Still Into You - 21

788 44 1
                                    

Isang linggong nakakalipas, wala parin akong Evanswendel na nakikita. Isang linggo rin akong nakakulong sa kwarto hindi ako lumalabas ng kwarto, sa kakaisip kay Evanswendel, Oras oras na umiiyak, walang ibang ginawa kundi umiyak lang. Pati si Yaya, nagtataka na dahil grabe na ang mata ko.

Kahit may pagkain na dinadala ni Yaya, hindi ko masyadong kinakain, nawalan akong ganang kumain sa sobrang kaiisip, sa pinag-gagawa ko nangangayayat na ako, wala na yung maganda kong katawan nuon at ngayon bumubukol na ang aking mga mata sa kakaiya.

Pati sa pagtulog si Evanswendel parin ang laman ng isipan ko, habang naalala ko siya patuloy parin ang aking pag iyak.

Iniwan na ba niya ako? Gaya ng ginawa ni Jay Cachero dati saakin? Hindi naman ganito nangyari saakin dati..

Mahal ko si Evanswendel. Hindi ko siya kayang iwan, at sana naman hindi mangyari gaya ng dati. .

Ayaw kong masaktan ulit.
Sa sobrang lungkot at sa kakaisip sakanya.

Isang araw, pagkamulat ng mga mata ko, nag dilim ang mga paningin ko, kinusot ko eto pero ganun parin wala parin akong makita, hindi ko alam ang gagawin ko, kundi umiyak lang. Sana panaginip lang ang mga nangyayari saakin. Ayaw kong mabulag. Sa sobrang takot ko tinawag ko si Yaya at sila Mommy at Daddy.

"Mommy!!! Daddy!!! Yaya!!!" sigaw ko habang patuloy parin ang pagluha ko.

Agad naman silang pumasok sa kwarto at lumapit saakin.

"Mom-my!! Da-ddy!! Hindi ako makakita! Nagdilim ang mga paningin ko"

"Anung nangyari sayo Anak?"

"Mommy! Hindi ko po alam! Pagkagising ko ganito na ako. Mommy natatakot po ako, ayaw kong mabulag" mangiyak ngiyak kong sabi.

"Wag kang mag-alala Anak, gagawa ako ng paraan"

"Yaya tumawag ka ng Doktor"

"Opo Madam!"

"Mommy nasaan po si Daddy?" tanong ko

"Nasa likot mo anak"

At lumikod ako, at kumapa kapa para malaman kong saan banda si Daddy, ng makapa ko bigla ko siyang niyakap.

"Daddy!! Ayaw ko nang ganito"

"Wag kang mag-alala dadarating na ang Doktor" sabi ni Daddy

At mga ilang minuto nandito na siya, dahil narinig ko ang boses niya.

"Good Morning Ma'am/Sir anu pong nangyari?" tanong ng doktor

"Dok, pagkagising niya hindi na siya makakita" sabi ni Daddy

"Iha, anung ginagawa mo ng mga naraang araw?" tanong saakin

"Umiiyak po araw araw, at kaiisip kung nasaan si Evanswendel"

Biglang may bumuklat sa mata ko at parang may naaninag akong kunting liwanag pero minsan lang bigla nang dumilim.

"Nadepress lang po siya, ang pagkabulag niya ay dahil sa mga problema niya, sa pagiiyak, at hindi masyadong kumakain" sabi ng Doktor

"Anak, may problema ka ba?" tanong ni Mommy

"Mommy, iniwan po ako ni Evanswendel, mahal ko po siya, hindi ko kayang wala siya." patuloy parin pagluha ko

"Anak, nandito kami ng Daddy mo na nagmamahal sayo!" at niyakap ako ni Mommy at Daddy

"Dok, makakakita pa ba ako? O ganito na akong habang buhay!"

"Iha, pansamantala lang yang pagkabulag mo, inom ka lang ng mga dapat na gamot, ibibigay ko mamaya ang reseta."

Sa nalaman kong makakakita pa ako, napangiti ako ng pilit. Pilit na ngiti dahil sumagi sa isip ko si Evanswendel, nang dahil sakanya nagkaganito ako, dapat ko na ba siyang kalimutan? Pero hindi ko kaya. Gagawin ko eto para gumaling ako, dahil habang naiisip ko siya patuloy parin ang pagbulag ko.

Makakaya ko eto.

Dahil ako si Zoey isang matapang na Babae.

Still Into You "ALDUB"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon