Still Into You - 20

841 41 0
                                    

Evanswendel POV

Mga ilang linggo narin nakalipas ang debut ni Zoey, hindi pa kami nakakapagpahinga dahil may mga rehearsal pa kami para sa Mall Show next week kasama ang mga singer sa television na sina Wenzel, Wenmel, Jaymel.

Habang tinitignan ko ang mga previous picture ng mga kamember ko, mag nag email saakin, hindi ko kilala kung sinu.
Agad ko naman tinignan.

Fr. AngeloCruz24@gmail.com
Good Morning Sir, friend ako ng Daddy mo dito sa Korea, sana wag kang mabibigla sa sasabihin ko, Inatake sa puso ang daddy mo, he pass away last night.

Nagulat ako sa nabasa ko, hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, maniniwala ba ako sakanya? Pano kung totoo, sana naman hindi totoo. At nag send pa siya ng Picture ni Daddy na nakahilatay na namumuti ang kanyang labi.

Bigla nalang akong naluha, anong gagawin ko? Nagiisa nalang ako. Patuloy parin ang aking pagiyak. Hindi ko matangap ang nagyari sa Daddy ko, may pangako siyang hindi niya ako iiwan, pero anu eto? Iniwan niya ako. Wala si Mommy wala narin si Daddy. Kaya ko bang maisa na wala sila?

Pupunta akong Korea, hindi na ako magpapaalam kahit kanino, ayaw kong malaman nila ang nangyayari. Dahil ayaw kong kawaan nila ako. Hindi na rin ako makakapunta sa Mall Show Next Week, kaya na nilang tatlo. Makakaya nila kahit wala ako.

Inayos ko na ang mga kailangan para makapunta sa Korea, hindi kami mahihirapan duon dahil may sarili kaming bahay duon.

In the next day aalis na ako. Kaya nag ayos na akong mga gamit ko para sa araw ng paglipad ko handa na ang lahat. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.

Uncle Roel Calling

"Hello po Uncle" patuloy parin ang pagluha ko

[Alam kong nalaman mo na ang balita, kelangan mong pumunta dito sa Korea] sabi ni Uncle, si Uncle Roel ang kasaksama ni Daddy sa Bahay namin sa Korea.

"Opo Uncle, anu po ba nangyari?"
Nauutal kong sabi

[Ikwekwento ko nalang kapag nandito ka! Ingat ka sa biyahe]

"Sige po Uncle."

End Call

Totoo nga, wala na si Daddy.

Makalipas ng Dalawang araw, aalis na ako dito. Pupunta na ako sa Korea para makita ang Daddy ko.

Hindi ako mapakali dito sa Eroplano kakaisip kay Daddy. Yung mga masayang araw na nagawa namin nuon ay naalala ko. Minsan ko lang siya makita sa isang taon. Pero ngayon wala na akong makikitang Daddy.

Mga ilang oras, nakarating na ako dito sa Korea, biyahe na ako papuntang bahay, habang palapit na ako, bigla bigla nalang akong lumuha. Parang hindi ko kayang makita si Daddy na ganoon. Masakit mawalan ng magulang lalo na kong matagal mo na silang nakakasama. Tagal kong makamove-on kay Mommy nuon, paano na si Daddy, mahihirapan nanaman ako.

Nandito na ako sa bahay. At sinalubong ako ng mga maids at kinuha ang mga dala kong gamit. Hinatid na rin ako kung saan ang Daddy. Pagkapasok ko sa kwarto, bigla akong lumapit sakanya at niyakap ng mahigpit, tanging iyak lang ang nagawa ko habang kayakap si Daddy.

"Daddy diba sabi mo hindi mo ako iiwan? May mga pangarap pa tayo."

"Daddy !!!"

At lumapit si Uncle sa akin at hinahaplos ang aking likod. At naupo na rin ako para malaman kung anung nangyari.

"Uncle, anu po ba nangyari?" tanong ko kay Uncle

"Nasa trabaho ako nuon, at tumawag siya saakin, uuwi raw muna ako dahil may sasabihin siya, pinilit niya akong umuwi, dahil gusto daw niya akong makausap sa personal, kaya nagpaalam naman ako sa Boss namin. Buti pinayagan ako, agad agad akong umuwi pero, pagkarataing ko dito eto na ang nakita ko nakahilatay na siya, ang akala ko nung una tulog lang siya. Kaya ginigising ko siya, at hindi siya magising gising, parang nag iba ang ihip ng hangin, kaya kinabahan na ako, nagtawag ako ng doktor, Inatake raw siya sa puso, dahil lagi daw siya nag papacheck up sa doktor na yun" pagpapaliwanag ni Uncle.

Naluha ako sa pag kwekwento niya, ngayon lang akong umiyak ng ganito.

Lumipas ng mga ilang araw, ako ang nagbabantay ng burol ni Daddy, hindi na nanamin inuwi sa Pinas, nandito rin naman mga kaanak namin. Kaya napagdisiyionan ko nalang na dito sa Korea ibuburol. Hindi ko ipapalibing dito, ipapacremate ko at iuuwi ko sa Pinas.. Pumayag naman ang mga ibang ko kaanak.

Walang kaalam alam na nadito ako sa Korea, mapa-Manager ko, ka-Member, at si Zoey ang Girlfriend ko, hindi nila alam, biglaan kasi ang nangyari.

Zoey POV

Tinatawagan ko si Evanswendel, naka ilang tawag na ako pero wala parin sumasagot, kinakabahan ako baka kung anung nangyari sakanya, ayokong magisip ng masamang mangyayari. Sana naman hindi magkatotoo etong iniisip ko.

Nagpunta ako sa bahay nila, wala daw siya, hindi siya nag paalam kung saang pumunta, naalala kong pumunta sa bahay ng mga Dream Boys, pupuntahan ko ang mga bahay nila kahit malayo malaman ko lang kung saan si Evanswendel baka alam nila.

Una kong pinuntahan bahay nila Zander, nabigo ako dahil hindi niya alam, pati rin mga text message niya hindi siya nagrereply.

Pangalawa kong pinuntahan bahay nila Ethan, buti nalang kasama niya si Jayson. Sana naman sakanila ko malalaman kung nasaan si Evanswendel.

"Alam niyo ba kung saan si Evanswendel?" tanong ko

"Hindi namin alam, pati Manager namin hinahanap siya" saan kaya nag punta yun? Baka may nangyari sakanya.

"Alam niyo ba kung saan siya huling pumunta?"

"Huli? Rehearsal lang, ilang araw nang hindi nagpaparamdam si Evans, pati tawag ng Manager walang sumasagot. May concert pa next day"

Nasan kana ba Evanswendel?

Still Into You "ALDUB"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon