Chapter 3- Hustisya

33.2K 937 157
                                        

.HUSTISYA.

Muntik nang mawalan ng malay si Alyssa sa napapanood na balita ng umagang iyon. Isang babaeng biktima ng rape ang binalandra ang katawan sa gitna ng Edsa. Natuptop niya ang bibig. Walang iba iyon kundi si Aryana. Ang kapatid niya!

Nanghihnang napaupo siya sa upuan at umiyak ng umiyak. ANong gagawin niya?

Nagtungo siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nanginginig ang mga kamay niya habang umiinom. Ayon sa balita ay ni-rape ang kapatid niya at pinaghahampas ng matigas na bagay sa mukha nito. Kinuha niya ang address ng punenaryang pinagdalhan dito.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gustong magwala ni Alyssa pagdating sa purenarya.

"Anong pinagsasabi niyong nawawala ang bangkay ng kapatid ko?!", galit na sigaw niya sa lalakeng nandun sa punerarya.

"Eh, Ma'am..Nawawala nga ho. Nasalisihan yata kami eh..Pasensiya na po..", kakamot- kamot sa ulo ang lalake.

"Mga wala kayong silbi..! Binaboy na nga ang kapatid ko ganyan pa ang sasapitin ng bangkay niya!", umiyak na naman siya ng umiyak.

Bakit nawala ang bangkay ng kapatid niya? Nag-isip siya. Si James ang huling kasama ng kapatid niya. Malamang ito ang salarin sa pagkamatay ng kapitid niya.

Hayop ka, James! Anong ginawa mo sa kapatid ko, sa isip niya.

Agad siyang nagpunta sa pad ni James.

"James! Lumabas ka dyan! Hayop ka!",sigaw ni ALyssa.

Bumukas ang pintuan. Lumabas mula roon si James. Halatang puyat ito.

"Hayo ka, James!!!", pinagsasampal ni Alyssa si James. Di pa siya nakuntento dinuraan niya ito sa mukha.

Sumigaw si James pero di natinag si Alyssa.

"Bakit kaba pumupunta dito at manggugulo ka?!", galit natanong ni James.

"Nagmamaang-maangan ka pa?! Ikaw ang pumatay sa kapatid ko! Hayop ka!"

Hinawakan siya sa balikat ni James. May ibinulong ito sa kanya. Natigilan siya sa ibinulong nito.

Humakbang siya palayo.

"Hindi pa tayo, tapos James! Ipapakulong kita!", sabay tuluyan na siyang umalis.

Ganti...(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon