Part 18

7.5K 236 6
                                    

Sa canteen......

"What do you like to eat?" Tanong ni Arnold dito.

"Anything edible would be fine." Ngumiti naman ito. Parang may naguunahang kabayo sa dibdib ko. She's the same woman i met, making me feel like she's the best compare to the rest.

"Kayo Mindy, Dani?"

"Kahit ano lang sakin." Sagot ko.

"Ako gusto ko lahat!" Parang nagmamaktol na order ni Mindy. If I know, nagseselos lang ito sa special treatment na binibigay ni Arnold kay Bree.

"Ang takaw mo talaga! Baboy ka ba?"

"Ewan sayo!"

Natatawa naman ako sa kanila, nawala saglit sa isip ko na nasa isang table lang naman kami kasama ang babaeng iniyakan ko ng sobra ng iwanan ako.

Bigla akong napatingin kay Bree, unconciously. Nagulat ako ng makita kong nakatingin din pala siya sa akin. Nagkatinginan kami, di din nag tagal yun coz' she looked away. Hindi ko magawang mag salita, hindi ko magawang mangamusta. I'm scared.

Madaming biniling pagkain si Arnold na hindi naman namin in-order. Halatang nagpapalakas kay Bree. Kumain lang ako at pinilit na wag pansinin ang babae sa tapat ko, magkatabi sila ni Arnold e, si Mindy naman katabi ko, so magkatapatan kami.

Nakikita ko din siyang ngumiti pag naguusap sila ni Arnold. Hinihintay ko ata siyang tumingin ulit sken kaya tingin din ako ng tingin. Too bad bigo ako. Her eyes are all set to Arnold. Parang nakakaramdam na ako ng selos sa lalaking to ah, kahit alam kong lambutin naman ito. Ngayon lang to nagkaganito sa babae. Si Mindy naman, parang kanina pa din nagtitimpi sa tabi ko.

"Huy! Mindy! Baka naman mabasag yung pinggan, ikaw na magbabayad niyan sa canteen." Saway ni Arnold kay Mindy, ang lakas kse sumadok.

Umismid lang ito ng tumingin kay Arnold at itinuloy ang pagkain.

Pabalik na kami sa room ng mag excuse ako sa kanila para pumunta ng c.r.

Habang nsa cubicle, iniisip ko pa rin si Bree, she just makes me nervous and intimidated. Bakit ba kasi siya bumalik dito at sa school ko pa siya pumasok.

Pag labas ko nagulat ako kung sino ang nakasandal sa lababo tapat ng cubicle. Si Bree.

Nakatungo ito pag labas ko, ng maramdaman niya ang paglabas ko, agad din siyang tumingin.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o straight face lng.

I just smiled slightly. Parang smirk na din.

Pumunta ako sa tabi niya at nag hugas ng kamay.

"How are you?" Si Bree.

I stopped. Kinabahan nanaman ako. She's asking you stupid!

"I'm doing well. Ikaw?"

"I don't know."

Nag ayos naman ako ng mukha ko at buhok.

"Bakit dito ka nag aral?"

Hindi agad ito sumagot.

"Gusto ko lang ng tahimik." Sagot nito.

"O baka may iba ka pang balak."

"You mean for you? No, don't worry."

"I see. Aalis na ako, nagpapahintay ka ba?"

"No, go ahead."

Lumabas na ako ng c.r.

I just pretended to be cool when she said its not because of me. Dahil honestly, i hoped it was for me. I felt hurt knowing that she didnt came back for me, that maybe she wants to fix everything between us. But i guess I assumed too much.

Pagbalik ko sa room hindi manlang nag uusap si Arnold at Mindy, mukhang magkaaway.

"Anong problema niyo?"

Tumingin naman si Mindy sa akin. "Yan kasing baklang yan!"

"Anong ako? Tsaka tumahimik ka nga! Di ako bakla! Baka may makarinig sayo maniwala pa sila sa kabaliwan mo!"

"Kita mo na Dani!" Sabay turo kay Arnold na para siyang inapi.

"Eh kanina pa kasi ako tinatawag na bakla, buti wala pa dito si Bree."

"Bakla! Bakla! Bakla!" Pang aasar pa nito na kinainis pa lalo ni Arnold.

Dumating naman bigla si Bree at natigilan ang dalawa.

Napansin kong nahiya si Arnold ng marinig ni Bree ng tawagin siyang bakla.

Mukha namang dedma kay Bree, pero syempre affected ang Arnold.

Hayyyy. Paano naman ako? Mahal pa kaya niya ako? Bakit pa ba ako umaasa? Nag move-on ka na diba! Tigilan mo na nga yan!

Di ako nakapag focus sa buong klase, puro siya ang laman bg utak ko, paminsan-minsan ay tinitingnan ko siya, nakikinig lang naman ito sa teacher.

Nung uwian namin, nagpaalam na din ako sa kanila na mauuna na ako kahit inaakit pa nila ako sa bar. Sbe ko bukas nalang, wala namang pasok bukas.

Nakapasok na ako sa kotse ng magbukas ang pinto sa front seat.

"What are you doing?"

"Can I have a ride home?" Sagot ni Bree.

"Wala ka bang dalang sarili mong kotse?"

"You used to take me home diba Dani?"

Nabigla ako, bakit kailangan pa niyang i-bring up yun?

"That was a long time ago."

"Oh c'mon, wala pang one year yun." Tumingin siya sa akin at ngumiti pa.

"Kay Arnold ka nalang magpahatid."

"Pupunta sila ng bar, gusto mo bang sumama ako sa kanila."

Talagang! Syempre kung girlfriend ko pa siya di ako papayag. Pero ngayon, ayoko pero may karapatan ba ako?

"It depends on you kung gusto mo."

Tumingin siya sakin at ngumiti ulit.

"No, i want to go home, so can you please take me home?" Lambing nito.

Hindi ko alam kung ano talaga ang balak niya eh.

"Fine."

Nag drive na ako.

===========================

Have a nice day readers! Tinype ko to sa mga panahong may bagyo. :)

Be safe always.

My Echuserang PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon