.REBELASYON.
Kumakain mag-isa si Alyssa ng araw na iyon. Nang matapos na siya ay hinugasan na niya ang pinagkainan. Papanhik na siya sa taas sa kwarto niya ng may mapansin siya sa sahig.
Mga bakas putik na hugis paa. Papunta sa kwarto niya.
Kinakabahang sinundan niya ang bakas ng paa. Dahan- dahan lang siya. Maingat ang mga hakbang. Kaninong bakas ng paa ito? SIno ang pumasok sa bahay niya.
Binuksan niya ang pintuan.
Nagulat na lang siya ng may tumakip sa ilong niya na isang panyo. Nagpumiglas siya pero malakas ang taong gumagawa noon sa kanya. Hanggang sa unti- unti siyang hilahin sa kawalan. Nawalan siya ng malay..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Masakit ang ulo ni Alyssa ng magising siya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Nakatali siya! Sa kama niya mismo! Pahiga siyang nakatali.
"Gising ka na pala!"
Napatingin si Alyssa sa pinanggalingan ng boses.
Si James! May hawak itong patalim.
"James?!", gulat na bulalas ni Alyssa.
"Kumusta kana, ALyssa?", nakangiting sabi ni James.
"Pakawalan mo ako dito James! Hayop ka! Anong gagawin mo sa akin?!", galit na tanong niya.
Lumapit sa kanya si James at binusalan ang kanyang bibig.
"Alam mo kung anong gagawin ko sa iyo? Katulad ng ginawa ko sa kapatid mo. Hayop ka! Ikaw ang pumatay sa mga kaibigan ko, ano? Pwes..Papahirapan kita ngayon!"
Hindi makapagsalita si Alyssa. Hindik na hindik siya ng makitang nag-uumpisa nang maghubad si James. Sumampa na ito sa kama.
Wala na siyang nagawa ng maisakatuparan nito ang panggagahasa nito sa kanya. Hindi siya makasigaw. Ilang ulit siya nitong binaboy. Pakiramdam niya ay ang dumi- dumi ng katawan niya.
Tinanggalan siya nito ng busal matapos.
"Masarap ba?", tanong nito.
'Hayop ka....Bakit pati ako...?", tanong niya sa pagitan ng pag-iyak.
"Dahil di ka tumupad sa usapan..Pati mga kaibigan ko tinodas mo!!!", gigil na gigil na sabi ni James sabay sampal sa kanya.
Lumabas ito ng kwarto...
Sinikap niyang makawala pero napakahigpit ng pagkakatali sa kanya. ANong gagawin niya? Siguradong pagbalik ni James ay papatayin na siya nito at itutulad sa ginawa sa kapatid niya...Binaboy nito!
"Hayop ka, Jamessssss!!!!", tili niya.
Pero lalo siyang nagimbal nang mula sa pintuan ay may naghagis sa kanya ng pugot na ulo ni James. Lumagpak iyon sa puson niya. Umagos ang dugo mula roon. Mainit na dugo na yumayakap sa kanya.
Naghisterikal siya...
Pero ang pugot na ulo ni James ay tila nakatingin lang sa kanya.
Biglang may pumasok na tao sa kwarto niya.
May hawak itong palakol na puno ng dugo..hila- hila nito ang katawan ni James na wala nang ulo...Napasigaw lalo si Alyssa..
Dahil walang iba iyon kundi si Aryana!
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
SUSUNOD NA ANG PAGTATAPOS..
ABANGAN!
BINABASA MO ANG
Ganti...(Complete)
HororIsang kwento tungkol sa pagganti. Rape victim ang kapatid ni Alyssa. Matapos di mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kapatid niya, isa- isang namatay ang may kagagawan sa krimen. SIno ang salarin? Si Alyssa nga ba na ang gusto ay ang makaganti sa mg...
