Aagawin kita sa kanya...Ano kaya ang sasabihin ni Rico sakaling malaman niya ang totoo? Baka hindi rin niya maintindihan. Ako nga eh, hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nandito pa rin ako sa piling ni Dominique.
Napabuntong-hininga na lang ako. Celeste, nasaan ka na ba? Tanong ng isip ko habang pinagmamasdan ko ang mga isdang koi sa mahabang fish pond na nasa gilid lang ng building.
Kanina pa ako iniwan ni Rico. Wala naman na kasi kaming mapag-usapan. Bigla akong na-awkward nang sabihin niyang aagawin niya ako sa asawa ko kung hindi ako masaya. Kahit pa nga sinabi niya bandang huli na nagbibiro lang siya, hindi na 'yon nawala sa isip ko.
"Thinking about me?" biglang nagsalita si Dominique sa likuran ko.
Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin. He looks so charming sa trademark na ngiti niya. May hawak siyang executive's bag sa kaliwang kamay, at pulang rose naman sa kanan.
"For you," aniyang ibinigay sa akin ang hawak na bulaklak.
"Ang ganda," tila wala sa sariling tinanggap ko 'yon nang may ngiti sa labi.
"Like you," he reached out to caress my face with the back of his fingers, kaso, mabilis akong nakaatras.
"Bolero ka talaga! Tara na nga!" inirapan ko siya bago tinalikuran. Nauna na ako papuntang parking lot.
I wish you'd stop doing that, Dominique... I really wish.
Days passed by. Kung hindi man ako pinapupunta ni Dominique sa office niya upang utusan at bola-bolahin, isinasama niya ako sa isang subdivision sa Cavite na pag-aari nila, upang bisitahin ang mga bahay na under construction at tingnan kung may mga problema.
Masaya rin naman kahit paano. Nakakalibang. Ang kaso nga lang, tuwing may pagkakataon, bigla na lang niya akong niyayakap nang walang dahilan.
"Ano ba ang meron sa yakap at ang hilig-hilig mong manyakap?" asar na kinalas ko ang mga bisig niyang nakapulupot sa akin. Hindi ko na siya itinutulak ngayon, nasanay na nga yata ako.
"It's very comforting!" natatawang sagot ng mokong.
Nasa clubhouse kami ng subdivision, nagpapalamig sa lilim habang pinagmamasdan ang mga kabataang lumalangoy sa malaking swimming pool. Napakainit pa rin ng sikat ng araw kahit pa nga pasado alas dos na.
"Sir! Good afternoon!"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses...
Si Rico! Nakita kaya niya nang yakapin ako ni Dominique?
Lumapit siya sa amin at ipinakilala ang mga kasama niyang kliyente, mukhang mag-asawa.
Normal pa rin naman ang kilos ni Rico, masayahin pa rin at mayabang. Mukhang wala namang indikasyon na may pagdududa siya sa amin ni Dominique. Kadarating lang siguro nila at baka nga hindi niya nakita ang ginawa nitong kasama kong babaero.
Mabuti naman kung gano'n.
This time, I've manage to remove my ring. Ayoko lang kasi ng dagdag na complications. Kaso, baka mapansin na naman ni Rico na hindi ko 'yon suot...
I guess I'll just have to avoid being alone with him. It would be very alarming kapag mapansin pa niyang magkapareha ang suot naming wedding ring ni Dominique. Hindi pa naman common ang ganitong design ng wedding ring.
Paglingon ko, malayo na silang tatlo. Naglakad-lakad pala sila habang nag-uusap at ako naman ay abala sa kakaisip habang nakatitig sa mga naglalarong mga bata sa pool. Naiwan tuloy ako.
BINABASA MO ANG
Stand-in Bride
RomanceWhat if your bestfriend asks you to stand-in for her on her wedding day para lang matakasan ang lalaking gusto ng mga magulang niya para sa kanya? Papayag ka ba for the sake of friendship and utang na loob kahit pa na alam mong malaking kaguluhan la...