Part 7

9.9K 321 15
                                    

Tumakbo ako ng tumakbo, hindi ko alam kung saan papunta, basta gusto kong lumayo. Nasasaktan ako dahil niloko niya ako. I trusted her at that moment dahil narealize kong noon pa man, gusto ko na siya, una pa lang I admired her already, and now i love her!!!

Bigla ko nalang naramdaman ang malakas na hampas sa katawan ko. Dama ko din ang malakas na pagbagsak ko sa semento at unti-unting pag dilim ng paningin ko.

Nagising ako sa isang kwarto, may mga flowers sa kanan ko na nakapatong sa table. Kinig ko din ang beep ng monitor na nagpapakita ng heart rate ko.

Biglang pasok ng dalawang tao, at ng maging malinaw saken kung sino ang mga ito, walang iba kundi ang parents ko.

"Anak! Gising ka na!" Patakbo na yumapos ang mommy ko na umiiyak.

Si dad naman nasa tabi lang na mukhang thankful na nagising na ako.

"I'm sorry for what we did to you, hindi ka namin talaga dapat pinilit pakasal sa taong hindi mo gusto. Now, you're free to choose whoever you want to be with, wag ka na lang ulit maglalayas." Sabi ni daddy.

Namumungay ang mata kong tumingin sa kanila.

"What happened dad?" Takang tanong ko. Wala akong maalala.

"According to your classmates, you ran, out of school, that's when you got hit by a car, and .... na-coma ka for 5 months anak."

"5 months?" Medyo shock ako, pero di din nman ako makapag react masyado kse nanghihina pa dn ako.

"Yes, we thought di ka na magigising."

"Mom?"

"Yes anak?"

"Uuwi na ba ako?"

Biglang naluha sila mommy at daddy sa nakinig nila. Gusto ko na din kseng umuwi. Gusto ko na silang makasama ulit.

"Yes anak, you are going home." At niyakap ako ng mahigpit ni mommy, si daddy nakatingin lang habang nagpapahid ng luha. Yumakap din ako ng napaka higpit sa kanila.

Sobrang saya ko na tinanggap na ulit nila ako. Nagkukwentuhan kami nila mom at dad about sa mga nangyari sa akin ng tawagin sila ng doctor. Naiwan ako mag isa sa loob at tumanaw sa bintana sa tabi ko.

I feel so happy and yet, i feel empty deep inside me as well. Bigla akong naiyak for no reason at humawak lang ako sa tapat ng puso ko.

===========================

"We're home anak." Sabi ni daddy.

Its good to be back.

"Pinaayos na namin ng mommy mo ang room mo sa taas. Mag bihis ka na para makapag lunch na tayo ng sabay-sabay ulit."

"Yes dad." Ngumiti ako at umakyat na ng kwarto.

Nagbihis na ako at bumaba na din.

"Mommy, wala ba ung mga gamit ko galing sa apartment?"

"Naku anak, hindi na namin kinuha ng daddy mo, ung mga important files nalang. Mga luma na din naman yung mga gamit mo dun. See your dresser, we bought you new clothes."

"Oh. Okay mom."

"Next week Dani may party tayong pupuntahan, so be sure na nakapagpasukat ka na ng gown."

"What kind of party mom?"

"Birthday party ng anak ng tito Edie mo."

"Oh i see. Ok po." I've never met them, pero i hear a lot about kay tito Edie, he's my dad's friend since high school daw, naglipat lang sila ng Laguna noon kaya hindi ko na sila nakilala since nasa Quezon city kami nakatira.

"And anak, may bisita ka pala, nasa sala siya." Ngumiti naman si mommy. "He just wants to visit, nothing more." Dugtong pa nito.

Pumunta ako para tingnan kung sino yun.

"Julius?"

"Glad thing you still remember me. Ulo mo daw kasi ang napuruhan sa accident."

"Yeah. Masakit pa nga din siya ngayon. What brings you here?"

"Gusto lang sana kitang kamustahin."

"Okay lang naman ako. May kailangan ka pa?"

"Why do i feel like na tinataboy mo ako?" May lungkot sa mukha nito.

Nakaramdam naman ako ng guilt.

"Sorry. I just-just dont know kung ano ang dapat kong maramdaman."

Hinawakan nito ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

"You have to feel how happy we were bgo ka naaksidente."

"With you? I dont think so."

"Oo, sa akin. Kung paano mo ininis ung grupo ni Bree being with me. Give it a chance, give me a chance. Please."

Nakaramdam ng kirot ang puso ko, hindi ko alam kung bakit. "Please din, wag mo ng ipilit to."

Wala tlaga akong nakikita ni katiting na pag asa para sa aming dalawa, hindi ko alam kung bakit kahit gwapo naman siya, mayaman at mukhang mabait. Sadyang wala na talaga.

Yumuko ito ng dahan-dahan. "Okay. Ayoko ng pilitin ka, and ayoko ding mapagod ka pa kaya uuwi na din ako."

"Sorry Julius. Pero thank you sa pag dalaw." Hinalikan ko siya sa pisngi at ngumiti.

Ngumiti din naman ito kahit mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya.

"No, thank you for being honest with me."

Umalis na ito at naawa naman ako para sa kanya, hindi ko lang kayang pilitin ang sarili ko na gustuhin siya dahil dama kong occupied na ang puso ko.

===========================

Sorry natagalan Update ko, busy lang. Dalawa din kasi ginagawa kong stories. Try niyo ding basahin yung isa kong story. gxg din. "A beautiful mistake"

Thank you for reading! :)

My Echuserang PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon