Part 15 - How can I move on?

7.5K 239 3
                                    

Ilang araw, ilang linggo, ilang buwan ang lumipas, mag i-isang taon na siyang wala, hindi din ito nagparamdam. Hindi naging madali para sa akin ang mag move-on, ilang balde din ang iniluha ko, ilang case ng beer ang ininom ko, sobra akong nasaktan.

Ang hirap harapin ang bagong umaga ng wala na siya sken, madrama pero totoo, ang hirap maiwan ng taong mahal mo, nang taong naging dahilan ng kaligayahan mo.

Akala ko din nung mga oras na yun magpapaka-sira na ako kasi laman na ako ng bar at puro party nalang ang ginawa ko, pero naisip ko din naman, iniwan man niya ako, i will still be a better person. Hindi ako tanga no para magpakalugmok ng sarili ko kung yung taong binigyan mo naman ng importansya ay minaliit ka lang din. Nang ma-realize ko ang mga yun ay pinilit kong ayusin ang buhay ko at kalimutan na siya ng tuluyan.

Totoong sobrang hirap na naipapakita mo sa ibang okay ka na pero alam mo sa sarili mong hindi pa. Pero lumaon din at hindi na din siya madalas na sumasagi sa isip ko, naging maayos ang takbo ng buhay ko. Kung nasaan man siya, sana maging masaya na din siya.

"Huy!"

Napatalon ako ng marinig kong may nagsalita, nawala tuloy ako sa pag iisip.

"Ano nanaman?" Tanong ko kay Arnold, classmate ko.

"Lalim kse ng iniisip mo. Share naman jn."

"Heh! Tsismoso ka tlaga! Kalalaki mong tao e."

Lumipat na nga pala ako ng school pagkatapos ng mga nangyari, lumipat ako sa isang simpleng private school malapit sa bahay namin, para mas masaya! :D

"Gaga! E bakla naman yang si Arnold! Hahaha!" Pangaasar ni Mindy.

"Sinong bakla ha?! Baka gusto mong halikan kita jn e!" Sabay nguso ni Arnold na nagbabadya ng hahalikan si Mindy.

"Ewwww! Wag ka nga! Straight ako!" Habang tinutulak si Arnold.

Bigla tuloy akong may naalala, mapait at masakit. Matapos lahat ng pinagdaanan namin, wala pa din talagang forever! :(((

Alam nilang lesbian ako, pero sa iisang babae lang. May mga lumapit at nanligaw din sken na mga babae at tomboy, pero wala talaga. Hindi ko na siguro kayang magmahal pa ulit ng babae, sa kanya lang naman ako nagka-chuba-chu-chu, sa taong itinakwil ako.

"Dani." Tawag ng isang lalaki mula sa pinto ng classroom nmin.

Si Mico pala. Siya lang naman ang masugid kong manliligaw. Mabait at gwapo, hindi naman sobrang yaman, medyo medyo lang. Pero mabuting anak at kapatid sa dalawa niyang younger sisters, kaya nga gusto ko siya, pero hindi yung mahal. Kahit mas dapat na sa kanya ako magkagusto, hindi ko naman magawang mahalin ito.

"Hi, kamusta ang tulog?" Tanong ko dito.

"Ayos naman, mahimbing, ikaw ang nasa isip ko bago ako nakatulog eh." Ngumiti ito na siyang nagpakilig naman sken. Lakas kaya ng charisma ni  Mico.

"Oh my gasul! Hi Mico!" Malanding kaway naman ni Mindy.

Ngumiti naman dito si Mico pero bumalik din agad ang tingin sken.

"Dani, gusto mong mag breakfast muna tayo? Treat ko kayong tatlo."

Siniko naman ako ni Arnold na pinanlaki ko ng mata. Sumenyas ito na pumayag na daw ako sabay himas sa tiyan na ibig sabihin ay gutom.

PG talaga to, saloobin ko. Haha.

"Ah sige." Ngumiti din ako kay Mico.

Pumunta kaming canteen at umorder sila ng rice meals, ako naman ay salad lng. Ayoko kasi ng masyadong mabigat sa umaga. Baliktad no? Buti nlang di ako tabain.

Masaya naman kaming nagsalu-salo sa pagkain, syempre puro tsismis lng naman ang pinaguusapan, may time na nakakatawa yung tsismis kaya wagas mag tawanan. Si Mico naman, pasimpleng sweet, sinusubuan ako tpos  inaabot agad kung anong kailangan ko tulad ng tubig at tissue. Sayang lang talaga.

Nakauwi na din after a long day....

"Dani, mag hapunan ka na, tapos na ang mommy at daddy mo." Sabi sken ni  ate Mely, katulong namin.

"Busog pa ako ate e. Pagod na din po, akyat na akong kwarto. Goodnight ate."

Dirediretso naman ako papuntang kwarto ko.

Nagligo muna ako bago humiga at bgo ntulog.

"Hi baby." Nakangiting Bree ang sumalubong sakin.

Hindi ko napigilang umiyak at tumakbo papalapit sa kanya para yakapin ng napakahigpit.

Ramdam ko din ang mahigpit na pagyakap niya sken.

"I miss you Dani. I'm sorry for everything."

Dun ako kumalas sa pagyakap at tumingin sa kanya, umiiyak na din ito.

"Do you mean it?" Tanong ko.

"I do."

"Then come back." Pakiusap ko dito.

"I will baby." Yun lang at naglaho na siya.

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Shit! Basa ng luha ang mukha ko. Bigla ulit akong nakaramdam ng kirot dahilan para maiyak ulit. Nalala ko si Bree. Hindi pa din talaga ako nkaka-move on, ang fresh pa sken. Hindi ko na kaya, i wanna see her!

===========================
Dear mga mahal kong readers,

Sorry natagalan ha! Nahirapan akong dugtungan eh, pagpasensyahan niyo na, nawalan ako ng inspiration, pero okay na ulit. Sumubaybay lang kayo, bibilisan ko na UD ko para sa inyo. :)) mwah! :*

My Echuserang PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon