Still Into You - 23

1K 45 2
                                    

Tinutuhanan ni Evanswendel ang kanyang pangako na siya mag aalaga saakin, hindi na siya umuuwi sakanila maalagaan lang niya ako. Sa isang kwarto siya natutulog. At pagkagising niya nang umaga, agad siyang pumapasok sa aking kwarto at araw araw kong naririnig ang salitang "Good Morning Mahal!" sa kanyang bibig, hindi ako ngumingiti sa panlabas, kundi sa panloob, pasikretong ngiti.

Oras oras niya akong pinapangiti at sinusubuan. Nawawala na ang pagkagalit ko sakanya dahil aa kanyang gingawa.

Napilitan akong lumabas ng bahay, kasi etong si Evanswendel mapilit. Lumabas naman daw ako kahit minsan, hindi lang nasa luob ng bahay.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta, basta sitting pretty lang ako dito sa kotse niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sakanya

"Sa mga pinuntahan natin dati" sambit niya

Ngumit naman ako dahil, lahat ng ginawa at pinuntahan namin dati ay mauulit ulit. Ako na yata pinakamasayang babae. Naiintindihan ko na si Evanswendel kung bakiy siya nawala dati hindi ko isisisi sakanya nangyari saakin. Dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganito.

Naramdaman ko nalang na hindi na umaandar ang saakyan at biglang may humawak sa aking kamay.

"Nandito na tayo" sabi niya at tinulungan niya akong makababa.

"Nasaan tayo?" tanong ko hindi ko kasi makita, ang nararamdaman ko lang ay sariwang hangin. Wala bang Clue?

"Nandito tayo sa Farm namin"

Naalala ko ang mga nangyari sa araw na yun, yung nag habulan kami sa damuhan hanggat sa nakahiga para tignan ang kalangitan, at umulan ng malakas.

Inalalayan niya ako sapag lalakad. Hindi ko alam kung saan banda kami. At bigla nalang niya akong pinaupo sa damuhan. Hindi ko maibahagi sainyo kung anu ang nasa paligid ko dahil hindi ko makita.

Bigla nalang akong nakarinig na may tumututog ng violin. Nagtataka ako, hindi ko alam ang mga nangyayari sa oras na eto.

May inabot saakin si Evanswendel, kinakapa ko eto para malaman kung anu binigay niya, nang nalaman ko kung anu, inamoy ko siya kung tama talaga. Hindi nga ako nagkamali, isang Rosas na ang bango bango. Ngumiti ako ng abot langit kita yata gilagid ko sa sobrang ngiti.

"Anung nangyayari dito? Hindi ko alam" tanong ko sakanya kasi may nakakapa akong tela sa sahig.

"Picnic, wala lang trip ko lang" sabi niya, picnic? Eh bakit may violin pang tumutugtog? Parang ewan talaga siya

Sinubuan niya ako ng Slice Pine Apple, puro prutas ang pinapakain saakin simula nuong inalagan niya ako. Healthy na ako neto sa ginagawa niya. At napangiti ako

"Nakangiti ka diyan?" tanong niya nahalata pala niya.

"Wala may nalala lang ako" pero joke lang

At bigla niya akong hinalikan, nagulat ako sa ginawa niya. Hindi ako ready eh. Dapat sinabi para makagready naman ako.

Umalis na kami sa Farm nila baka umulan ulit gaya ng dati.

Siguro pupunta kami sa may Sky Lanterns pag kakaalam ko meron ngayon..

"Saan tayo pupunta?" tanong ko

"Basta, malalaman mo rin mamaya! Just Relax" sabi niya, okay Relax kamo eh, tinulog ko muna saglit para makarelax ako.

Mga ilang minutong nakakalipas, nagising ako sa pagkakapreno niya. Ang sama.

"Nandito na tayo!" sabi niya wala akong alam kung anung lugar to. Napakarami sigurong tao, dahil ang iingay paligid. Anung lugar ito? Nagpaalam saakin si Evanwendel saglit dahil nay kukunin daw siya.

Still Into You "ALDUB"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon