis eh! Bakit ba di nalang sya sumama dun sa girlfriend nya, at ako itong kinukulit nya !

 Nakauwi na ako ng bahay at akala ko matatahimik na ako, pero pati ba naman dito kukulitin nya ako? Text ng text eh. Hindi  ko  na lang sinagot.

(ring*ring)

Ngayon tumatawag naman. Sasagutin ko ba?..

No, no, no!

Tumawag naman sya sa kapatid ko. Nagtulog-tulugan ako nung tinatawag na ako ng kapatid ko. Wala na akong pakialam sa kanya. Bitter na kung bitter. Ah basta! Di ko muna sya iisipin  ngayon.

wala na ata ..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon