.BABAE.
"WERE SO LUCKY, MGA PARE!"
Mayabang na sabi ni James sa dalawang kabarkada na sina Rainier at Dave. Nasa bar sila noon at nag-iinom.
"Oo nga! Biruin mo, nasarapan na tayo di pa tayo nakulong..Wahaha!", sabi naman ni James.
Hindi nila alam, sa di kalayuan isang babae ang nakatingin sa kanila. Labis ang ppot nito. Kung pwede nga lang ay lapitan na niya ang tatlong lalaking iyon at patayin na niya ay gagawin niya. Pero dapat siyang maging maingat. Hindi dapat siya makilala ng kahit na sino.
Naghintay pa ang misteryosong nilalang ng ilang minuto. Nang makita niyang tumayo ang isa sa kasama ni James ay naisip niyang iyon na ang tamang pagkakataon.
Ininom niya ang natitirang alak sa kanyang kopita. Sinaklob sa ulo ang itim na belo. Napaka-sexy ng suot niya. Iyon talaga ang kanyang plano.
Sinundan niya si Rainier hanggang sa loob ng CR na panglalake. Walang tao doon. Umihi si Rainier at pagharap ni Rainier, nagulat ito nang makitang may babae sa loob CR.
"Whow! Nagkamali ka yata miss ng pinasukang CR..", sabi ni Rainier.
"Hindi ako nagkamali...Ikaw talaga ang pinunta ko dito..", sabi nung babae habang papalapit kay Rainier.
"What do you mean?", nagtatakang tanong ni Rainier.
Hinalikan bigla nung babae si Rainier. Nadala ito. Nagpunta sila sa isang cubicle. Huhubarin na sana ni Rainier ang damit ng babaeng naka- belo ng magulat siya ng maglabas ng patalim ang babae.
Hindi na nakasigaw si Rainier dahil sinaksak siya nito agad sa leeg. Tapos hiniwa pa iyon. Natumba siya sapo ang leeg na nasugatan.
Gulat na gulat siya. Unti- unting kinakapos ang hininga niya. Tinakpan niya ng palad ang sugat sa leeg upang makahinga. Gumapang siya sa sahig sa CR.
Nakatingin lang ang babe sa kanya. Sa mata nito ay nandun ang kasiyahan.
"Sige, gumapang ka! Hayop ka!", sabay unday ng isang saksak sa likod ni Rainier.
Sumampa ang babae sa likod niya tapos walang habas na pinagsasaksak siya sa ulo. Sobrang talas ng patalim. Tumatagos sa bungo ang bawat ulos ng babae. Bumaha ng dugo sa tiles ng CR. Tumatalsik sa kung saan- saan ang pulang dugo sa bawat saksak nito.
Hindi ito tumitigil hanggang sa hindi na gumagalaw ang katawang ng kanyang biktima.
Matapos iyon ay tumayo na siya...
Naglinis ng mga dugo sa katawan niya,,,,,
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Kanina pa naghihintay sa loob ng bar sina James at Dave pero walang Rainier na bumabalik sa pwesto nila.
"Ang tagal naman niya!", reklamo ni James.
"Mabuti pa, pare puntahan ko na sa CR. Baka may nakuha na naman yung babae...", pilyong sabi ni Dave.
Tumayo na ito at nagpunta sa CR. Laking gulat nito ng makita ang karumal-dumal na hitsura ng kaibigan niya. Napasigaw ito.
Kinig na kinig ng babae ang sigaw ni Dave. Isang nakakatakot na tawa ang pinakawalan niya.
Ikaw na ang susunod, Dave!, sabi niya sa isip niya.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
comment.vote

BINABASA MO ANG
Ganti...(Complete)
HorrorIsang kwento tungkol sa pagganti. Rape victim ang kapatid ni Alyssa. Matapos di mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kapatid niya, isa- isang namatay ang may kagagawan sa krimen. SIno ang salarin? Si Alyssa nga ba na ang gusto ay ang makaganti sa mg...