.APOY.
Maagang nagising kinabukasan si Alyssa. Naligo siya ng araw na iyon. May ngiti sa kanyang mga labi. Parang nararamdaman niya na may isang magandang balita ang malalaman niya ngayong araw na ito.
Nanonood siya ng TV habang nag-aalmusal siya.
Bigla na lang siyang tumawa mag-isa nang mapanood Ang isang balita. Patay na ang si Rainier Ruiz!
Brutal itong pinatay sa isang bar sa Manila. Pinagsasaksak ito sa ulo at iba pang parte ng katawan nito.
"Yan ang dapat sa iyo! ", tila baliw na sabi niya. At malakas na tumawa ulit.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Matagal nang nakatayo ang babaeng iyon sa labas ng bahay ni Dave. Gabi na noon. Pero alam niyang wala sa loob ang pakay niya.
Ilang oras pa ang kanyang hinintay at ayun na ang kanina pa niya hinihintay. Lasing yata ito at pasuray-suray na pumasok sa bahay nito.
Sinundan niya ito.
Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng pintuan. Isang oras siyang nakatayo doon. Maya-maya ay kumilos na siya. Binuhat niya ang hawak na galon. Naglakad papalapit pa sa nakasarang pintuan. Labis ang kasiyahan ng babaeng iyon ng malaman niyang hindi naka-lock ang pintuan.
Nabuksan niya iyon ng walang kahirap- hirap.
Pumasok siya at naglakad patungo sa kwarto ni Dave. Nakita niyang nakahiga ito at natutulog na..Dahan- dahan siyang lumapit dito at isinalwak sa katawan nito ang laman ng galon.
Gulat na napabalikwas ng gising si Dave.
"Sino ka!?", galit na tanong nito sa babaeng naka-belo.
"Papatayin kita..!", sagot nito sa kanya.
Inamoy ni Dave ang likidong nasa katawan niya. Nagulantang siya ng malaman kung ano iyon. Gasolina!
Susugurin sana ni Dave ang misteryosang babae ng biglang maglabas ito ng lighter. Sinindihan iyon ng babae. Nahihintakutang natigilan si Dave. Nakatingin siya sa apoy. Tila sumasayaw iyon...
"A-anong gagawin mo?", nanginginig sa takot na sabi ni Dave.
'Papatayin ka!", biglang itinapon ng babae ang hawak na lighter sa katawan ni Dave.
Nagliyab agad iyon. Nakakabingi ang sigaw ni Dave. Pumupunit sa laman ang apoy. Unti-unting inuubos ang bawat madampian. Hindi malaman ni Dave kung saan siya tutungo.
Ang halakhak lang ng misteryosang babae ang tangi niyang naririnig. SObarng sakit ng kanyang nararamdaman. Hanggang sa tila manhid na ang kanyang buong katawan.
Bumagsak siya sa sahig na balot ng apoy...
Minasdan lang siya ng misteryosang babae. Nagbabaga sa galit ang kanyang mata katulad ng apoy na tumupok kay Dave..
Malapit ko nang matapos ang aking paghihiganti..!, nasa-isip niya.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
NALALAPIT NA ANG REBELASYON!
ABANGAN!
BINABASA MO ANG
Ganti...(Complete)
HorrorIsang kwento tungkol sa pagganti. Rape victim ang kapatid ni Alyssa. Matapos di mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kapatid niya, isa- isang namatay ang may kagagawan sa krimen. SIno ang salarin? Si Alyssa nga ba na ang gusto ay ang makaganti sa mg...