Part 16

6.8K 206 2
                                    

"Good morning mahal ko!" Bati saken ni Mico pagpasok ko palang ng room.

"Mahal ka diyan, tigilan mo nga ako." Masungit kong sabi dito.

"Aw.... Bad mood ka? May problema ba?"

"Sorry ha. Medyo di maganda tulog ko."

Nakita ko namang lumungkot ang mukha nito habang tumatango at umupo nalang siya sa upuan niya.

Wala akong time sa mga asaran ngayon, wala ako sa mood.

Lumilipad ang utak ko habang nagtuturo ang teacher, wala na ngang pumapasok sa isip ko.

"Okay, that's all for today class. See you tomorrow." Sabi ng teacher.

Patayo na ako ng magsalita ulit ang teacher.

"Siya nga pala class, bukas may bago kayong classmate galing London. Be nice to her."

Nag hiyawan naman ang nga kalalakihan.

"Babae maam?" Sigaw ni Gio. Classmate ko.

"Oo. Be good kayo."

"Yes maam!" Sabi pa nito sabay bulong sa mga katropa.

Sino kaya yun? Saloobin ko. Galing London? Binura ko na sa isip ko, at umalis na din para mag lunch break.

Kasama ko naman as usual si Mindy at Arnold.

Hindi naman ako gutom, tambay lang habang hinihintay ang next class.

"Sino kaya yung bago nating classmate? Maganda kaya?" Si Arnold.

"Wow ha! Interested ka? Natotomboy ka na?" Sabat naman ni Mindy.

Nag smirk naman si Arnold at tinarayan si Mindy.

Natatawa naman ako sa mga ito. Wala na tlaga silang ginawa kundi mag away. Bagay nga sila kung tatanungin ako. Di lang talaga type ni Mindy si Arnold, medyo malambot kasi.

"Ano Dani?"

"Anong ano?" Tanong ko kay Arnold.

"Tulala ka kasi jn, hindi ka ba interesado sa bago nating classmate."

"Di naman." Sagot ko dito.

Sa totoo lang, sobrang interesado ako, kung sino. Maybe I am hoping for someone, kahit imposible.

"Ganun? Ok."

After class, naguwi na din ako. Sila Mindy at Arnold, lumabas pa ata. Kung di ko lang talaga sila friend, mapagkakamalan kong mag jowa yung dalawang yun.

I'm not in the mood kaya gusto ko nalang umuwi at magpahinga sa bahay. Nasawa na siguro ako ng maraming buwan akong lagi sa labas at nagpa-party dahil gusto lang makalimot.

===========================

Enjoy :)) and follow. Love you all!

My Echuserang PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon