Still Into You - 15

957 48 6
                                    

Habang nasa Japan palang sila Evanswendel, wala akong ibang gawin kung hindi mamasyal, minsan kasama ko si Scarlett, minsan ako lang kung busy siya, so ngayon busy siya kaya magisa ko lang mamasyal. Hindi ko alam kong saan ako pupunta basta kong saan huminto sasakyan ko doon na.

Paalis na ako gamit etong kotse ko, ako ang nag dri-drive hindi na ako nag tawag ng driver, alam ko naman mag drive so ako na para hindi na ako maka-abala. Medyo naka layo na ako, naisipan kong pumuntang Star City, wala lang trip ko lang. Medyo malayo pa kaya tiis tiis muna sa pag mamaneho haha.

Napahinto ako kasi may naka-agaw pansin saakin, isang malaking Billboard mga picture ng Dream Boys, kinuha ko yung phone ko , kinuhanan ko nang litrato then iuupload sa Istagram. Itatag ko kay Evanswendel. Bago ko makalimutan Follow niyo pala eto sa Instagram @Mhel24e .

Tinuloy ko ang pagmamaneho ko, para makapunta agad sa pupuntahan ko. Bakit ba kasi sumagi sa isip na Star City pa puntahan ko, marami pa naman lugar na magaganda at malapit pa. Medyo malapit na ako konteng tiis nalang. Sana tinawag ko si Scarlett para may kasama ako. Hindi tatangi yun kung mga ganitong lugar ang pupuntahan kahit busy siya, gagawa siya ng paraan para makasama.

After 30mins, Salamat nakarating na ako, ang nakakainis lang etong nasa harapan kong sasakyan hindi pa siya nakakahanap, hindi ba niya alam mag hanap? Ilang minuto na, stranded na ako oh. Kaya bumaba ako ng sasakyan. Sakto pagkababa ko bigla naman umandar. Ang sama oh. Nakakainis!

Naghanap na ako ng malalagyan etong sasakyan ko. At eto na nga nakapark na ako.

"Diba eto yung sasakyan kanina?" Sa isip ko wow huh katabi ko pa! Nevermind

Pumasok na ako sa Star City. Ang daming tao, mapa foreigner, korean, nandito. Mga couples madami din, pinapaingit ba saakin? May nakita akong nag titinda ng Ice Cream at agad akong punta para bumili.

"Kuya pabili nga po, Cheese Flavor" favorate ko kasi ang Ice Cream lalo na kung Cheese ang flavor. Yummy!!

Lumibot libot ako habang kinakain etong Ice Cream. Kanina pa ako lakad ng lakad..

Kring!! Kring!! Kring!!
Scarlett Calling

"Hello?"

[Bakit hindi mo ako niyaya?] aray! Sakit sa tenga kelangan pang sumigaw?

"Huh? Anung sinasabi mo?"

[Wag ka nga!! May nalalaman ka pang Star City!]

"Saan mo nalaman?" nagtataka ako kung saan niya nalaman, wala naman akong pinagsabihan at biglaan lang.

[Sa Instagram mo! OTW to Star City tapos yung Billboard ng Dream Boys] hayss. Inupload ko pala haha.

"Diba busy ka?"

[Oo pero....] *Tot Tot Tot* biglang namatay ilang mins. Pa naman, Emergency Call .Walang Signal hahaha

Nilagay ko na yung phone ko sa Sholder bag ko. At tumalikod ako, may tao pala sa likod ko, at ang hawak kong Ice Cream ay dumikit sa Damit niya.. Nadumihan ko ang kanyang damit mukhang mamahalin pala, Sorry lang nasabi ko at kinuha ko yung panyo sa bag ko at ang panyo pa na binigay ni Jay dati ang Ex ko, hindi ko na pinansin kong sinu nag bigay nang panyo, basta ang mahalaga mapunasan ko ang ang damit niya baka magalit siya.. At nang mapunasan ko. Tinignan ko siya at nag Sorry ulit.

Pagkatingin ko sakanya biglang akong naluha, parang bumalik lahat ng sakit na nangyari saakin dati. Hindi ko inaasahan na makikita ko ulit siya. Si Jay ang Ex boyfriend kong inagaw ni Isabel..

Sa lahat ba naman nang taong ayaw kong makita eto pa? Ang lalaking nanakit sa puso ko? Ang lalaking hiniwalayan ako ng walang matinong dahilan?

Akala ko ba nakalimutan ko siya? Pero bakit ganito? Bakit? Ang sakit sakit. Patuloy parin ang pag luha ko. .

"Zoey!" sabi ni Jay

"Umalis ka sa harapan ko!" sabi ko habang lumuluha

"Sorry sa nagawa ko!"

"Ayaw kong marinig yung Sorry mo! Umalis kana!"

"Pakingan mo naman ako, kahit ilang minuto lang, masabi ko lang ang dahilan kung bakit kita hiniwalayan nuon at pinagpalit kita kay Isabel! Diba yung ang gusto mo? Malaman kung anong dahilan?" sambit ni Jay

Bigla akong napatingin sakanya at pinunasan ko ang mga luha ko. Ayaw ko sanang marinig ang dahilan niya, pero inumpisahan na niya.

"Nuong mga pagkataon na yun! Hindi ko alam kong anung gagawin ko, o may gagawa ba ako? Dahil kapag hindi ko sinununod si Mommy at Daddy itatakwil nila ako na naging anak nila, mahirap mawalan ng magulang kaya sinunod ko ang kagustuhan nilang maging kami ni Isabel. Dahil ang parents ni Isabel at ang Parents ko ay magka Business Partner. Kaya naka Arranged Marriage kami ni Isabel. Yung mga tsimis na mangaagaw si Isabel hindi totoo yoon, dahil ang totoo ay eto." ang pagpapaliwanag ni Jay

"Tama na!! Ayaw ko nang balikan yung mga nangyari nun!" bigla akong tumalikod at umalis pero pinigalan niya ako at bigla akong niyakap at nag Sorry. Gusto kong makawala sa pagkakayakap niya pero hindi ko magawa daw lalaki siya, hindi natin maitatanging malakas sila.. Lumuluha nanaman ako dahil naaalala ko ang mga nangyayari dati.

"Bakit ka pa bumalik?" sambit ko

"Nabasa mo ba txt ko? Nangangamusta ako pero hindi ka manlang nag reply. Hindi ko inaasahan na magkikita tayo dito"

Nagtxt? So siya yung nagtxt saakin na 0926?

"Bakit pa ako magmessage sayo? Diba wala na tayo?"

"Yuon na nga, Nag message ako dahil may gusto akong sabihin sayo. Buti nalang pinagtagpo tayo ng tadhana, Zoey Gusto kong malaman mo na MAHAL PARIN KITA, hindi ko nakikita kay Isabel ang pagmamahal na tulad ng ginagawa mo. Mahal kita" sambit niya na pati siya naluluha.

Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko akalain na ganito mangayayari, sana hindi na ako nag punta dito.

"Sorry Jay Cachero, pero may Boyfriend na ako"

"Kahit na! Maghihintay parin ako. Hindi ako susuko!" sambit niya, seryoso ba siya?

Inalis ko ang mga kamay ko sa pagkakahawak niya, at umalis na lumuluha parin. Hindi maalis sa isipan ko ang sinabi niya "Kahit na! Maghihintay parin ako. Hindi ako susuko!" . .

Still Into You "ALDUB"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon