Dedicated to @kittyinpink and @vangieoirada :))) thanks for voting! :*
#Harvey'sPast
Sunny's Pov
So, andito ako ngayon malapit sa isang botique, dito ako dinala ni President Joo pagkatapos niya akong pigilan kanina na kausapin si Harvey Yu.
"Kaya ako nagpunta dahil gusto kitang makausap pero mas kailangan kong kausapin si Harvey Yu."
Ngumiti siya ng nakakaloko sakin.
"Gusto mong kausapin yung president tapos yung soccer player?! Iba ka rin ah!"
"Hindi ko naman kakausapin si Harvey Yu dahil gusto ko eh. Ikaw talaga ang special para sakin. Hinawakan ko yung polo niya. Dahil pag kasama kita, hindi ko nakikita yung mga taong nakakatakot na sumusunod sa'kin."
Tumingin siya sakin ng masama tapos pinagtaasan ako ng kilay.
"Sabihin mo, nandito ka para humingi ng pera sakin 'no?! O baka may sakit ka sa pag-iisip at tumatakas ka mula sa inyo. Nilapit niya yung mukha niya sakin. Tatawag ba ako ng pulis o ambulansya? Alin dun ang gusto mong maghatid sayo, ha?
Umiling ako, siguro ganun talaga ang tingin niya sakin. Isang weird na babae na mukhang pera, bakit ba ang hirap paliwanagan ng ibang tao? Wala talagang nakakaunawa sakin, well maliban siguro sa ate ko. Hayy.
"Naihatid na 'ko ng pulis, pati na rin ng ambulansya kaya ayoko ng ihatid ako ng mga 'yun."
"Kung ganun, umalis ka na! Dahil pag kinulit mo pa ako, baka kung ano pang hindi magandang mangyari sayo. Hmm?!"
"Nakakainis talaga pag may kumukulit sayo diba? Titingnan mo lang minsan, susundan ka na kung saan saan.
Tapos hihingi pa sila ng pabor sayo. May mga gumagawa din sakin 'nun. Nakakainis talaga 'yun. Sige aalis na lang ako."
Tapos nag-walk out na ako bago pa siya makasagot.
***skip***
Auntie's Pov ( tita ni Johann ).
Kumakain kami ng asawa ko dito sa isang Italian restaurant. Pinakita ko sa kanya yung picture ng kuya ko kasama yung girlfriend niya. Oo, matanda na pero chickboy pa din yung kuya ko. Siya ang tatay ni Johann.
"Sabi ni kuya, nasa states siya ngayon."
"Bata pa ang girlfriend ng kuya mo ah? Maganda siya ah, hehehe. Tapos tiningnan ko siya ng masama, siyempre ako lang dapat ang magand sa paningin niya. Selosa ako eh. Hindi yata nagmana si Johann sa kanya? Hindi siya mahilig sa babae eh."
"Baka nasa tabi pa rin niya ang espiritu ng namatay niyang girlfriend..kailangan ko na kayang magpa-orasyon sa kanya? Kailangan ko na siyang mahanapan ng mapapangasawa." Sabi ko. Nakakabahala kasi hindi naman bumabata si Johann, tapos puro pa business ang nasa utak niya. Kung hindi ko siya bibigyan ng date ay malabong makipagkilala siya sa mga babaeng kasing-edad niya.
"Mahihirapan ka, hindi mo ba alam yung usap-usapan na baka sinumpa si Johann ng first love niya? Pag pinag-uusapan kasi yung kasal, nasasangkot sa gulo yung pamilya nung babae. Dahil nga raw yun sa sumpa, kaya mahihirapan siya makahanap ng mapapangasawa."
Tiningnan ko ulit siya ng masama tapos naudlot yung pagsubo niya ng pasta. This time, alam niyang hindi ako natutuwa sa sinabi niya.
"Ano bang sinasabi mo? Pa'no mo nasabing may sumpa siya?" Tanong ko.
"Kasi naman, ilang taon na pero hanggang ngayon wala pa ding girlfriend ang pamangkin mo, isa pa hindi niya rin ako tinatawag na uncle.."
Napangiti ako. Oo nga pala, pagdating kasi sa kanya napakasungit at suplado ni Johann, lagi siyang binabara nito pero kahit ganun hindi ko pa din magawang magalit sa pamangkin ko. Alam ko naman na ginagawa niya lang yun para inisin yung asawa ko.
BINABASA MO ANG
The Master's Sun
RomanceAnong pwedeng mangyari pag nagmeet yung isang babaeng weird at palaging nakakakita ng ghost at yung lalaking super suplado at puro pera ang nasa isip? kung curious ka, pakibasa na lang yung story. haha! :))