Still Into You - 3

1.6K 74 22
                                    

Enrollment

Nag punta kami ni Scarlett sa School para mag enroll, nasa gate palang kami umiiwas na yung mga ibang tao. Alam niyo na. Parang may mga bumubulong sa mga paligid.

"Paparating na yung dalawang D.E.V.I.L" sinigaw pa, Wow! Spelling pa more!

Nang marinig ko yun,sakto namang nasa harapan namin bigla akong huminto, nagtaka si Scarlett.

"Miss, Kami ba yung tinutukoy mong Devil?" Ay! hindi pa pumansin! hindi ba niya narinig?

"Miss!! Kami ba yung tinutukoy mong DEVIL!!" pasigaw ko lahat sila nagtinginan saamin, etong kaharap ko naman takot na takot.

"Sorry po Ate, Hindi na mauulit!" pagmamakaawa niya

Nang papaalis kami bumumulong siya , back fighter.

"Kala mo kung sinung maganda! pangit naman ugali"

Hindi na namin pinansin baka kung saan pa humatong, katulad last year may nangyari dahil saamin ni Scarlett. Parang kami ang kontrabida sa school. Pero meron pang mas kontrabida si Isabel Poks. Lahat ng ginagawa namin kinokontra niya, pati Ex boyfriend ko inahas niya, si tanga naman nagpakagat.! Buhay nga naman nila oh. Wala na akong balita sakanila, dahil wala na akong paki, naka moveon na ako madali ko lang siya nakalimutan, dahil lahat ng taong manloloko dapat kalimutan mo na agad agad! Wag ka nang mag isip nang kung anu anu. Yan ang advise ko sainyo. HAHAHA

Trowback

5 years and 3 months na kami noon ng Ex Boyfriend ko. Saktong monthsary namin, wala naman kami problema noon. . Nasa Maxx kami para icelebrate sobrang saya namin nuong araw na yun.. Tawanan, kiligan etc. . Matagal nang gusto ni Isabel si Jay Dela Fuerte, ewan ko lang kung gusto rin ni Jay si Isabel, kasi noong naging kami nangako siya na hindi niya ako ipagpapalit kahit kaninong magandang babae. Ako lang daw ang mamahalin niya, biglang nag laho ang kanyang binitawang salita.

Noong oras na yun, nagtataka ako kung bakit lingon ng lingon si Jay sa likod, wala naman siyang pinagtataguan, ako na yung kinakabahan baka may nangyayari na hindi ko alam. Nag paalam siya saglit, pupunta siya sa Comport Room.. Ilang minuto akong naghintay, walang Jay na bumalik, kaya nag pasya akong puntahan siya, nag hintay ako sa labas ng CR nang mga boys, pero wala paring lumalabas. . May napansin ako dalawa sa gilid ng Maxx, familliar saakin yung damit, oo hindi ako nag kakamali si Jay yun, may kahalikang babae. Agad ko silang pinuntahan, galit na galit ako. Ang sakit kaya tagos sa buto.

"Anung Kalokohan to?" tanong ko na may luhang tumutulo.

Hindi siya makasagot.

"Walang hiya ka Isabel! lahat nalang inagaw mo! Pati ba naman Boyfriend ko?" sabay sabunutan kami ni Isabel

"At ikaw! diba sabi mo ako lang? hindi mo ako ipagpapalit kahit kanino? so Anung nangyari sa pangako mo?" sambit ko kay Jay

"Pagod na ako sa Relasyon natin! Itigil na natin to!" - Jay

"So ganun ganun nalang! pagod ka na? Anu bang nagawa kong mali? Yan na ba yung the best reason mo? Sige! kung yan ang gusto mo? Papayag ako! Mag sama kayo! Pero etong tatandaan niyo ah! Walang Forever!!"

Umuwi akong umiiyak sa bahay, hindi ako kumain ng 1 buwan pero kumakain naman ako ng paonte onte, kaya nangayayat ako. Hindi talaga ako nakonteto sa rason niya. Kelangan kong mag move on! Walang mangyayari saakin kung lagi siya ang laman ng isipan ko. . Everything has Change nga diba.

To help yourself, you must be yourself. Be the best that you can be. When you make a mistake, learn from it, pick yourself up and move on.

Agad akong naka move on, lahat nang bagay na binigay niya at ala-alang nangyari ay itinapon ko, lahat ng picture namin sinunog ko na. Masakit man ang nangyari, kelangan mo etong harapin, dahil kasama sa relasyon yan.

Lahat nang malulungkot na pangyayari, ay may darating na kapalit, tulad nalang ng Dream Boys. Dati ayaw na ayaw ko sa mga ganyan, pero ngayon gustong gusto na.

Binalak ko ulit pumunta sa 7/11 , para magtambay lang pero bibili rin ako kahit papaano, naglakad nalang ako tutal malapit lang naman, sobrang dami ng tao,anu ba ngayon? Naghanap akong calendar, Friday pala eh, tuwing friday kasi daming nagpupunta dito, may mauupuan pa kaya ako? Nag order muna ako, at may binigay na # . Table # 24. Hinanap ko yung table 24. Ikot dito, Ikot doon. At sa wakas! nakita ko na rin, pero bakit parang kinakabahan ako sa lalaking kaharap ko sa upuan, may kasama ako sa table isang lalaking naka jacket at nakashades, ewan ko lang kung totoo etong buhok niya para wig eh mukhang magaspang.

Hindi ko maaninag masyado ang kanyang mukha, nahihiya rin ako . Nagulat nalang ako ng bigla niyang hinawakan kamay ko, syempre iniisip ko baka mamatay ako kasi halata naman sa suot niya, oh hindi kaya stalker ko siya? Erase! Erase! Ang lambot ng kamay niya!

"Miss ikaw ba yung nakabanga saakin last night?" tanung niya, hindi ko maalala yung sinabi niya!.

"Anung pinagsasabi mo? at bitawan mo nga ako! Bastos!" pasigaw kong sabi, grabe! salakas ng pagkakasabi ko nagsitinginan mga tao..

Tinangal niya ang kanyang Shades at Wig, at nag Slow Motion pa, at napatulala ako sa nakita ko.

Bigla niyang pinatunog ang daliri niya (hindi ko maexplain kung pano. hahaha) Tolkkk!

Natauhan ako sa ginawa niya, OMG! kaharap ko si Crush? Sine-swete nga naman oh! kay gandang pagmasdan ang mata niyang mapupungay, halla! kumindat pa ang loko!!

Nagusap kami konte, pero may umagaw eksena, may tumawag kasi sa phone niya.

"Pasensya na ah, may kelangan lang akong puntahan, mauna na ako! kita ulit tayo bukas dito" paalam ni Evanswendel agad din siya umalis.

Pakiulit nga sinabi niya? (Kita ulit tayo bukas?) Sure ba yan? hindi ba ako nanaginip? kinausap ko katabi kong babae hindi ko siya kilala.

"Ate, pwedeng parequest? pasampal nga ako kahit minsan!" agad naman ako sinampal

"Aray! hindi nga akong nanaginip!" pero ang sakit sampal niya ah, parang may galit ata eto saakin? Never Mind.

Bakit nawawala ang pag kamaldita ko at masungit kapag nakikita ko si Evanswendel.

Anu bang meron siya?

Still Into You "ALDUB"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon