5.

50 0 0
                                    


Recap:

Sunny's pov

Hayy, kaantok naman. Ang tagal naman niya? Gusto ko na umuwi eh. Nag-iinat ako nung mapatingin ako dun sa malaking billboard, kung saan si Harvey ang naka-print.

"Malamang, nandito siya palagi para tingnan yung billboard."

"Anong tinitingnan mo diyan?"

Ay palaka, napatayo ako sa gulat ng may magsalita. Si President Joo lang pala.

"Akala ko naman ikaw na yung hinihintay ko."

"Ano 'to ha? Sino 'yang babaeng yan?"

Winasiwas niya sa mukha ko yung papel kung saan naka-drawing yung mukha ni Michelle (ghost) at may message na nakasulat na: Maghihintay ako sa ilalim ng puno, sa may hamlin park.

"Pa'no mo nakilala si Michelle?" Wala naman ibang nakakaalam tungkol kay Michelle kundi ako at si Harvey ah.

"Siya ang namba-block mail kay Harvey."

"Ano bang sinasabi mo? Hindi niya magagawa yun." Tss, kung alam mo lang kung ano talaga si Michelle sa buhay ni Harvey.

"Kung ganon? Nasan siya? Nasan?!"

Mukhang galit na galit na naman siya. Umiling lang ako. "Wala siya dito ngayon."

"Nasan siya?"

"Wala na, patay na siya."

"Ha? Patay na siya?"

Tumango lang ako. Malungkot yung reaction ng face ko, kasi malungkot talaga ako. Naaawa kasi ako kay Michelle. ://

"Malamang ikaw yung namba-blockmail kay Harvey noh?"

Hala? Grabe makabintang? Ako agad, hindi ba pwedeng.. si ano. Ah basta, ano naman mapapala ko sa pamba-blockmail kay Harvey. "Ha? Hindi ako!! Gusto ko lang sabihin sa kanya yung pinapasabi ni Michelle. Mula pa noon, lagi siyang nagbabantay at gusto niyang palakasin ang loob ni Harvey. Yun ang sabi ni Michelle sakin. Pakibigay mo ito kay Harvey." Binalik ko sa kanya yung papel tapos napa-O yung bibig ko kasi ba naman, unti-unti niyang pinunit yung papel.

"Waaaaaggggg!!!!"

"Patay na si Michelle, wag na niyang guluhin ang buhay." Naiiyak na lang ako habang pinagmamasdan sa hangin yung pira-pirasong papel. Sorry Michelle. :'((

--------------

Naglalakad lang ako pauwi kasi wala akong pamasahe. Dejoke, nagmumuni-muni kasi ako kung tama ba mga pinaggagawa ko.

"Ayos!! Okay, game!" Napatingin ako dun sa lalaking nagsalita. Parang kilala ko siya? Ay tama! Siya yung anak nung matandang ghost na binigyan ko nung savings.

"Sandali!" Pinigilan ko siya pumasok sa isang establishment. Nakakunot yung noo niya tapos parang nakilala niya ako.

"Ah ikaw yung nagpunta samin diba? Salamat nga pala dito." Ngumisi siya sakin.

"Diba sugalan ang lugar na 'to? Diba sabi ni lola, wag ka ng magsusugal?"

"Wag ka nga makialam."

"Sandali, hindi mo pwedeng gawin yan! Hiniling ni lola na wag mong isusugal yan. Kaya wag mo ng ituloy ang binabalak mo."

Asar siyang tumingin sakin. Pero kasi tama naman yung sinabi ko diba? Nakalimutan na ba niya yung bilin ni lola? Sayang naman kung uubusin lang niya sa sugal ang pera.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Master's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon