.PANGITAIN.
"ATE.."
Ayaw pang magmulat ng mata ni Alyssa. Puyat siya ng nakaraang gabi. Umaga ng araw na iyon at ginigising siya ng kapatid na si Aryana.
"Gising na, Ate...", niyugyog pa siya ng husto ng kapatid.
Ulilang lubos na sila. Tatlong taon na ang nakakalipas ng mamatay sa isang sunog ang mga magulang nila. Silang dalawa na lang ang natira noon. Kaya naman nangako siya sa mga magulang na di niya papabayaan ang 16 years old na bunsong kapatid na si Aryana.
Parehas silang maganda ng kapatid niya. Graduating na ito sa high school samantala siya ay isang secretary sa isang di kalakihang kompanya. Masaya silang namumuhay. Walang problema kahit minsan ay kinakapos sila sa gastos.
"Ate..Magtatampo ako sa iyo pag di kapa bumangon..", narinig ni Alyssa na sinabi ng kapatid niya.
"O sige na..", nakangiti kong sabi.
"Yehey!"
"Bakit ba,,,? Puyat ang ate tapos ginigising mo.."
"Sorry na ate..Eh, kasi..Pinaghanda kita ng breakfast eh..."
"Wow naman! Ang sweet naman ng kapatid ko...Bakit may ipapabili ka ba sa akin?", niyakap pa niya ang kapatid na parang naglalambing.
"Si ate naman!", naka-labing sabi niya. "Naisip ko kasi, hindi pa kita naipagluluto kahit kailan...Kaya bago man ako umalis, masilbihan kita..", sabi pa ni Aryana.
Kumalas si Alyssa sa pagkakayakap sa kapatid. Kinilabutan siya sa sinabi nito.. Para kasing nagpapa-alam na ito sa kanya.
"Aryana?! ANo bang sinasabi mo? Tara na nga..Kumain na tayo..", yaya ni Alyssa sa kapatid.
Habang kumakain sila panay ang puri ni Alyssa sa luto ng kanyang kapatid.
"Masarap huh! Lalo na itong fried rice...", masayang sabi ni Alyssa.
"Syempre..Para sa ate ko iyan eh.."
Biglang may tumawag sa cellphone ni Aryana. Nakangiting binaba ni Aryana ang cellphone.
"Sino yung tumawag at nakangiti ka dyan?", naiintrigang tanong niya sa kapatid.
"Si James, ate.."
Si James ang nobyo ni Aryana. Nineteen na ito at tambay. Ayaw dito ni Alyssa para sa kapatid. Mukha kasi itong drug addict.
"Anong sabi ni James?", tanong ni Alyssa.
"Magkita daw kami ngayon din.."
"Aryana..Payong kapatid lang...Mag-iingat ka sa James na yan. Hindi ko talaga siya gusto para sa yo.."
"Ate naman..Mahal niya ako. Saka kaya ko na ang sarili ko ano.."
"Sana nga Aryana.."
Tumayo na si Aryana.
"Sige, Ate.Aalis na ako..Nakaligo na naman ako eh..Bye Ate!", humalik muna si Aryana sa kanya bago ito umalis.
Tiningnan ni Alyssa ang papaalis na kapatid. Muntik na siyang mapasigaw ng makita niyang wala itong ulo. Pinilig niya ang ulo niya at nakita niyang may ulo na ulit ito.
Isa iyong masamang pangitain..Tinawag niya ang kapatid.
"Bakit ate..?", nagtatakang tanong ni Aryana.
"A-aryana, wag kana kayang umalis..."
"Ate naman..Ayan, tumatawag na naman si James oh..Sige..Bye na ate..", at tuluyan na itong umalis.
Kinakabahang napaupo sa sofa si Alyssa. Ramdam niyang may di magandang mangyayari..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
comment po kayo kung anong reaction niyo.^^
thanks...
BINABASA MO ANG
Ganti...(Complete)
HorrorIsang kwento tungkol sa pagganti. Rape victim ang kapatid ni Alyssa. Matapos di mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kapatid niya, isa- isang namatay ang may kagagawan sa krimen. SIno ang salarin? Si Alyssa nga ba na ang gusto ay ang makaganti sa mg...
