Hindi ko first time ang mag-shopping. Madalas ay kasama ako ni Celeste sa mga lakad niya. Pero first time kong ako mismo ang ibibili ng mga damit, sapatos, at bag sa isang mamahaling boutique. Nais kong malunod sa presyo nang i-convert ko ang mga ito sa Philippine pesos. Bakit ba bibili ng ganito ang mga tao? Ngunit kahit anong sabihin ko kay Dominique, ngiti at kindat lang ang isinasagot niya sa akin.Sa dami ng binili niya para sa akin, iisa lang ang pinili ko ro'n. The rest, siya na ang pumili para sa akin, saying this one compliments my hair, this compliments my eyes, this compliments my skin, etcetera...
May alam pa siyang gano'n, talo pa ako...
Isa lang ang napansin ko, pamilyar siya sa lugar na ito. Iba ang ngiti at bati sa kanya ng mga staff dito. Meron pa ngang halos naka-glue na sa kanya dahil ni hindi man lang umaalis sa pagkakakapit sa braso niya. Parang sawa na nakapulupot sa sanga. Hindi ko lang kasi maintindihan ang usapan nila. Palagay ko, kailangan ko nang bumili ng French-English dictionary.
Matapos ang nakakapagod na shopping, dinala niya ako sa isang restaurant saan meron namang mga babaeng lumalapit sa mesa namin upang bumati, humalik, at yumakap sa kanya na para bang sobra siyang na-miss. Ilang babae ba 'yon, lima? Anim? Ewan, paki ko ba!
"Ma femme," madalas pa niyang sabihin habang inaakbayan ako.
(My wife)
Ma Famm? Mama Famm? Aaahh! Kailangan ko na talaga ng dictionary!
"Ooohh... A Filipina? So you were not kidding when you said you are going to the Philippines to marry a Filipina?" sa wakas ay merong nagsalita ng english, isang babaeng mala-modelo sa ganda, perfect mula ulo hanggang paa. Kaso, sa pagtaas ng kilay niya ngayon, halatang hindi niya ako gusto.
Tawa lang ang isinagot ni Dominique sa kanya.
"But I'm not worried, she's not a beauty," sabi pa nitong muli akong pinasadahan ng tingin.
"Now, now, Catherine, please don't make her cry. I love her. She's my wife," wika niyang gumulat sa akin. Ngunit na-realize ko rin agad na it's just for the show.
"Nooo! Mon cher, you're mine!" parang batang nagmamaktol naman na sabi nito.
Napayuko na lang ako. Nakakahiya!
"Listen to this, lady... This man is mine!" dumukwang pa ito upang masabihan ako nang malapitan.
Ayoko na lang sanang pansinin, ngunit sa harap ko mismo ay hinagkan niya si Dominique sa mga labi. Natulala ako, lalo na't nginitian pa niya ako pagkatapos niyon na para bang naisahan niya ako. Kulang na lang magtaas siya ng kamay at sumigaw siya ng goal. Nasundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya ng restaurant.
"Don't mind her, let's just finish the food," pawalang-bahalang sabi ni Dominique.
Bigla akong nawalan ng gana. Pero hindi ko naman pwedeng gawing big deal 'yon. Hindi naman ako tunay na asawa.
"She's really beautiful," parang wala sa loob na nasabi ko habang hinahawi ko ng tinidor ang pagkain sa plato ko kahit na wala naman akong hinahanap do'n.
"Not after a bath, nor after waking up," komento pa niyang tuloy lang sa pagkain.
Saksakin kaya kita ng tinidor?
"Excuse me, restroom lang ako," tumayo na lang ako at iniwanan siya sa mesa.
Not after a bath nor after waking up...
Ibig sabihin, talagang napaka-intimate ng relasyon nila. Hindi 'yon biruan lang na parang initiation sa akin. Ganito ba talaga dito? Parang walang hiya ang mga tao. Not that I care.
BINABASA MO ANG
Stand-in Bride
RomanceWhat if your bestfriend asks you to stand-in for her on her wedding day para lang matakasan ang lalaking gusto ng mga magulang niya para sa kanya? Papayag ka ba for the sake of friendship and utang na loob kahit pa na alam mong malaking kaguluhan la...