Disoras ng gabi sa ilalim ng isang malaking puno.
May isang lalaking desperado na naghuhukay sa lupa. Parang may hinahanap siya na kung ano, hindi alintana yung malakas na buhos ng ulan.
"Nasan na ba yun? Bakit nawala? Asan na!"
Kinabukasan.
Johann's (President Joo) POV
NEWS FLASH:
Pinag-uusapan ng lahat ang nalalapit na kasal ng sikat na soccer player na si Harvey Yu at top star na si Sunshine Teh. Ipapaalam namin sa inyo kung kailan at saan gaganapin ang kasal nila.
"Napanood mo na ba yung news?" Tanong ni Mr. Lee, vice president ng kingdom at boyfriend ng tita ko. Sa totoo lang, hindi ko siya gusto para sa tita ko, pero wala naman akong magawa kasi pareho naman silang single. Sino ba naman ako para umepal sa love story nila diba? Hehe.
"15 seconds lang naman pinakita ang Kingdom." Sagot ko.
"Tungkol lang naman yun sa kasal nila, hindi advertisement ng Kingdom." Tumigil ako sa paglalakad para humarap sa kanya. Kasama din nga pala namin si Secretary Kim, syempre kanang kamay ko eh. Kaya kahit saan ako magpunta kasunod ko siya.
"Ako ang mag-iisponsor ng kasal nila kaya dapat advertisement yun ng Kingdom! Dahil naglabas ako ng pera kailangan maayos yung ad, okay?"
"Kami ng bahala dun. Ah, siyanga pala may ipapakita ako sayo." Tapos dumiretso na kami sa office ko.
"May nag-iwan nitong sobre sa wedding hall." Si Mr. Lee pa din. Isang picture ng lalaki at babae ang nasa loob nung sobre tapos yung mukha ng babae butas (literal), di ko alam kung sinunog ng lighter o kung ano basta butas yung papel ng picture dun sa part ng mukha niya.
"Diba si Harvey 'to?!" Tanong ko.
"Siya nga. Alam mo makikita diyan sa litrato na parang kinasal sila."
Tinitigan ko yung litrato. Ano bang meron dito? Hmm.
"Kung hindi fake ang litrato na 'to, siguradong malaking pera ang mawawala kay Harvey."
Bakit? Siyempre kasi sikat siya tapos pag lumabas ang picture na 'to, magkakaron siya ng issue, tapos siguradong kung ano ano ng spekulasyon ang ilalabas ng media.. in other words, baka malaos si Harvey?!
-----------------------
Sunny's PovPapunta na ako sa kuwarto ko ng biglang sumulpot sa harap ko si Pj at Patrick. Sila yung anak ng isang tenant dito sa apartment.
"Ano ba kayo?" Oops hindi ako galit ha, nagulat lang ako kaya ganun yung reaction ko.
After 5mins sabay sabay na kaming kumakain ng lunch dito sa labas ng kuwarto namin ni ate.
"Alam mo ate kung binuksan mo lang yung lata, kaya na namin kumain sa kuwarto namin eh." Si Patrick yung panganay.
"Okay lang yun, kakain na din naman ako eh. Mama nyo? Nakauwi ba siya kahapon?"
"Hindi po siya nakauwi, madami daw po kasi kailangan gawin at kailangan pa niya kumita ng pera. Alam mo ate, sabi nung babae sa room 101, weird ka daw tapos wala ka daw sa sarili mo."
"Hindi kaya! Naaksidente kasi ako noon.. kaya hindi na 'ko tulad ng dati pero gusto ko mamuhay ng normal at magkaron ng trabaho."
Hayyy. Naalala ko yung mga scary moments and experiences ko sa ghost dun sa mga past job ko. Nagwork ako dati bilang secretary sa isang law firm, nung minsang ipagtimpla ko yung boss ko ng kape, may isang lalaking ghost na umappear sa tabi niya tapos duguan yung mukha niya habang may nakatusok na kutsilyo sa ulo niya. Sa sobrang takot ko naitapon ko sa boss ko yung tasa ng kape. Ayun tanggal ako. Tapos nagwork din ako as a traffic enforcer at lady driver kaso, kahit saan ako magpunta may sumusulpot bigla na multo sa harapan ko eh. Okay sana kung maayos yung itsura nila kaso hindi. Kaya ayun, walang nagtatagal na trabaho sa akin. Pero kahit weird ako, meron din naman nanliligaw sakin, tss napangiti ako nung maalala ko yung lalaking nanligaw sa akin dati. Nasa park kami nun tapos hahalikan na sana niya ako kaya pumikit ako, nung mapadilat ako may multo na sa tabi niya kaya nagtatakbo ako palayo dun sa park. Ayun, pati sa lovelife zero din ako.
"Magboyfriend ka na kasi." Sabi ni Patrick. Lokong bata 'to ah.
"Boyfriend?" Naalala ko bigla si President Joo. Magkikita pa kaya kami?
A/N: Sorry super duper late update huhu! Sensya na medyo busy lang kasi tsaka ang dami ko din kasi naiisip na magandang story tapos di ko tuloy alam kung ano uunahin ko. In the end, wala din tuloy ako nagagawa na story hahaha! Hope you enjoy this chappy and please vote! Sensya na din sa ibang typo error ha, btw yung script nga pala base dun sa tagalog version ng TMS ha,, though may ibang lines din na medyo nirerevised ko, medyo lang naman. Hihi, k bye! Lub u all! :))))

BINABASA MO ANG
The Master's Sun
RomanceAnong pwedeng mangyari pag nagmeet yung isang babaeng weird at palaging nakakakita ng ghost at yung lalaking super suplado at puro pera ang nasa isip? kung curious ka, pakibasa na lang yung story. haha! :))