3

43 0 0
                                    

Johann's Pov

Andito kami ngayon sa conference room ng Kingdom at kasalukuyan namin ( Ako, si Sec.Kim, Harvey at manager niya ) pinag-uusapan yung tungkol sa litratong pinapadala ng mysterious na sender kay Harvey.

"Ang totoo, girlfriend ko siya noon. Pero iniwan niya ako." Si Harvey.

"Pinadadala niya pa yung picture sa wedding hall! Siguraduhin nyong hindi yan makakalabas sa press ah, hay, ang sama ng babaeng yan.
Bigla naman sumingit yung epal na manager niya. Sorry pero malaki talaga ang asar ko sa mga taong epal eh. Hehe.

"Kung talagang masama siyang babae, bakit hindi mo pa alisin yan?" Yung suot ni Harvey na bracelet ang tinutukoy ko.

"Eh kasi ito ang inspirasyon ko. Yung galit ko sa babaeng nang-iwan sakin ang nagbigay lakas sakin para magsumikap."

Tss. Ang drama naman ng taong 'to. May ganun ba talaga? Sakin kasi yung perang pumapasok sa company namin araw araw ang nagbibigay lakas sakin, insert evil laugh. Wahahhaha.

"Siguradong alam na niya ngayon na malapit ka ng ikasal. Malamang pupunta siya dito." Seryoso na ako ulit.

"Sana mas higpitan nyo ang security." Yung epal na naman na manager niya ang sumagot.

"May kapalit na bayad ang pinapagawa mo. Idadagdag namin yun sa bill nyo." Tapos tumango ako kay Sec. Kim. Alam na niya ang ibig kong sabihin kaya umalis na siya para i-ready yung kontrata.





--------------------

Sunny's Pov

Andito ako sa labas ng conference room ng Kingdom. Nakita kong lumabas si Sec. Kim kaya medyo lumapit ako dun sa pinto para sumilip. Si President Joo at yung sikat na soccer player yun ah? Ano kayang pinag-uusapan nila?

Paglingon ko sa pinto ay bumungad na naman sakin yung babaeng ghost na kahapon pa ako kinukulit. Sa sobrang gulat ko ay tumilapon ako sa sahig, oo literal pero bumangon din naman ako agad. Baka kasi may makakita sakin.

After 5 mins.

Oo na mahilig ako sa 5mins haha. Yaan nyo na. Anyway andito ako ngayon nagtatago sa isang poste malapit sa conference room ng Kingdom. Sabi kasi sakin nung babaeng ghost sabihin ko daw kay Harvey yung tungkol sa nakabaon sa may ilalim ng puno. Kaya ayun, inaabangan ko na lang na sumakay ng elevator sila Harvey tapos sasabay ako para masabi ko sa kanya yung message ng ghost. Okay. Ako na ang messenger.

Umopen na yung pinto ng elevator kaya kumilos na sila Harvey para sumakay doon.

TAKBOOOOOOOOO!!!!!!

Kaso hindi pa ako nakakalapit kila Harvey, may humila na ng buhok ko. Aray ko naman.

--------------------

Johann's Pov

Nakita kong pasakay na sa elevator sila Harvey tapos biglang may babae na parang baliw na tinatawag sila at gustong sumabay sa kanila sa elevator. Hindi na ako nagdalawang isip, isa lang naman kasi talaga utak ko,hehe. Hinila ko yung buhok niya para pigilan siya, kadiri naman buhok nito. Hindi yata uso shampoo dito.

"Harvey Yu! Aah, sandali! Teka sandali! Sandali lang!" Sabi nung babae.

"Anong ginagawa mo? Sino ka ba?" Bakit kaya may nakakapasok na baliw dito sa company namin? Nag-angat siya ng tingin sakin tapos ngumiti na parang kinikilig. May sapi yata talaga 'to.

"Ahihihihi, ako to." Kadiri. Para talaga siyang pusa na naiihi sa sobrang kilig.

"Sir! Sir! Ano pong nangyari?" Sa wakas dumating din yung security. Binitiwan ko na yung babae tapos binilin sa kanilang palayasin yun. Tapos umalis na ako.

"Halika na." Yaya sa kanya nung isang security officer.

"President! Nagkakilala tayo nung umuulan diba?"

Aba't sumisigaw pa talaga yung baliw.

Tinitigan ko lang siya ng masama tapos naglakad na ako ulit.

"Nagalit ka pa nga sakin dahil hinawakan kita, naaalala mo na? May naramdaman nga tayong kuryente nun eh! Naiwan ko pa nga yung raincoat ko sa kotse mo, naaalala mo na ba, ha?!"

Buwisit, ang daldal naman ng babaeng to. Baka mamaya kung ano pa isipin sakin ng mga security officer. Ano ko, pumapatol sa may sayad?


The Master's SunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon