If it's that easy to forget

5.4K 135 1
                                    


May naramdaman akong halik na dumampi sa sentido ko...

Si Nanay?

Bigla akong nagising at doon ko naramdaman ang sakit ng ulo ko. Umuungol na nasapo ko ang noo ko.

"Here, an aspirin. It will help," wika ni Dominique na iniabot sa akin ang aspirin bago iabot ang hawak na tubig.

Bumangon ako at umupo sa kama upang mainom ang gamot at tubig na bigay niya.

"Thanks," I said, giving him back the glass.

"How are you feeling? Are you okay now?" ipinatong niya sa bedside table ang baso at naupo siya sa gilid ng kama.

Hindi ako sumagot. Napatitig lang ako sa suot kong puting nightgown. There's something wrong here. Oh no!

"Anong nangyari? Bakit ganito ang suot ko? Yellow na pajamas ang suot ko kagabi!" nayakap ko ang sarili ko. Nais ko nang mag-panic.

"Oh, that. You were so drunk last night. You puked all-over, I had to changed your clothes."

Sumuka ako? Nakakahiya! At ang mas nakakahiya, ay binihisan niya ako. Nakita niya ang katawan ko! Waaahh!

Bigla akong natakot sa kanya, hinila ko ang kumot at ibinalabal 'yon sa katawan ko. Umatras ako at sumiksik sa headboard, yakap-yakap ang sarili.

"Your face is so red," puna niya. Naroroon na naman ang kislap ng katuwaan sa mga mata niya. Pinagtatawanan na naman niya ako! Ang sarap niyang batuhin ng unan.

"Did something happen last night?" kabadong tanong ko.

"Last night?" nakamot niya ang batok, mistula siyang inosenteng bata na walang alam.

Argh! Nang-aasar na naman siya!

Bumaba ako sa kama at tinanggal ang comforter. God knows what I'm looking for.

"I changed the sheets too and I sent it already to the laundry," nangingiting wika niya.

"Sabihin mong walang nangyari sa atin," gusto ko nang magmakaawa sa kanya.

"Why don't you have some soup? I cooked you some. It's still hot," parang hindi niya ako narinig, binuksan niya ang mangkok na natatakpan ng plato sa bedside table upang makita ko.

Napatingin na lang ako sa sopas. Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw niyang sabihin ang totoong nangyari. Meron at wala lang naman ang pagpipilian, mahirap ba 'yon?

"I'll be in the library. If you need something, just use the intercom. Right now, you should rest till you feel better," 'yon lang at iniwan na niya akong nag-iisa sa kwarto.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Nanlulumong napaupo ako sa gilid ng kama. Ano nga ba ang nangyari kagabi? Pilit kong inalala ang lahat. At lalo akong waring matutunaw sa sobrang hiya nang maalala kong nakipaghalikan ako kay Dominique kagabi.

OMG! What did I do? Anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya ngayon?

Hindi rin ako makakain sa kakaisip ng nangyari. After we kissed, sumuka ako and then wala na akong maalala. Did he do something to me? Kaya ba niyang gawin 'yon sa akin? Isa ba siyang taong mapagsamantala?

Tumayo ako at pinakiramdaman ang sarili. Wala naman akong ibang nararamdaman eh, mahapdi lang ang sikmura ko saka mabigat ang ulo ko. Maliban do'n, wala na. Wala sigurong nangyari, gusto lang akong pagtripan ng mokong na 'yon kaya hindi ako sinasagot ng matino.

Kumain ako ng matabang na sopas habang kinukumbinsi ko ang sarili kong walang nangyari sa amin kagabi. Hindi pwedeng may mangyari nang gano'n na lang. Ano 'yon? Iingatan ko ng twenty-two years tapos mawawala lang sa isang gabi ng kalasingan? Paano na si Mr. Right ko?

Stand-in BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon