Chapter 7- Ang Pagtatapos

35.8K 1.2K 706
                                        

"KUMUSTA KA NA ATE?"

Walang buhay ang boses ni Aryana. Inakala ni Alyssa na multo lang ito ng kapatid pero hindi. Pinatay nito si James. Wasak at medyo deformed ang mukha ni Aryana. Puro peklat at sugat ang katawan nito. Medyo lagas na ang buhok nito na may mga sugat.

"Aryana, buhay ka!", gulat na bulalas ni Alyssa.

"Tama ka, Ate...Mabuti na lang at hindi nagtagumpay sina James na patayin ako..Akala ko patay na ako noon..Pero bigla akong nagising sa punerarya..Tumakas ako..Upang maghiganti...Buhay ako, Ate... kahit hindi mo ako tinulungan..", umupo si Aryana sa kama kung saan nakatali pa rin si Alyssa.

"Tinulungan? A-anong ibig mong sabihin?", naguguluhang tanong ni Alyssa sa kapatid.

"Wag ka nang mag-maang-maangan, ate! Ikaw yung sakay nung kotse na hiningan ko ng tulong! Alam ko ang kotseng ginagamit mo!", sigaw ni Aryana.

Tama ito..Siya nga iyon. Hindi niya ito pinagbuksan ng humingi ito ng tulong sa kanya.

"Bakit di mo ako tinulungan ate?", sabay tanong ni Aryana.

"Bata pa lang tayo Aryana..Lagi na lang tayong pinagkukumpara. Ikaw ang mas maganda, ikaw ang mas magaling! Pati ang pagkamatay nina Papa at Mama, ikaw ang may kasalanan! Kung hindi ka sana nanigarilyo sa likod bahay noon..hindi masusunog sina Mama!", galit na sigaw ni Alyssa.

"Tama na! Tama na!!! Isusunod kita kina James..oo..Ako ang pumatay sa kanila..At alam mo ba kung ano pa ang natuklasan ko? Ikaw ate ang nag-utos na ipapatay ako kina James! Wag mo nang itanggi iyon! Dahil narinig ko mismo na nag-uusap kayo sa telepono. At yung judge, binayaran mo siya para mapawalang sala ang mga gumahasa sa akin, diba? At may relasyon kayo ni James! Wag mong gawing dahilan ang pagkamatay nina Papa..Ipinapatay mo ako dahil para masolo mo si James..!!!!", nagbabaga sa galit si Aryana.

"Tama ka, Aryana..Lahat ng sinabi mo ay totoo..Sige..Patayin mo na ako. Tapusin na natin ito...", umiiyak na sabi ni Alyssa.

Niyakap ni Aryana ang nakataling kapatid. Hinaplos sa buhok..Tila baliw na kinantahan niya ito. Na parang nagpapatulog ng bata...

"Patawarin mo ako, ate..", sabay unday ng saksak sa leeg ni Alyssa.

Kumisay- kisay si Alyssa. Umagos ang masaganang dugo mula sa leeg niya.

Nanlalabo na ang paningin niya. Nakikita pa niya ang mga mata ni Aryana na nakatingin sa kanya habang unti- unti siyang nawawalan ng buhay..Mga matang puno ng pagmamahal para sa isang kapatid...

Hindi niya akalaing sa ganito hahantong ang lahat. Nasaan na ang masasayang araw nilang dalawa? Ang pangako nila sa namayapang magulang na magmamahalan sila? Ang mga biruan nila, asan na? ANg pag-iyak nila sa problema ng isat-isa? Ahhh..Nawalang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal nila sa di karapat-dapat na lalake...

Nang wala nang buhay si Alyssa. Lumakad si Aryana sa may closet at may kinuhang tali roon. Isinabit niya iyon sa may kisame. Tinali at pinulupot niya sa leeg pagkasampa sa isang bangko..

Dito niya tatapusin ang lahat..

Ang pagganti niya...

Ay tapos na...

"Mahal na mahal kita, Ate...", iyon ang huling katagang namutawi sa kanyang mga labi...

              -----------------------------------------------WAKAS-----------------------------------------------------

comment po kayo kung anong masasabi niyo sa ending..

thanks to the supporters/ readrers of "GANTI.."

yham03

MarieCandis

itsmeming

mahal_ko_c_xii

clairebrown17

LaiStar12

akosiamithepretty1

thanks sa comments guys..


-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ganti...(Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon