"Kailangan ba talaga nating pumunta? Hindi ba pwedeng sa Boracay na lang tayo? Tapos sabihin lang nating galing tayong Paris?" tanong ko habang nakasunod sa kanya at hila-hila ang pink na trolley bag ni Celeste."Hindi pwede. My aunt is already expecting us. She said she's going to cook her special dish for you. You might not believe it, but she's so happy I finally got married," nilingon lang niya ako saglit.
Tumahimik na ako. I guess wala na talaga akong choice kundi harapin ang takot ko. Yeah, may passport ako, pero ang totoo, takot akong sumakay sa eroplano. Gusto ko mang sabihin kay Dominique, pero hindi bale na lang. Alam kong pagtatawanan na naman niya ako.
Nang makaakyat na kami, pilit kong iniisip na nasa isang fast craft lang ako. O 'di kaya nasa isang bus. Ang problema lang, dito pa ako nakaupo sa tabi ng bintana. Paano ko sasabihing nasa bus lang ako kung paglingon ko, puro ulap ang makikita ko?
Nilingon ko si Dominique sa tabi ko. Sasabihin ko sanang palit na lang kami ng upuan, ngunit nakasandal na siya at nakapikit. Mukhang tulog na yata. At saka kung makikipagpalit ako ng upuan sa kanya, magtataka siya kung bakit. Tapos kapag nalaman niyang natatakot ako, siguradong pagtatawanan niya ako at habang-buhay na aasarin. My life will surely be over.
Bago pa man sabihin sa PA speaker na mag-seatbelt ang lahat, nakakabit na ang sa akin. Sumandal ako at napakapit sa armrests nang magsimula na kaming umusad sa runway. Napapikit na ako nang maramdaman kong pabilis na nang pabilis ang takbo ng eroplano. Di ko napigilang mapasinghap nang maramdaman kong umaakyat na kami sa himpapawid.
God, help me! Mamamatay na ba ako? 'Wag naman po. Hindi ko pa napapagtapos ang mga kapatid ko sa pag-aaral nila. Hindi ko pa nabibigyan ng maginhawang buhay ang nanay ko. At higit sa lahat, hindi ko pa nakikita ang Mr. Right ko na siyang magiging ama ng mga magiging anak ko...
"Bianca? Bianca, are you alright?" narinig kong tanong ni Dominique.
Hindi ako sumagot. Ni hindi ako dumilat. Nanatili akong nakapikit at nakakapit ng mahigpit sa armrest. Hinawakan niya ang kamay ko, ganunpaman, hindi pa rin ako bumitaw sa armrest. Todo-kapit pa rin ako ro'n. Pakiramdam ko kasi, mahuhulog ako kapag bumitaw ako.
"Stop whining! You sound like a dog!" sabi pa niya na tinanggal ang kamay ko sa pagkakakapit sa armrest at hinawakan niya ng mahigpit.
Kung inaasar man niya ako upang makalimutan ko ang nararamdamang takot, it's not working.
"Come on, we're up here now. Enough crying," wika niya ulit. Pinunasan niya ng panyo ang pisngi ko.
Hindi ko pa rin siya pinansin. Ni ayaw ko pa ring dumilat. Takot na takot talaga ako.
"Hey, open your eyes," he prodded.
Umiling lang ako.
"But the plane's on the right level now. We're not going up anymore. It just feels like a bus ride."
Iling pa rin ako.
"Looking at you with your eyes closed like this, makes me wanna kiss you," bulong niya sa tenga ko.
Doon na ako napadilat. Nagulat ako nang makitang halos nakadikit na ang mukha niya sa mukha ko. Kung karton lang ang sinasandalan ko, tiyak nabutas na kakasiksik ko.
"Ano ba!" nahampas ko tuloy siya sa balikat.
Tumawa lang siya.
Napayuko ako at sinubsob ko ang mukha ko sa sariling mga palad. Saka ko lang na-realize na umiiyak nga ako.
Panaginip lang 'to... panaginip lang. Mamaya, magigising na ako. Tapos na ang lahat ng ito.
"So, it's your first time to fly?" tanong niya ulit.
BINABASA MO ANG
Stand-in Bride
RomanceWhat if your bestfriend asks you to stand-in for her on her wedding day para lang matakasan ang lalaking gusto ng mga magulang niya para sa kanya? Papayag ka ba for the sake of friendship and utang na loob kahit pa na alam mong malaking kaguluhan la...