Part 14

7.4K 238 11
                                    

I thought it would be easy. Yung mapalipas ko lang yung galit nila eh magiging maayos na ulit ang lahat. Hindi pala. It's already been a week at hindi ko pa din nakikita si Bree, i tried calling her pero cannot be reached, pumunta na din ako sa kanila pero they won't let me in. Mababaliw na ako, i feel like my world is falling apart.

Until one night.

I got a message from her.....

Bree:

I know its hard, and I don't want you to expect something that will never happen. Kalimutan mo na ako Dani. I'm leaving at ayokong umasa ka pa sa wala. Thank you.

No!!!!

I tried calling her. Nag ring nung una pero binabaan ako, sa second call, cannot be reached nanaman.

What the hell!

"You can't do this to me Bree!"

Nagmamadali akong pumunta sa kanila. Nang makarating ako, halos yugyugin ko na ang gate nila, pilit naman akong pinapaalis ng guard. Dahil hindi niya ako masaway, tumigil nalang ito. Pero hindi ako tumigil, hindi din ako umalis. Tulala lng ako sa labas ng bahay nila, bumabagsak na ang mga mata ko, nakikita ko na ang sikat ng araw pero wala pa ding Bree na lumalabas. Ang sakit sakit na.

Nakita kong sa wakas bumukas na ang gate, pero isang sasakyan ang lumabas mula dito. Wala ako sa sarili ng humarang ako sa kotse. Muntik na akong mabangga pero wala akong pakielam.

Naaninag ko si Bree sa loob.

"Bree!!! Kausapin mo ako!" Walang tigil ako sa pag iyak. Kahit todo na ang busina ng sasakyan ay hindi pa din ako umalis.

"Bree, please....." Pumunta naman ako sa tabi ng front seat para makita ng malapitan si Bree.

"Please talk to me!" Nanlulumo akong napaupo sa gilid ng sasakyan.

Umandar na bigla ang kotse at hindi na ako nakahabol. Hindi ko na din nagawang lumingon. Para akong pinatay.

May biglang nagsalita sa likod ko.

"Dani..."

Humarap ako dito. Malungkot ang mukha nito. Niyapos ko siya ng napaka higpit.

"Baby, why are you leaving me?"

"Hindi tayo pwede Dani. Tama sila mommy at daddy, we both deserve more."

"Bakit ang bilis mo namang nagbago? Hindi mo naman ako nasabihan eh. Hindi ako prepared. Ang sakit sakit naman Bree." Sobra pa din ang pag iyak ko, halos gusto ko ng maglupasay at mag iiyak.

"Alam kong mahal mo pa din ako, alam ko yun. Nararamdaman ko!" Yayakapin ko sana ulit siya pero tinulak na niya ako, halos mawala ako sa balanse sa lakas.

"Mahal kita Dani, pero as friends nalang."

"That's not true! Dahil kung totoo yan, hindi mo ako kakausapin at aalis ka nalang."

"Bumaba ako ng kotse at hinarap ka dahil naaawa ako sayo at alam kong hindi ka titigil sa pangungulit kung di kita kakausapin!"

Natulala ako sa sinabi niya.

"Awa? Yun nalang?"

Natigilan din siya pero pinanindigan niya ang sinabi niya na lalong ikinasakit ng puso ko.

"Oo! Naaawa ako, I pity you! Nakaka-turn-off!"

Lalong dumilim ang mundo ko, parang sasabog na ako sa sakit. Hindi ko na nagawang habulin pa siya ng tumalikod na ito.

Totoo ba lahat ng sinabi niya? Nakakaawa ako at nakaka turn-off? Nanglambot ang mga tuhod ko pero pinilit kong makasakay ulit sa kotse ko. Nang makaupo ako sa driver's seat, dun ko na naibuhos lahat ng sakit. Umiyak na ako ng umiyak. Hindi ko alam kung gaano pa ako katagal dun, basta ang alam ko, wala ng tigil ang pagtakbo ng oras, gusto kong wakasan ang buhay ko ng mga oras na yun. Nangyayari na naman ulit lahat ng ito. Yung mga oras na tinalikura niya ako at halos ikamatay ko ang sakit.

Pero natauhan ako.

Siguro nga naging nakakaawa na ako masyado, wala nga talaga sigurong lugar ang relasyon namin. Kailangan kong tanggapin at harapin ang bukas ng wala siya.

===========================

Ang drama, haha! Sarreh! Enjoy!

My Echuserang PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon