"Isa lang ang dapat mong gawin ngayon, Celeste, anak. 'Yon ay itama ang lahat," naluluhang wika ni Mrs. Santiago matapos silang magyakapan at mag-iyakan na mag-ina.Wala ang daddy ni Celeste, nasa trabaho. After all, magtatanghalian pa lang naman. Ang ini-expect kong galit ng mommy niya, hindi nangyari. Ni hindi nga niya ako pinansin eh.
"Paano ko naman po itatama ang lahat?" tanong ng sumisinghot-singhot kong kaibigan.
"Pangalan mo ang nakasulat sa marriage contract kaya ikaw ang totoong asawa ni Dominique. Kasal kayo. Kaya dapat gampanan mo ang role mo bilang Mrs. Dupond."
Napatingin si Celeste sa akin. Pinilit kong ngumiti...
"Tama ang mommy mo, best. Pangalan mo ang naroon. Legal wife ka ni Dominique. Dapat lang na gampanan mo ang papel mo as his wife," I tried to sound cheerful.
"Buti na lang pala hindi muna kami nagpakasal ni Harry. Gusto ko kasi, magpakasal kami with the blessings of Mom and Dad," malungkot na napabuntong-hininga siya at napayuko.
Nilapitan ko siya, hinawakan sa kamay, at hinagod sa balikat.
"Magiging masaya ka sa piling ni Dominique, best. I know, hindi ka magsisisi," sabi ko pa.
"Mabait ba siya, bestie?" may bahid ng pag-aalala na tanong niya.
"Mabait siya, makulit nga lang. May pagka-childish. Palagay ko nga magkakasundo kayo kasi marami kayong pagkakapareho sa ugali."
"Sinasabi mo bang childish ako?" nakalabi agad na tanong niya.
"Hahaha! Hindi naman masyado," natawa tuloy ako nang alanganin.
"Sige, sana ay makalimutan ko agad si Harry sa piling niya," puno pa rin ng lungkot ang mga mata niya na muling yumuko.
"Then, that settles it. Mamayang gabi ay ipapatawag ko sina Dominique at daddy niya for dinner. Para mapag-usapan ng mabuti ang lahat," nakangiti namang wika ni Mrs. Santiago.
"Huwag na, Mom. Baka dumating pa si Harry ayokong abutan niya ako dito. Gusto kong lumipat na ro'n sa mga Dupond, ngayon na," matatag na wika ni Celeste sa ina.
Ngayon na? Parang biglaan naman yata.
A part of me wanted to die. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? This is wrong.
"Pero, hindi pa kayo nagkita ng daddy mo," protesta ng ginang.
"Dumalaw na lang kayo ro'n mamaya, Mom. Para makapag-usap ang lahat," yon lang ang sinabi niya sa hindi nakahumang ina, niyaya na niya ako papunta sa mansion nila Dominique.
After an hour, nasa bahay na kami... mali, bahay pala nina Dominique. Inilibot ko siya sa buong kabahayan at ipinakilala sa mga nagtatakang kasam-bahay. Pinasigla ko ang sarili habang ikinukuwento ko sa kanya ang mga ginagawa ko sa araw-araw.
Pinakahuling ipinakita ko sa kanya ang room namin ni Dominique, or, dating room namin ni Dominique. Wala na pala ako dito mamaya.
"Sa bed si Dominique natutulog, dito naman ako sa couch," kwento ko pa.
"So talagang hindi kayo nagtatabi sa pagtulog?" parang di siya makapaniwala.
"Hindi 'no? Mahirap na," umiwas ako ng tingin. Wala na siyang dapat pang malaman.
"Ang ganda, bestie! Super ganda ng room niya! Pati ang buong bahay nila!" hangang-hanga na hinagod niya ng tingin ang paligid.
Napangiti ako. I feel so proud of Dominique and his taste. Kaso, habang pinagmamasdan ko ang lahat sa kwartong 'yon, lalo na ang malaking kama, unti-unting nilukob ng lungkot ang puso ko. Napayuko ako at napakurap-kurap nang magsimulang lumabo ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
Stand-in Bride
RomanceWhat if your bestfriend asks you to stand-in for her on her wedding day para lang matakasan ang lalaking gusto ng mga magulang niya para sa kanya? Papayag ka ba for the sake of friendship and utang na loob kahit pa na alam mong malaking kaguluhan la...