Still Into You - 8

1K 53 10
                                    

War with Isabel Poks

Umagang umaga may nag iingay! Nag ra-Rally ba sila? Rally? Bakit ko naman nasabi yung rally? Nagising ako dahil sa sobrang ingay sa labas, hindi ko alam kung anu yun!

"Lumabas ka diyan malanding Zoey!"

"Magpakita ka saamin!"

Bakit narinig ko yung pangalan ko? Malandi ako?  Hindi ah Maganda lang. Bakit naman sila nag sscandalo sa harap ng bahay namin. May nagawa ba ako? Wala naman ah

Tumingin ako sa may bintana, What?

Kadaming tao, parang sila yung nasa school na nagbato saakin. Ang mga Fans ni Evanswendel, eto na ba ang katapusan ko? Hindi! Hindi ako magpapatalo.

Nagpaganda muna ako bago ako lumabas ng gate. Nang matapos akong mag ayos lumabas na ako. Lakad pang Miss Universe.

Hindi nalang sana ako lumabas, pag labas ko bigla akong sinabunutan ni Isabel.

"Aray!!" sakit ah, parang maalis na yung hair ko sa pagkakasabunot niya.

Syempre hindi magpapatalo ang maldita bigla ko rin siyang sinabunutan. Mala telenovela, with kurot. Hahaha Mapapansin mo sa mga mata niya na naluluha siya, hindi rin siya nag patalo, sinabunutan niya rin ako, kaya ang eksena ngayon sabunutan kami ngayon, sayng yung effort kong magpaganda.

"Malandi ka! inagaw mo saamin si Evanswendel" sabi ni Isabel

"Hindi ko inagaw, nagkagusto siya saakin, wala akong magagawa! yun ang kapalaran ko!" pero joke lang yan.

"Diba ikaw ang mang-aagaw? Inagaw mo saakin si Jay Cachero? yan complete name pa." hindi siya makapagsalita

"Magaling ako eh! at maganda kaya lahat ng lalaki nag kakagusto saakin kahit may girlfriend sila!"

"Hindi ka maganda! Oo, magaling kang mangahas! diba inagaw mo lahat ng boyfriend nila?" Wow big word!

"Wag mong sabihing magtatagal kayo ni Evanswendel! Marami kaming aagaw sayo! Hindi lang ako!" aba! hindi magpapatalo ang Poks!

"Kung maagaw niyo! Ang pagkakaalam ko! Titigil na siya sa pag-Aartista. Para saakin" Joke lang ulit yan

"Hindi maare!" wow! sabay silang lahat, anu to? pinagusapan?

"Hindi pa kayo aalis? ipapatawag ko kayo sa guard! Guard!" Ayaw palang nilang umalis

Lumapit saakin si Isabel Poks.

"Hindi pa tayo tapos Zoey! May araw ka rin!" sabay sabunot ulit. Sinabunutan ko na din, hindi na ako makatimpi minudmod ko siya sa sahig. Sana may putik.

"Aray!!" ang sakit ng pagkakasampal niya ah. Nagiging Tomato na etong pisngi ko, Hindi ako kinikilig ah.

Also I slapped him three time.

*Slap*

"Eto para sa pangaahas mo sa Ex Boyfriend ko!"

*Slap*

"Eto para sa mga ginawa mo saakin"

*Slap*

"Yan para sa mga taong malalandi katulad mo! Kulang pa yan sa mga ginawa mo saakin at sa iba!" Hinila nila si Isabel poks, pati mga kasamahan niya tawang tawa sila kay Isabel.

Ganun! ngayon dumating mga guard, tapos na ang eksena.

"Late na po kayo! Bakit po kayo nagpapasok ng mga outsider?" tanung ko sa Guard.

"Ma'am pasensya na po, sabi nila Birthday mo daw kaya pinapasok ko sila." sabi ng Guard.

"Hindi ko Birthday, kung birthday ko syempre hindi kayo invited."

Biglang dumating si Scarlett, anu nanaman problena neto, parang namumula mata niya. umiyak ba siya?

"Anung ginagawa niyo dito? Umali na nga kayo! May nalalaman pa kayong Rally Rally." sabi ni Scarlett

umalis naman sila kasama si manong guard.

"Hindi pa tayo tapos!" sigaw ni Isabel habang papaalis.

"Zoey, pwede ba tayong mag usap?" sabi ni scarlett na parang maiiyak na.

"Anu bang problema?"

"Break na kami ni Argel, Paano ako mabubuhay kung wala siya?"

"Adik to! Edi huminga ka! Wag kang magpakatanga Scarlett! Move on! Walang Forever diba?" sabi ko, parang ako naman ata ang natatamaan.

"Sakit mo naman mag salita! Eh mahal ko siya eh!" - Scarlett

"Mahal ka ba niya?" tanung ko,

"Ewan" yan na nga sinasabi ko ramdam kita girl.

"Hayaan mo dadamayan kita" sabi ko at pumasok na kami sa loob.

"Wag mawalan ng pagasa. Ang gawin mo magpakatatag ka at ipakita mo sa kanya na kaya mo kahit wala siya sa buhay mo" kadrama ko!

Bakit laging si Pag-ibig ang problema ng maraming tao! Why?

Still Into You "ALDUB"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon