Part 13 - Unfold

7.9K 218 5
                                    

"Kapagod ang araw na to baby."

"Oo nga eh. Ang sarap matulog."

Pahiga na ako ng hatakin niya ulit ako paupo.

"Wait! Sabi mo...." Mukha tong nagdadalawang isip na sabihin yung gustong sabihin.

"What?"

"Na ano, tayo..."

"Ano nga baby?" Nagegets ko nanaman yung gusto niyang sabihin, inaasar ko lang siya kasi ang cute niya pag ganito siya.

"S-sabi mo ka-kasi .... I'm yours na after." Ngumiti naman ito ng napaka-sweet.

"Hahaha! Ikaw talaga baby. Come here!"

Lumapit naman siya at yumapos, pati ung legs niya nakayapos na din sa bewang ko habang nakaupo kami sa kama niya.

"Are you not tired at all?"

"Pagod din, pero sabi mo kasi eh... Syempre gusto ko din." Nag pout naman ito kaya hinalikan ko siya sa lips.

Ang lambot talaga ng mga labing iyon. Sobrang sarap halikan. Can you imagine yourself kissing and making love to the most beautiful person in the world? Ganun yung feeling.

Hindi na namin namalayan na bumukas yung pinto ng kwarto.

"Bree!!!" Sigaw ng lalaki sa labas ng pinto.

Napatayo kami bigla at nag ayos ng sarili. Galit na galit si tito, hindi niya kami magawang tingnan ng diretso.

"D-daddy. Let me explain."

"You better explain all this Bree!"
Lumapit siya sa amin at hinigit si Bree palabas ng kwarto. Nagaalalang sumunod ako sa kanila.

Nakarating kami ng office ng daddy ni Bree, nasa likod na din namin ang mommy niya, sumunod ito ng makitang galit si tito at higit-higit si Bree.

"Now explain!"

Wala pa ding idea si tita at nag tatanong ang mga mata nito. Hindi ko naman magawang sumagot dahil kasalanan ko.

"Speak!!!"

"What is wrong anak?" Tanong ni tita Miriam.

"Mom, d-dad... Dani and I, a-are..." Napatungo naman ito at parang humuhugot pa ng lakas. Naiiyak na ako sa nakikita ko, nahihirapan si Bree.

"I love her!" Sigaw namang bigla ni Bree.

"Can you hear yourself?! And what do you know about love? Paano kung gusto mo lang siya as sister?!" Galit pa din si tito sa mga nangyayari.

"I know what i feel! Mahal ko siya!" Umiiyak na ang mahal ko at sobrang nasasaktan ako.

Umiiling naman ang daddy niya at ang mommy niya ay umiiyak na din dahil sa mga nangyayari.

"You're a disgrace to our family!" Sigaw ni tito Eddie.

"Tito, we love each other." Hindi ko na natiis sumingit. Tumingin naman si tito sa akin na nanlilisik ang mga mata.

"Go home hija. Walang lugar ang relasyon niyong ito. Hindi ko matatanggap na ang nagiisa naming anak ay mapupunta din sa isang babaeng tulad mo. Umuwi ka na bago pa ako may magawa sa inyo."

"No daddy! Kung saan siya, doon din ako!" Hawak na ako ni Bree sa kamay ng hawakan din siya ng daddy niya sa braso. Alam kong nasaktan ito dahil napasigaw ito ng hawakan siya ni tito.

"You are staying here!" Utos ng daddy niya.

Hinawakan ko naman ang kamay ni Bree at hinaplos. Tumingin ako sa kanya ng may pagsuyo.

"Everything will be okay. Let it cool down first."

Ayaw pa din niya sanang bumitaw pero ako ang nagtanggal ng kamay niya sa pagkaka-kapit sa akin, lumabas na ako ng room. Ang sakit ng nararamdaman ko, hindi para sa akin kundi para kay Bree. Ito na yung kinakatakutan ko, i can't make her choose between me and her parents. Alam ko kung gaano niya kamahal ang mga ito, pero mahal na mahal ko din siya, at hindi ko kakayanin pag nawala siya sa akin, pero mas hindi ko kakayanin pag nasaktan siya dahil sa pagmamahal na ito.

===========================

Kung papipiliin ka, mahal mo o family mo na mahal ka din?

Diba ang hirap?! Bwisit! Hahaha :))

My Echuserang PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon